Chapter 15:
NAGISING siya dahil sa tunog ng isang cellphone. Sinulyapan niya ang asawang nahihimbing pa sa tabi niya.
Hinagilap niya kung nasaan ang maingay na teleponong nakapagpagising sa kanya. Sigurado siyang hindi kanya iyon dahil hindi 'yon ang ringtone ng cellphone niya.
Natagpuan niya sa side table ang cellphone ni Ace na hindi tumitigil sa kaka-vibrate at kakatunog. Kinuha niya iyon sa pagkakaakalang alarm. Pero hindi, tawag ito galing kay Jamie.
Napairap siya. Wala pala silang relasyon, ha?
Pinatay niya ang tawag. Ang aga-aga mambulabog ng malanding babaeng iyon sa asawa niya.
Muli na namang tumunog ang cellphone nito. Tumatawag na naman ito! Naiirita na siya.
Niyugyog niya si Ace nang malakas kaya nagising ito.
"Bakit? May masakit ba sayo?" Natatarantang anito.
Tinaasan lang niya ito ng kilay at inabot ang cellphone nito sa kanya. Tinignan ito ng asawa at napakunot ang noo.
"Girlfriend mo, tumatawag." Aniya sa malamig na boses.
"Tsk."
Kinuha ito ng lalaki at sinagot ang tawag. Napairap na naman siya.
Hindi man lang ito tumutol sa sinabi niya! At talagang sinagot pa nito ang tawag. Ang lalandi nila!
Nagpupuyos na siya sa galit kaya tumayo na siya sa pagkakahiga at pumunta ng banyo. Nagtoothbrush na siya at naghilamos. Mag-aalmusal muna siya bago maligo.
Ito ang unang araw nila bilang mag-asawa. At napakaganda talaga ng bungad sa araw nila! Fuck.
Paglabas niya ng palikuran, naabutan niya ang asawa na nakakunot ang noo habang nakikipag-usap pa rin sa babae niya.
"Jamie, I told you, naka-one week leave ako. I can't go to my office... Umuwi ka na lang... No, Jamie. Tumigil ka... Stop being childish!"
Napailing na lang siya at lumabas na ng kwarto. Hindi na niya sinulyapan pa ang asawa.
Dumiretso siya sa kusina at naglagay ng apron. Nagsimula na siyang magluto ng pancit cantoon. Nagtimpla rin siya ng gatas at naglabas ng isang mangkok na puno ng marshmallow.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng almusal nang nakitang pababa ang asawa. Nakasuot ito ng panglakad at parang nagmamadali pa.
"Good morning, love."
Hindi niya sinuklian ang sinabi ng asawa. Ni hindi niya na nga ito tinapunan pa ng tingin.
Naiinis siya dahil alam niya kung saan maaaring pumunta ang asawa niya. Aware siyang baka puntahan nito ang ex-girlfriend.
Narinig niyang parang may hinahalo ito pero hindi na niya tinignan pa. Naiinis siya rito! Naiinis rin siya sa sarili niya dahil apektado pa rin siya.
May inilagay na plato ito sa tabi niya. May laman rin itong pancit cantoon. May inilapag pa itong mug sa tabi niya bago umupo.
Nang masinghot ang pamilyar na aroma, agad siyang napatakip sa bibig niya.
Hindi na niya napigilan pa. Tumakbo siya papunta ng lababo at doon sumuka. Walang lumabas pero patuloy pa rin ang pag-ikot ng sikmura niya.
Naramdaman niya ang marahang kamay nitong humahaplos sa likod niya. Nang matapos na sa pag-ikot ang sikmura niya, may inabot itong tubig sa kanya. Ininom niya agad ito.
"Why? Are you okay, love? What's wrong?"
Nanghihina niyang tinignan ito. "The coffee. Pakilayo sakin."
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...