Chapter 14

387 1 0
                                    

Celine's POV
"Please bumalik ka na sa akin,promise di na kita sasaktan,mahal kita" sabi niya after the kiss napaiyak ako lalo

Sobrang saya ko dahil yung pinangarap ko noon natupad na ngayon..hinalikan ko ulit siya at di ko alam kung bakit nahihilo ko

"Mahal kita" sabi ko then black out

Bryan's POV

"Mahal kita" sabi niya ay biglang hinimatay

"CELINE" sigaw ko buti nalang nasalo ko siya kaya binuhat ko siya, $hit ang init niya pumara na ako ng taxi at sumakay na

"Sir san po tayo?" sabi ng driver

"Sa ***** subdivision,please pakibilisan lang manong" sabi ko

At tumango siya

Pagkadating namin sa bahay agad kong dinala sa kwarto ko si Celine

Pagkalapag ko sa kanya sa kama pumunta ako sa kusina para kumuha ng basin na may maligamgam na tubig at towel pagkaakyat ko dun..nakita kong nanginginig na siya sa lamig....shit....aga­d Kong nilapag sa side table yung dala ko at pumunta sa baba para kumuha ng damit niya sa servant's room, sa sobrang galit ko sa kanya non diyan ko na siya pinapatulog lagi

Umakyat na ako at agad akong lumapit sa kanya at pinunasan siya...shit..at pikit mata ko siyang binihisan kahit nakita ko na yun kailangan ko pa rin ng pahintulot niya nilagyan ko siya ng bimpo sa noo niya para bumaba yung lagnat niya...lalabas na sana ako ng nagsalita siya

"Mahal kita Bryan" sabi niya na nakapagpangiti sa akin nilingon ko siya pero tulog pala nangiting iiling iling akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

This is my first time na magluluto ako at di pa ako maalam don pero para sa kanya gagawin ko...kahit kami ni Freya non di ko siya napagluto kahit meron siyang sakit non ngayon lang at Kay Celine na pero di ko alam kung anong lulutuin ko kaya tinawagan ko yung kaibigan ko

"Pre" sabi ko

[Ahmm ahh,bakit]sabi niya, hayop talaga di man lang tumigil sa ginagawa niya tsk

"Ano ba niluluto pag may sakit" tanong ko

"Aaaahhhh babe....sopas pre"" sabi niya di talaga matinong kausap yong gagong yon

"Paano lutuin-----*toot*"

Hayop pinatayan ako ayy bahala na nga ..pumunta ako sa ref para tignan kung ano laman non..sabi ng iba may gulay yun.

Kaya kumuha ako ng kamote,gabi,tsaka repolyo kumuha na rin ako ng pasta at gatas at niluto na, pagkatapos Kong lutuin kumuha ako ng mangkok at dun nilagay sana magustuhan niya...pagkarating ko sa kwarto gising na siya kaya lumapit na ako

"Kain ka na at uminom ka ng gamot para gumaling ka" sabi ko at nilapag na sa gilid yung pagkain

Celine's POV

"Kain ka na at uminom ka ng gamot para gumaling ka" sabi niya at napangiti ako ng nakita Kong may dala siyang pagkain
Kinuha ko na yung pagkain at napalunok ako..parang ito ata ang magpapalala sa akin

"A-ano ito?" Sabi ko

"Sopas,sana magustuhan mo first time Kong nagluto eh" masayang sabi niya..Sopas??pero may kamote at gabi?at lusak na lusak na yung pasta at puro paminta pero pinilit kong kainin para di siya madisappoint

"MASARAP ba?" Masayang tanong niya

"A-ah oo.sobra" sabi ko at kumain na kahit di ko malunok lunok.pagkatapos Kong kumain pinainom niya ako ng gamot at inalalayang humiga napangiti tuloy ako sa nakikita ko puro first time..first time niya ako pinagluto at inalagaan..nagbabago­ na nga siya pero kailangan ko munang lumayo kahit ilang linggo lang

"Goodnight Celine" at hinalikan niya ako sa noo at nakatulog akong nakangiti.

Nagising ako ng tumatama sa mukha ko yung sinag ng araw

"Good morning Celine" sabi niya pagkapasok ng kwarto

"breakfast in bed "sabi niya at nilapag sa tapat ko YUNG tray na may lamang sunog na itlog at hotdog...Tss..kakain­ na naman ako ng lason

Pagkatapos Kong kumain naghanda na ako

" aalis na ako ni Bryan"sabi ko at nanlalaki yung mata niya

"A-akala ko ba ayos na tayo?" Nauutal niyang sabi

"Oo ayos na tayo at napatawad na kita pero kailangan muna natin ng space kahit 1 week lang" sabi ko

Nakita ko siyang ngumiti ng malungkot

"Sige,pero hatid na kita" sabi niya at tumango nalang ako pagkadating namin sa bahay

"Promise papatunayan ko sayong nagbago na ako, ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako katotoo sayo"sabi niya at hinalikan ulit ako sa noo

"ingat ka dito"sabi niya

"Ingat ka din" sabi ko at ngumiti pagkasakay na niya ng kotse niya at humarurot na ito paalis tsaka ako pumasok sumalubong naman sa akin yung parents Kong nag aalala..sinabi ko naman na okay lang ako

3 days na ako dito sa bahay ng magulang ko at laging nagpupunta dito si Bryan para dalhan ako ng bulaklak at chocolate...at talagang pinatunayan niya talaga na nagbago na siya minsan cake na may nakalagay na sorry at talagang kinikilig ako dahil para kaming teenager na nagliligawan kahit na pinagtutulakan ni dad si Bryan paalis ng bahay pero di pa rin siya tumitigil..dapat ko na ba siyang bigyan ulit ng chance kahit napatawad ko na siya??siguro wala naman masamang magbigay ng second chance

A Desperate wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon