Chapter 24

304 4 0
                                    

Celine's POV

Pinatuloy ko sina Mom at Dad

Naupo kami sa couch

"Kamusta ka na iha??pasensya na kung di kami nakadalaw non ah" sabi ni Mom

"OK lang Mom, at least binisita niyo ako...kamusta na kayo??" Sabi ko

"OK lang kami nak ikaw??bat parang pumapayat ka??pinapabayaan ka ba ng asawa mo??" Agad akong namutla sa tanong niya

"No..mom actually inaalagaan niya nga ako.." Sabi ko at bigla namang lumitaw yung bruha...kilala naman siya ni mom eh

"Oh?Freya nandito ka pala??" Sabi ni mom

"Hi tita,,opo binibisita ko lang po si Celine" sabay ngiti...plastic..pin­­asadahan siya ng tingin ni mom..at naalala Kong suot pala niya yung damit ng asawa ko patay!!!mukha naman atang napansin ni Freya na iniinspeksiyon siya ni mom kaya nagpaalam na...

"Celine magsabi ka ng totoo!totoo bang Inaalagaan ka ng asawa mo??" Sabi nito

"Y-yes mom" nauutal na sagot ko

"Eh?ano yun??kabit ba ng asawa mo yung kaibigan mo ha??at talagang suot pa yung damit ng asawa mo..at dun pa sa taas siya tumungo imbis na umalis siya!!umamin ka Celine pinaglulupitan ka na naman ba ng asawa mo??"tanong ni mom

yes mom...kabit niya si Freya...Hindi niya ako mahal mom..pinaniwala lang niya ako sa kasinungalingan...si­­nasaktan nila ako.....at buntis ako mom..di ko alam kung ano na gagawin ko...gusto ko mang sabihin sa kanila yang mga katagang yan...di ko magawa..dahil alam ko pag sinabi ko sa kanila yan...ilalayo nila ako sa asawa ko..paano naman yung anak ko diba??ayokong lumaking walang ama yung anak ko...

"No mom....wala lang kasi siyang pampalit na damit at di ko naman mapahiram dahil lahat kami kaya nag mabuting loob lang yung asawa ko.." Sabi ko sa kanila

"Siguraduhin mo...halatang malandi yang kaibigan mo..kaya bantay bantayan mo asawa mo...." Sabi nito

"Yes mom" sabi ko

"Nga pala..nagpunta kami dito..para sabihin sayo na may business party sa bahay,,isama mo na rin Bryan..para maipakilala ko sa mga Amiga ko yung son in law ko...sige na Alis na kami" sabi nito at humalik si mom at dad sa pisngi ko..

"Wag mong pababaaan sarili mo Celine" bulong sa akin ni dad at umalis na.

---------------
5:30pm na at hinihintay ko si Bryan para sabihin na may party sa bahay mamaya....sinabi kasi ng sekretarya niya na pauwi na siya....nakakapagod sa akin yung araw na ito dahil utos ng utos yung Freya na yun.....hayss...napa­­lingat ako ng biglang bumukas yung main door nandiyan na siya...pero di niya ako pinansin

"Bryan" tawag ko sa kanya

"What?" Cold na sabi niya

"Ah..iniimbitahan kasi tayo ni mom na pumunta sa business party kung OK lang sayo?" Sabi ko

"What time??" Sabi naman niya

"7pm" sabi ko

"Okay..mag ayos ka na" sabi niya at umalis na...napangiti naman ako....kaya naligo na ako at nag ayos na....natapos ako bago mag 6:30..black na cocktail dress lang yung suot ko na ni partneran ng black doll shoes..sabi kasi ng doctor bawal mag hills yung buntis..kaya sinunod ko lang..pagkababa ko nandon na siya.

"Lets go" malamig na saad niya..papaalis na kami ng may tumawag sa amin

"Wait saan kayo pupunta??at ikaw babae ka saan mo dadalhin si Bryan" sabi ni Freya habang dinuduro ako..tapang naman ng hiya ng babaeng ito

"May business party sa kanila..kaya pupunta kami... Umakyat kana sa taas at magpahinga na baka kung ano pang mangyari Kay baby" malambing na sabi ni Bryan Kay Freya..umiwas naman ako ng tingin sa kanila dahil alam Kong konti nalang tutulo na luha

"Sige..ingat ka" sabi ni Freya at hinalikan sa labi yung asawa ko

"Let's go .ano pang ginagawa mo diyan?" Sabi niya..di ko napansin na napatulala na pala ako..hayss tanga mo naman Celine

-----
Pagkadating namin agad naman kaming sinalubong ni mom...at pinakilala kami sa mga Amiga niya.....at kung ano ano pa....ang tagal matapos nilalamig na ako..nagulat nalang ako ng may naglagay ng coat sa balikat ko..si Bryan pala

"Salamat" nginitian ko lang siya.....pinakilala pa kami sa mga business partner nila at investor....after ng party umuwi na kami ni Bryan...pinag I stay naman kami ni mom kanina..pero umayaw si Bryan dahil nag iisa lang si Freya dun..pagkadating namin sa bahay agad pumunta sa taas si Bryan at dumiretso ako sa kusina para sana uminom

"Masaya ka na??dahil nakasama mo magdamag si Bryan??", napatigil ako sa pag inom ng may nagsalita sa gilid ko

" ano?may ginawa ba kayo ha??"tanong pa rin niya..pero tinalikuran ko lang siya wala ako sa mood makipag away.....pero hinatak niya ako sa braso paharap sa kanya

"Wag kang bastos kinakausap kita" sabi niya

"Oh?talaga?akala ko kasi imaginary friend mo eh" sabi ko..at bigla niya akong sinampal..pagod na talaga ako

"Sagutin mo tanong ko??anong ginawa niyong dalawa ha??may nangyari ba sa inyo?" Tanong niya

"Ano naman??mag asawa naman kami diba?" Nakataas Kong kilay na saad

"Hayop ka" sigaw niya at sinabunutan ako...parehas na kami nakahiga....NASA ibabaw ko siya habang sinasabunutan at sinasampal niya ako..no..baka madagnan niya baby ko....kaya ginawa ko....tinulak ko siya ng malakas..kaya napasaldak siya sa sahig..napatingin ako sa hita niya;!no!!.thiscan't be

"F-freya" mahinang sabi ko at umiiyak na siya

"Celine tulungan mo ako..yung baby ko" iyak niya

"ANONG NANGYAYARI DITO??" sigaw ng isang Boses na lalong umapaw yung takot sa dibdib ko...

"Freya!!anong nangyari sayo!!!" Sabibnito na naghihisterikal na

"Bryan sorry di ko sinasadya" umiiyak na sabi ko...hinigit niya yung braso...
"PAG MAY NANGYARI SA MAG INA KO.HUMANDA KA" sigaw niya at bigla akong sinampal at tinulak ng malakas sa pader.

Naramdaman Kong sumasakit yung puson ko..napatingin ako sa hita ko

"No..kapit ka lang baby!!Bryan tulungan mo ako" umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa kanya na nagmamakaawa .....nandon pa rin yung gulat sa mukha niya.

"B-bryan" sabi ni Freya

"Please....save our baby Bryan" nanghihinang saad ko...lumapit siya sa akin...akala ko tutulungan niya ako.pero di pala

"Sa tingin mo maniniwala ako na akin yan??manigas ka," sabi niya sa akin at tinulungan si Freya at umalis na..walang hiya kayo!!!mag sama kayong hayop kayo..wala kang awa bryan..hayop ka!!! umiiyak na sabi ko sa isip ko

"Baby kapit ka lang gagantihan pa natin sila pls..baby"sabi ko at gusto ng pumikit ang mata...bago ko ipikit mata ko

"D-drake,"..at tuluyan na akong pumikit salamat at dumating ka drake

A Desperate wife (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon