Chapter 3:
MABIBIGAT ang hakbang na tinungo ni Winter ang kwarto ni Ace. Simula kasi nang nagwalk-out ito kahapon ng umaga ay hindi na ito lumabas pa ulit. Ni hindi nga ito kumain ng hapunan. N'ong tanghali naman, bumaba lang ito saglit para kumuha ng tanghalian, umakyat din agad ito. Ni hindi nga sya tinapunan ng tingin.
May dala syang tray ngayon na naglalaman ng tanghalian ng lalaki. Nag-aalala na sya para rito. Baka may problema ito o ano.
Huminga muna sya ng malalim bago kumatok sa kwarto ng binata. Nang walang sumagot ay pinihit nya ang sedura at pumasok sa loob.
Naabutan nya si Ace na mahimbing pang natutulog sa kama nito. May bote ng beers na nagkalat sa ibaba ng kama. Nasa side table pa rin ang pinagkainan nito ng tanghalian kahapon. Mukhang nagpakalasing ang lalaking ito.
Napabuga sya ng hangin. Mukhang kailangan nyang linisin ang kwarto ng binata. Para itong binagyo sa sobrang gulo. Ano ba talagang problema nitong lalaking 'to?
Binaba nya muna ang pagkain na para sanang tanghalian ng binata. Inipon nya lahat ng bote ng beer at inilagay sa plastik. Kinuha nya rin ang pinagkainan nito at bumaba sya.
Nang mailagay na nya sa tamang lalagyan ang lahat ng kalat na nakuha nya sa kwarto ni Ace, umakyat ulit sya nang may dala ng walis tambo at dustpan. Balak nyang linisin ang kwarto nito para kung sakaling magising ang binata ay maayos na ang kwartong mabubungaran nito.
Nang makapasok sya sa kwarto nito, tulog na tulog pa rin ang binata. She starts cleaning the whole room.
NAGISING si Ace dahil sa sinag ng araw na tumatama sa buong katawan nya. Napalingon sya sa pinanggalingan ng liwanag. Napakunot-noo sya nang makitang bukas ang kurtina sa malaking glass window nya. Ang pagkakaalala nya ay nakasara pa ito at hindi sya tumayo para buksan ito.
Inilibot nya pa ang paningin sa kabuuan ng kwarto nya nang mapansing may bago rito. Wala na ang mga bote ng alak na nasa baba ng kama nya at wala na rin ang pinagkainan nya. Malinis na malinis ang kwarto nya, parang may naglinis dito. Napabaling ang ulo nya sa side table nya, may pagkain na roon na sa tingin nya ay para sa pananghalian nya.
Lubos nyang ipinagtataka kung sino ang naglinis ng kwarto nya. Wala namang kasambahay sa bahay na ito, at alam nya iyon.
Tumayo sya at pumasok ng comfort room. Naligo agad sya at nagbihis. Pagkatapos ay kinain nya ang pagkain sa side table nya. Nahalata nyang kanina pa ito naroon dahil malamig na ito pero masarap. Sarap na sarap sya sa kinain.
Dala-dala ang pinagkainan, dumiretso sya ng kusina. Naabutan nya roon ang ate nya.
"Ate, kanina ka pa gising?" Bungad nya sa kapatid.
Tinanggal ng kapatid ang suot na salamin bago ito hinarap, mukhang nagtatrabaho ito. Parang may binabasa itong email para sa trabaho nya.
"Oo. Aba! Ala-una na, ano pang aasahan mo?" Mataray na sagot nito.
Sungit talaga. "Alam mo ba kung sinong naglinis sa kwarto ko?"
Faymine smiled. Alam na alam nito, syempre. "Si Winter ata, nakita ko syang pumasok sa kwarto mo kanina na may dalang tambo."
Napatulala sya. Ginawa ba talaga iyon ni Winter para sa kanya? Gusto nyang ngumiti ng pagkalaki-laki pero pinipigilan nya ang sarili nya dahil kaharap nya ang kapatid. Baka isipin pa nitong may gusto sya kay Winter.
"May pagkain din sa side table ko, siya ba nagluto n'on?"
"Malamang. Siya lang naman ang nagluluto sa bahay na 'to."
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...
![Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113072925-64-k192077.jpg)