Chapter 4

480 3 0
                                    

Celine's POV

"Nak,gising na pinabababa ka na ng Mom at Dad mo" sabi ng isang tinig habang tinatapik pisngi ko
minulat ko yung mata ko at nakita ko si manang,,si manang yung laging nandyan pag laging busy sina Mom at Dad

"Manang" sabi ko at niyakap siya at don ako umiyak

"bakit ganun sila?nagdedesisyon sila para sa akin ng Hindi ko alam at ipapakasal ako sa taong di ko mahal" hagulgol na sabi ko

"Ginagawa lang nila yun para sayo,diba nga nalulugi na kompanya niyo?paano pag tuluyang bumagsak yon?paano na kinabukasan mo diba?ginagawa lang nila yun para sa kabutihan mo,kaya tahan na at magbihis ka na para di kayo malate sa dinner niyo" sabi niya niyakap ko siya bigla

"salamat po manang" sabi ko at ngumiti lang siya

kaya gumayak na ako pagbaba ko wala na sila Mom sa salas kaya dumiretso na ako sa labas at nandun na nga sila at naghihintay
"So let's go" sabi ni mom
pagkasakay ko sa sasakyan namin

after few minutes nakarating na kami sa restaurant kung saan pinag aarian Ng Mga Montenegro sabi ni mom
pagpasok namin may sumalubong sa aming waiter at ni guide kami kung saan yung private room dito pagkarating namin don may mag asawang sumalubong sa amin

"Oh mga balae buti naman at napapayag niyo yung magandang anak niyo na pumunta dito" sabi ng babaeng may katandaan na pero di pa rin nawawala yung angking ganda niya

"Syempre naman balae, kayo pa ba ang kaya naming tanggihan?"sabi naman ni Mom

" oh ayan na pala yung isang anak ko eh"sabi ni tita berna sabi niya kanina tawagin ko nalang siyang ganun at tinuro niya yung door kaya lumingon ako at nagulat ako sa nakita ko

siya???

at parang nagulat rin siya dahil nakita niya ako

Si drake yung mapapangasawa ko???

"O drake buti naman nakapunta ka akala ko di ka na pupunta eh, so nasan yung kuya mo?dapat di niya pinaghihintay ang mapapangasawa niya!" Sabi ni tita berna

ha??

"Po??di po siya yung magiging asawa ko?" Tanong ko

"No iha!yung isa pa naming anak yung panganay namin siya yung Mapapangasawa mo pero don't worry mabait yun"sagot naman ni tito Ryan

"Oh ayan na pala si Bryan iha" sabi ni tita berna.pero parang napako ako sa kinauupuan ko

si B-bryan??

no! Hindi!

maraming kapangalan niya sa mundong ito pero parang gumuho yung mundo ko ng marinig ko ang isang malamig na tinig

"Sorry Mom I'm late" sabi niya at di nga ako nagkakamali si Bryan nga, ang ex boyfriend ko

"Its ok iho,so meet Celine your future wife and Celine this is Bryan your future husband " pagpapakilala ni tita berna at sina Mom at Dad naman at si tito Ryan nakangiti lang samantalang si Drake parang nakita ko sa mata niya yung panghihinayang bakit kaya??

"Hi Celine ,I'm Bryan Montenegro" sabi ni bry at umaktong di niya ako kilala

"H-hi" utal na sagot ko

"So let's eat" sabi ni Mom at umupo na kami ang seating arrangement namin at
Mom/dad/ako
Tita Berna/Tito Ryan/Bryan/at si drake

Di parin ako makapaniwala na magkapatid sila ni Bryan so kumain na kami pero di ako makakain ng maayosAng sama ng tingin sa akin ni Bryan na katapat ko medyo nailang ako kaya..

"Excuse me po, Cr lang ako" magalang Kong saad sa kanila at pumunta na ako sa Cr

naghilamos lang ako saglit at nag retouch lang ako...lumabas na ako ng

"Ganyan ka ba kadesperada at pumayag kang ikasal sa akin?huh?" Sabi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko

"B-bryan n-nasasaktan ako" Nauutal Kong sagot

"Talagang masasaktan ka kapag di mo itinigil ang kasal" sabi niya at lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa akin

"Akala mo ba dahil sa kasal na ito mamahalin kita?huh?sa desperadang katulad mo?" Sabi niya sa akin

"Kahit kailan Hinding Hindi kita mamahalin tandaan mo yan" sabi niya at umalis na siya pero bago siya umalis ng tuluyan

"No!di ko ititigil ang kasal at mamahalin mo din ako balang araw" sabi ko sa kanya

Lumingon siya sa akin at ngumisi 

"Then welcome to hell" sabi niya at tuluyan ng umalis at tuluyan na ring tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan

Alam Kong balang araw mamahalin mo rin ako Bryan Montenegro...

A Desperate wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon