Chapter 36

275 3 1
                                    


"T-theo" nauutal Kong saad na makilala ko siya

"Ako nga,kamusta ka na?I've been watching you since you left" sabi niya at ngumiti na halata namang pilit

"W-what??Alam mong one night stand lang yon Theo" sabi ko sa kanya 

"Yeah,I know but you still have an affect on me kaya pinahanap kita at nalaman Kong buntis ka hanghang sa manganak ka,,at ang Mas masakit pa pinakilala mo sa anak natin na yung Bryan na yun ang ama niya at Hindi ako" sabi niya na ikinasinghap ko sa gulat.pano niya lahat nalaman ito?

"Paano mo naman nasabi na anak mo nga si ken?may ebidensya ka ba?ha?at bakit mo pa ako pinahanap?di naman kita mahal alam natin na isang pagkakamali lang ang nangyari nung gabing yon"Mariin na sabi ko

" DNA test Freya,at pag negative ang lumabas sa resulta lalayo na ako,, pero sa ngayon hayaan mo ako iparamdam sayo na kahit kailan Hindi mo naramdaman Kay Bryan hayaan mong ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal,I'm willing to be your rebound Freya kaya please hayaan mo na si Bryan sa bestfriend mo,wag mo na silang guluhin,nandito naman ako eh,kahit iniwan mo ako nung gabing yon ,handa pa rin akong habulin ka para mahalin mo rin ako"sabi niya na nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mata

Di ko mapigilang mapaluha,dahil ngayon ko lang naramdaman ito,yung tipong may nagmamahal pa pala sa iyo,yung tipong di mo na kailangang mang agaw ng iba kasi may nagpaparamdam na sayo na mahal ka niya..

Huminga ako ng malalim at saglit na tinignan yung cellphone at ibang mga gamit na binigay sa akin ng pulis. Kinuha ko yung cellphone ni Bryan..at tinawagan yung number niya,napangiti nalang ako ng mapait ng makita ko yung name niya sa contact ni Bryan. .

'Mahal ko'

Hayss kailangan ko na talagang tanggapin na wala na talaga akong puwang sa puso niya

Tinawagan ko na yung number ni Celine,sa pangatlong ring sinagot na rin ng kabilang linya

"Hello?"

Sana after nito maging masaya na kayo, di ko na kayo guguluhin pa,

Sorry Celine,my bestfriend

----------------------

Celine's POV

Sumilip ako sa labas ng kotse ko,na matatanaw ko talaga ang dating bahay namin ni Bryan na ngayon ay bahay na nila ni Freya, ang sakit isipin na sa kanila na iyon na dating amin lang, na KAMI lang, hayss kung Hindi ko lang siya iniwan pero ano magagawa ko, nasaktan lang ako

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba ng kotse at nagtungo sa bahay nila..

"BRYAN!!BRYAN!!PLEASE LUMABAS KA JAN MAG-USAP TAYO PLEASE NAREALIZE KO NA MAHAL PA KITA PLEASE WAG KA MUNANG SUMUKO,MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA,,PLEASE...FREYA!!!KUNG NANJAN KA MAN PLEASE ILABAS MO NA SI BRYAN MAAWA KA NAMAN,MAHAL NA MAHAL KO SIYA PLEASE," sigaw ko sa labas ng gate nila habang di na ako nag abalang mag door bell..

"BRYANNNNN,!!!!PLEASE NAMAN OH,,PLEASE" sigaw ko at di ko na mapigilang humagulgol tumawag pa ako ng tumawag pero wala paring lumalabas,,humihikbi akong tumalikod sa gate nila,,sumuko ka na ba talaga bry??kasalanan ko ito eh...papaalis na sana ako ng marinig Kong bumukas yung gate na Alam Kong sa kanila yon. agad akong lumingon sa pag-aakalang si Freya o si Bryan yon,pero bumagsak ang balikat ko ng mapag alaman kong katukong lang nila yon..

"Ate,nasan yung may-ari ng bahay na ito?nasan si Bryan?please pakitawag Naman oh,please lang" umiiyak Kong saad sa katulong nila at mabilis na hinawakan ang kamay niya

"Please ate!!" Pagmamaka-awa ko sa kanya

"M-ma'am pasensya na po di pa po umuuwi si sir eh" malumanay niyang saad

A Desperate wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon