Chapter 37

238 1 0
                                    


Celine's POV
Ilang oras na ako dito, binabantayan siya at umaasang gigising na siya, ayokong umalis sa tabi niya dahil gusto ko ako yung una niyang makikita paggising niya. Kasalanan ko ito, kung nag isip ako at hindi pinairal ang galit ko hinadi na sana mangyayari ito. Naiiyak na naman ako sa twing naaalala ko na nagmamaka awa siya hanggang sa sumuko na siya at iniwan ako.
"Please bryan, gumising ka na, nandito na ako hindi na kita iiwan so please gumising ka na, mahal ko" saad ko at hinalikan ang kamay niya.
*Tok* *tok*
Dali dali akong tumayo at inayos ang sarili ko bago tuluyang pumasok ang inaakala kong doctor niya. Si freya pala.
"Celine, pwede ba tayong mag-usap?" Saad niya sa akin. Huminga ako ng malalim, di naman siguro masama na sumama ako sa dati kong bestfriend.

"Sige, tara sa labas wag dito" sabi ko sa kanya na walang ekspresyon ang mukha. Tumango naman siya kaya nauna na akong maglakad sa kanya.
Huminto kami sa coffee shop na nasa tapat lang ng hospital di kami pwedeng lumayo, dahil nga kay bryan, ayokong wala akong alam pag may emergency na nangyari sa kanya.

Umupo muna kami at umorder.
"Ano ang pag uusapan natin?" Walang emosyon kong saad sa kanya, di ko kasi mapigilan

"C-celine alam kong marami akong nagawang pagkakamali sayo at kay Bryan, sorry, alam kong hindi ko na maibabalik yung dati pero sana mapatawad mo ako" napayuko siya at kitang kita ko na may tumulong luha mula sa mga mata niya

"Freya,alam mo naman na pinahalagahan ko friendship natin, pero kung nagkamali ka? Nagkamali din ako, bestfriend kita eh dapat nagdadamayan tayo pero dahil lang sa isang lalaki nagkasira tayo, alam kong mahal mo si bryan,alam ko ding gagawin mo ang lahat para sa kanya, para makuha mo siya, pero freya mahal ko din si bry eh, oo iniwan ko siya dahil sobra akong nasaktan,pero bumabalik na ako freya, at babalikan ko ang talagang akin" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa kamay niya

"Alam ko, alam ko celine, kasalanan ko pero sana mapatawad mo ako" lumuluhang saad niya

"Madaling makalimot pero mahirap magpatawad freya,sana maintindihan mo ako,please give me time" sabi ko sa kanya
Tumango-tango naman siya saka pinunasan luha niya at tumayo

"Nga pala,nagpunta din ako dito para iabot sayo to" sabi niya saka may nilahad na cellphone,box na maliit at isang envelope

Nagtataka ko siyang tinignan
" Para sayo, yan yung natagpuan ng mga pulis sa loob ng kotse ni bryan, sana kahit dito makatulong ako lalayo na din ako, di ko na kayo guguluhin"and she left me confused and dumbfounded

Kinuha ko yung phone at alam ko kay bryan yun, pagkabukas ko palang naiyak na ako, naka wallpaper pic ko eh saka may nakalagay na "mahal kong celine" 

Napangiti ako ng mapait, alam kong mahal niya ako pero di ko man lang siya binigyan ng time para magpaliwanag at di ko man lang napatawad pero ngayon, sisiguraduhin ko na paggising niya ipaparamdam ko na napatawad ko na siya

Sunod kong binuksan yung red small box, nagulat ako isang singsing, n parang infinity ring at nakaukit don is CB, alam kong Celine at Bryan meaning non

Lalo akong napaiyak nung binuksan ko yung brown envelope at ito din ang nakapagpaguho sa mundo ko

Isang annulment paper, na may pirma niya at ako in short di na kami kasal,in short wala ng kami, wala na akong panghahawakan kung sakaling balikan ko man siya, ang tanga ko, ang tanga tanga ko,humahagulgol lang ako dito pero may nakita akong isang papel na nakaipit sa annulment paper,

-Dear Celine-

Mahal ko, siguro naman magiging masaya ka na, napirmahan ko na yung annulment, masakit sa akin, sobra ,masakit sa akin na sa oras na pirmahan ko ito, wala na akong karapatan sayo, pero kahit masakit tatanggapin ko, kasalanan ko naman eh, kasalanan ko kung bakit nawala anak natin at kasalanan ko kung bakit ka sumuko, pinapakawalan na kita loves, pinapalaya na kita, pero hindi ibig sabihin non, sumusuko na ako, pinakawalan man kita, pinalaya man kita sa ngayo pero hinding hindi ako susuko mahal na mahal kita celine, at sa pagpirma ko dito sa annulment? Wala man akong karapatan sayo ngayon, pero sisiguraduhin ko, pag magaling na yung sugat na iniwan ko sayo, babalik ako at sisiguraduhin kong wala ka ng kawala, kaya ngayon palang sasabihin ko sayo

Malaya ka na sa ngayon, pero tandaan mo akin ka lang at sayo lang ako, i love you loves

-bryan

Napahagulgol ako dito, sibrang sakit eh akala ko, akala ko magiging masaya ako pag pinirmahan niya ito, pero masakit pala kasi hanggang ngayon mahal ko pa din siya eh mahal na mahal,
.ilang minuto din ako nandito, at umiiyak 

*ring* *ring*(phone ring)
Mama ni bryan

"Hello ma? Napatawag kayo? May nangyari ba?" Nag aalalang tanong ko, pero ang sagot niya isang malakas na hagulgol

"Celine,nak, nag flat line na yung machine na nakakabit kay bryan, kailanganna daw tanggalin yung tubo para di na mahirapan si bryan,nak please ,hayaan na natin siya, ayoko ng nahihirapan na yung anak ko, so pls celine nasa iyo na yung desisyon" naibagsak ko yung phone ko dahil di ko na kinaya yng sakit basta ang alam ko lang tumatakbo ako pabalik ng hospital

No, loves, di mo ko iiwan, pinangako mo sa akin yan, please lumaban ka, nandito na ako, nandito na ako loves, mahal na mahal kita bryan

----------------------
Hi guys, sorry for late ud ang tagal kong di nakapag update sana mapatawad niyo ako katulad ng pagpapatawad ni celine kay bryan, haha, next isfinal chapter so sana abangan niyo
-lovelots
Author

A Desperate wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon