Nagising ako dahil tumatama sa mukha ko yung sinag ng araw. Tumingin ako sa gilid kung tulog pa ba si Bryan pero wala na siya don kaya tumayo na ako at nag ayos.
Pagkababa ko sa hagdan. Pumunta na ako sa kusina para magluto na ng agahan namin pero pagpasok ko sa kusina. Nakita ko siyang nakaboxer lang at nakaapron na kulay pink. Ang hot niya sobra tas habang nagluluto siya nagf-flex yung muscle niya ...hanep. Ang hot niya parang gusto ko pa ng another-----ano ka ba naman Celine ang manyak mo na..hayss
"Good morning," sabi ko
"Oh nandyan ka na pala, upo ka lang diyan at malapit ng matapos ito" sabi niya hindi talaga ako makapaniwala na nagluluto siya kahit di siya marunong at pinagluluto niya ako. As in ako, na binubugbog at inaalipusta niya dati? Pwede na ba akong mamatay? ---ayy wag muna wala pa kaming anak
so back to the topic,dati kasi ako nagluluto para sa kanya kung di niya kakainin itatapon niya lang. O kung kakain man siya ayaw niya akong kasabay lahat ng ito first time..ang saya ko sobra. Nang matapos siya nilapag na niya lahat ng niluto niya sa mesa ,napatigagal ako dahil for the first time Hindi sunog lahat ng niluto niya....mula sa hotdog,bacon at itlog..pati yung sinangag parang chao fan ng chowking"K-kelan ka pa natutong magluto?"
Manghang tanong ko"Nung lumipat ka sa bahay niyo alam ko naman kasi na pinagtitiyagaan mo yung luto ko non tsaka gusto ko ring matuto para pagsilbihan ka" sabi niya at kumindat pa...kinikilig na talaga ako sa mga oras na yun
"Nga pala, pagkatapos nating kumain, magimpake ka ng gamit mo for 3 days..may pupuntahan tayo" Sabi niya
"Ha?saan naman?" Tanong ko
"Basta" sabi niya at ngumiti..gaya ng sabi niya after naming kumain pumanhik na ako sa taas para magimpake siya na raw kasi maghuhugas ng pinagkainan namin,how sweet diba??pagkaimpake ko,,naligo na ako at nagbihis na pagbaba ko ready na rin siya at ang gwapo at ang hot niya sa vneck T-shirt at short.
"So let's go??" Sabi niya at nagtungo na kami palabas at sumakay na sakotse niya
"San ba tayo pupunta??" Sabi ko
"Basta magugustuhan mo" Sabi pa niya at ngumiti naman, naiinis na nga ako dito dahil puro basta nalang sinasagot niya pag tinatanong ko siya kung saan kami pupunta. Natulog muna ako kaysa naman kulitin ko siya Hindi rin naman niya sasabihin kung saan kami pupunta
"Babe, Babe" nagising ako dahil tinatapik niya ako ng mahina
"Nandito na tayo" sabi niya at inalalayan na akong bumaba
"Airport?? Ano gagawin natin dito??may susunduin ba tayo??" Takang tanong ko
"Basta, Tara na sa loob baka mahuli na tayo sa flight natin" sabi niya at di na ako kumiboPagkasakay namin sa eroplano natulog na ako. Nagising ako ng 3pm na at nagsisipagbabaan na yung mga tao
"Nasan ba talaga tayo??pag di ka sumagot ng matino. Iiwan talaga kita dito''pananakot ko
" easy babe, nandito tayo sa Palawan"sabi niya
"P-palawan" nauutal Kong sabi sa sobrang saya. Matagal ko na kasing pinangarap na mapuntahan yun dahil ayaw ng parents ko na mag out of town. Sobrang saya ko at parang naluluha na ako kasi una yung dream house ko tapos yung dream place ko. Hanep ang saya ko sobra. Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya at hinalikan at di ko mapigilang mapaluha
"Sshhh,,diba sabi ko gagawin ko ang lahat makabawi lang sayo at mapasaya ka diba??" Sabi niya at pinunasan yung luha Kong nagsisiunahang magsituluan
"Thank you bry" niyakap ko siya ulit wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami dito sa airport ang mahalaga masaya ko dahil kasama ko ang taong mahal ko at pinapasaya niya ako. Sana talaga wala ng problema ang dumating sa amin. Sana masaya nalang kami lagi
BINABASA MO ANG
A Desperate wife (Complete)
General FictionREAD AT YOUR OWN RISK!!!!!! ------ Siya si Celine Montenegro, mahal na mahal niya ang kanyang asawa kahit sobra na siyang nasasaktan dahil dito, hindi siya sumusuko kahit ang tingin lang sa kanya nito alipin o tinuturing na parang hayop, ni minsan h...