Chapter 4:
KAGAYA ng inutos ni Faymine kay Winter, maaga syang nagtungo sa kwarto ni Ace para gisingin ito. Hindi na sya kumatok, dire-diretso sya sa loob at naabutan nyang mahimbing na natutulog si Ace. Napailing sya nang may makitang dalawang bote ng beer na wala ng laman sa side table ng binata. Mukhang naisahan sya nito kagabi. Dapat pala bumalik ako dito kagabi.
N'ong una, marahan pa ang pagyugyog nya sa binata pero hindi epektibo ito rito. Mas nilakasan nya hanggang sa marahas na nyang pinapalo ang balikat nito. Tulong mantika. Napailing na lang sya at halos yumugyog na ang kama nito sa malakas na pag-uga nya sa binata.
"Ace, ano ba?! Gumising ka na!"
"Winter, I'm awake. Maaalog na utak ko sa pag-alog mo."
The fuck?! Nasayang ang effort niya. Mukhang kanina pa ito gising at ayaw lang bumangon.
"Nag-inom ka kagabi?" Aniya.
Hinarap sya nito at nginitian. "Good morning."
Kinunutan nya ito ng noo. Hindi nya sinagot ang tanong niya!
"Bakit ka nag-inom?"
"May breakfast na?" Malaki ang ngiti ng binata pero hindi tumalab sa kanya ang pag-iiba nito ng usapan. Lalo pa nga siyang nainis dito.
"Bakit ka nag-inom? Alam mo namang maaga kang gigising ngayon diba?" Sermon niya. Ang aga-aga pero ang init na agad ng ulo nya sa lalaking ito.
"Sorry!" Itinaas nya pa ang dalawang kamay habang nakahiga pa rin. Parang ipinapahiwatig nito na suko na sya. "Sorry na Winter. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Baka sakaling makatulong sa pagtulog ko kapag uminom ako."
"Sana hindi ka pa rin nag-inom." Pinanliitan niya ng mata ang binata.
"Sorry na. Hindi ako nakatulog n'ong lumabas ka ng kwarto ko kasi..." Pahina ng pahina ang boses nito. "Kasi baka iniisip mo na napaka-manyak ko dahil sa nakita mo."
Laglag ang panga nya habang tinitignan ito. Hindi nya naisip ang bagay na iyon! Ang inisip pa nga nya ay kailangan nyang masanay dito dahil baka natural lang ito sa bansang tinirahan ng binata ng labing-isang taon.
Nang makabalik sya sa ulirat, isinara nya ang bibig at nag-iwas ng tingin dito. Bakit nya naman iniisip na baka gan'on ang maging reaksyon ko? Is he hitting on me?
"Bumangon ka na d'yan. Bumaba ka na lang at mag-almusal." Aniya tapos lumabas na. Dumiretso sya sa kusina at nagsimula ng gumawa ng almusal nilang dalawa.
Agad siyang napatingin sa hagdan nang makarinig ng yabag ng mga paa at sigurado syang si Arvis Ace ito. Nakagat niya ang sariling labi nang makitang boxer lang ang tanging suot ng binata. Lantad na lantad ang matipunong katawan nito na halatang pinaghirapan. May anim na pandesal ito sa tiyan at may puto sa magkabilang braso. Napaka-macho nito. Nakakapaglaway.
Nang mapansin nyang may mayabang na ngiti na dumungaw sa mga labi nito ay napatikhim siya. Nag-iwas ng tingin at kinausap gamit ang casual na tono.
"Umupo at kumain ka na. Maliligo lang ako."
Napatingin ang binata sa pagkain at napakunot-noo. Napansin nyang wala pang bawas ang sinangag at omelet na nasa hapag. "Kumain ka na?"
"Hindi pa. Kakain na lang ako 'pag tapos mo."
Napakunot pa lalo ng noo ng binata. "No. Sabayan mo na ako."
"Mauna ka na."
"Mas masarap kumain kapag may kasabay."
"Ang tigas ng ulo mo, Ace."
"Mas matigas 'yang sayo. Sumabay ka na kasi sakin."
"Maliligo muna ako."
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...