Celine's POV
"Sigurado ka ba na ikaw ang magpapapirma sa kanya??paano kung patibong lang niya yun para mapasakanya ka??" Nag aalborotong sagot ni Drake..nandito na kami sa airport ng pilipinas hinihintay namin yung sundo namin..at kanina pa niya tinatanong sa akin yang linyang yan...kahit kailan walang tiwala sa akin yung mokong na ito
"Drake,,Hindi ako mahuhulog sa patibong niya okay??umuwi lang tayo dito para papirmahin siya...at pagkatapos non...kung gusto mo...bumalik tayo ng Europe..kaya ngumiti ka diyan..at ayaw mo nun makikita mo kapatid mo" Sabi ko sa kanya
"Syempre gusto ko..pero ayokong makita ka niya..paano kung kuhanin ka niya sa akin at magkabalikan kayo?" Sabi niya habang nakanguso..kaya di ko mapigilang kurutin pisngi niya.
"Wag kang mag alala di ako magpapakuha sa kanya...sayo lang ako drake ko.." Sabi ko sa kanya at ngumiti sakto naman dumating na yung sundo namin...napagdesisyonan namin na sa condo muna niya kami tumira wala namang malisya sa akin yun...magkayakap pa nga kaming matulog dati eh..pero walang nagaganap na..alam niyo na
Pagkadating namin sa condo niya..hinatid niya ako sa room ko...at nakatulog ako sa sobrang pagod ko sa biyahe
---------------------------------
Nagising ako dahil may naaamoy akong pagkain..at saktong kumulo yung Tiyan ko sa sobrang gutom.
"Celine ko..gising na" sabi ng isang Boses at tinatapik pa ako...kaya minulat ko na mata ko
"Oh!kain ka na..7pm na..at wala pang laman Tiyan mo...baka lalo kang pumayat niyan at magkasakit ka pa" sabi niya at napangiti nalang ako..swerte ko talaga sa lalaking ito...kaya kumain na ako...pagkakain ko kinuha niya pinagkainan ko at lumabas siya sa kwarto ko..after ilang minuto..tumabi siya sa akin
"Di ka ba kakain?" Nagtatakang tanong ko
"Kumain na ako..Celine ko" sabi niya at hinawi yung ilang strand ng buhok ko na humaharang sa mukha ko
"Kelan ka nga pala pupunta sa kompanya niya??" Sabi niya pero nakita ko sa mata niya yung lungkot
"Bukas,para mapabilis yung pagpirma niya" sabi ko
"Paano kung di niya pinirmahan agad at Humingi ng kapalit?ano gagawin mo??" Tanong niya sa malungkot na tono
"Edi pipilitin ko siyang pirmahan yan...at nga pala..wag ka ng malungkot OK??ikaw ang mahal ko..at di kita iiwan" sabi ko sa kanya
"Pero paano pag bumalik yung feelinga mo sa kanya??" Sabi niya
"Di mangyayari yun..Tara tulog na tayo" sabi ko sa kanya at humiga na kami...niyakap naman niya ako ng mahigpit na parang ayaw na niya akong pakawalan pa...
--------------------
*kinabukasan*
Nandito na ako sa harapan ng office niya..di ko alam kung bakit kinakabahan ako...huminga ako ng qmalalim at kumatok na
"Come in" biglang kumabog ang puso ko ng narinig ko yung Boses niya..lalong naging manly Boses niya...hayyy..kaya pumasok na ako...nakita ko siya...di pa rin siya nagbabago...well..lalo siyang naging gwapo at lalong kumisig yung katawan niya kumpara non...nakasalamin siya. Kaya nakapandagdag sa looks niya...syemay..nagkakasala ako nito Kay drake eh
"So you're here sabi ko na nga ba eh..mamimiss mo rin ako" sabi niya at umupo ng padekwatro sa swivel chair niya...tapang talaga ng hiya nito
"Nandito ako..para pirmahan mo na yung annulment paper dahil yun yung sabi mo sa inutusan ko" sabi ko..at nakita ko naman na ngumisi siya
"Bakit kasi inuutos mo pa..kung pupunta ka rin naman pala dito para mapirmahan ko agad yan..bakit di mo na ba ako mahal??" Sabi niya at lumapit sa akin
"Y-yes...I don't love you anymore" sabi ko..pero bakit nagalinlangan ako sa sagot ko
"Talaga??" Sabi niya at tinitigan ako ng matiim sa mga mata ko....nilabanan ko naman siya ng tingin kahit nangangatog na yung
mga tuhod ko sa mga titig niyaAt biglang lumapit yung mukha niya sa akin.at hinalikan ako..bakit di ako makagalaw..ano ba Celine....gumalaw ka wag kang magtaksil Kay drake..sigaw ng utak ko at tila natauhan ako sa naisip ko..kaya bigla ko nalang siya sinampal
"Totoo..di na kita mahal...bakit ko pa mamahalin yung taong naging dahilan kung bakit nawala yung anak ko"sabi ko..at tila parang nag iba yung aura niya
Bigla niyang hinawakan ng mahigpit yung dalawang braso ko"Kung sana sinabi mo agad sa akin na buntis ka non at kung sana Hindi ka naging selfish Edi sana Hindi siya nadamay" sigaw niya sa akin
"Bakit may magbabago ba kung nalaman mo nun na buntis ako??hihiwalayan mo ba si Freya non kung nalaman mo na dinadala ko yung anak mo sa sinapupunan ko??diba wala?" Sigaw ko sa kanya.
"MERON!!!KUNG SINABI MO SA AKIN NOON PA MAN...EDI SANA HINDI NANGYARI YUN..EDI SANA NAIPAGTANGGOL KITA NON" sigaw niya
"Ipinagtanggol??kanino??Kay Freya??bakit??di mo ba ako kayang ipagtanggol kahit Hindi ako buntis ??ganon ba??" Sabi ko sa kanya..hinilot naman niya yung sentido niya na parang sumasakit yung ulo niya dahil sa akin
"Umalis ka na..pipirmahan ko yan...pero after 1 month at kung sasama ka sa akin...and you'll stay by my side" Sabi niya
"What??""di ako papayag...boyfriend ko yung kapatid mo..kaya dapat sa tabi lang niya ako!!"sabi ko sa kanya
"So kayo na pala??may asawa ka pa pero nagawa mong makipagrelasyon sa iba??" Sabi niya..bakit siya din naman ah...tsk selfish talaga
"Eh ano naman??siya naman mahal ko at di na ikaw" sabi ko..at nakita Kong nanlisik yung mata niya sa akin
"Hihiwalayan mo siya at sa akin ka titira ng 1 month kung gusto mo pirmahan ko yang annulment paper na yan..." Mariing sabi niya
"Tsk..ang selfish mo" sabi ko sa kanya..at umalis na..pagkalabas ko ng office niya di ko mapigilang maluha..kahit kailan talaga ang selfish mo..di mo na ako hinayaang maging masaya ..Ang sama mo Bryan Montenegro...
BINABASA MO ANG
A Desperate wife (Complete)
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK!!!!!! ------ Siya si Celine Montenegro, mahal na mahal niya ang kanyang asawa kahit sobra na siyang nasasaktan dahil dito, hindi siya sumusuko kahit ang tingin lang sa kanya nito alipin o tinuturing na parang hayop, ni minsan h...