*tok*tok*
*tok*tok*Muntik na akong mahulog sa upuan nang may narinig akong kumatok ang tagal ko na palang nagmumuni muni kaya agad agad akong tumayo para pagbuksan na kung sino man ang kumakatok, binuksan ko yung pinto at si drake lang pala
"Hi,sorry kung pumasok na agad ako sa gate niyo bukas kasi eh baka di nasara ng asawa mo" sabi niya habang nakangiti...Grabe ang gwapo niya
promise kung walang Bryan sa kanya ako maf-fall...."Tuloy ka" sabi ko at inawangan ko yung pinto para makapasok siya...pumasok na siya
"Umupo ka muna at paghahanda kita ng meryenda mo" sabi ko at lumakad na ako ng palayo sa kanya nang bigla niyang hawakan yung braso na may pasa ko kanina dahil hinawakan ng mahigpit ni Bryan yun..kaya napaigik ako sa sakit pero di ko pinahalata
"Bakit?" Tanong ko sa kanya
"Bakit sunog yung damit mo sa likod?anong nangyari Jan?at bakit puno ka na naman ng pasa?sinasaktan ka na naman ba ng asawa mo?" Sabi niya sa akin na may halong pag aalala at sakit??bakit??hayss..wag na ngang pansinin
"Teka lang,maghahanda lang ako ng pagkain" sabi ko
"Wag mo naman ibahin ang usapan,sagutin mo na tanong ko.." Sabi niya na may pagmamakaawa
Huminga ako ng malalim
"Sasabihin ko sayo mamaya,maghahanda lang ako ng meryenda mo,", sabi ko at tumalikod na,
naghanda nalang ako ng sandwich at juice at nakita ko siya.na tinitignan niya yung wedding picture namin ni bryan ,ako lang naman nakangiti dun eh si Bryan naman seryoso lang
Pero di ko alam kung sakit talaga ang nakita ko sa mga mata ni drake habang nakatingin sa wedding picture namin...ayy baka guni guni ko lang yun" Drake,eto na yung meryenda mo"sabi ko at nilapag sa coffee table dito sa sala, umupo naman siya at tinitigan ako na parang iniinterrogate ako
"Ngayon sabihin mo??bakit sunog yung damit mo sa likod??bakit may pasa ka na naman..hanep...Celine..di pa magaling yung pasa mo dati nagkaroon ka na naman ng bago??bakit kasi di mo pa iwanan yan eh wala ka naman nakukuha sa kanya"sabi niya..at di ko alam kung bakit ako tinamaan sa sinabi niya tama siya wala ako nakukuha sa kanya kahit konting pagmamahal lang wala....pano nga niya ako magugustuhan eh nadudihan nga siya sa akin..
"Ano ba? Sagutin mo naman tanong ko..." Mahinahon niyang saad pero alam kong naiinis na siya..huminga ako ng malalim
"Y-yung sa likod ko ni plantsa niya ako at alam mo na yung iba..saka ayoko siyang iwan dahil alam Kong mamahalin din niya ako"
sabi ko habang nangingilid ang luha ko..."Ano ba naman Celine sinasaktan ka na ayaw mo pang iwan??then kung ayaw mo siyang iwan sabihin mo sa kanya yung totoo ng Hindi ka na nahihirapan at nasasaktan" sabi niya
"Alam mo namang-----"
"Ano? Na ayaw mong maging mabait siya sayo dahil sa malalaman niya dahil gusto mong magiging mabait siya sayo pag mahal ka na niya?Celine naman wag ka namang tanga" pagpuputol niya at tila ako nasaktan sa sinabi niya
"OO NA!TANGA AKO!GANON KO KASI SIYA KAMAHAL" sigaw ko at humagulgol na ako di ko na kaya yung sakit eh...
Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa akin at niyakap ako habang hinihimas himas yung likod ko"Sshhh,sorry di ko sinasadya na saktan ka. Nadala lang ako.alam mo namang ayaw ko na nasasaktan ka....mahal kita Celine.kaya kung gusto mo nang sumuko nandito lang ako at handang saluhin ka" sabi niya...salamat talaga drake kahit alam mo na mahal ko si Bryan at kahit Alam mong masasaktan ka. .lagi kang nandiyan sa tabi ko at handa akong damayan at sorry dahil di ko kayang suklian yung nararamdaman mo para sa akin...at alam Kong makakahanap ka rin ng iba...na mamahalin ka buong buhay mo.salamat at sorry Drake Montenegro mahal ko talaga kapatid mo.....
BINABASA MO ANG
A Desperate wife (Complete)
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK!!!!!! ------ Siya si Celine Montenegro, mahal na mahal niya ang kanyang asawa kahit sobra na siyang nasasaktan dahil dito, hindi siya sumusuko kahit ang tingin lang sa kanya nito alipin o tinuturing na parang hayop, ni minsan h...