Chapter 14

5.3K 107 4
                                    

Chapter 14:

ALA-UNA ng hapon, handa na siya para sa pagpapacheck-up. Nagsuot lamang siya ng dress na black and white with random designs at black doll shoes.

Naabutan niya sa babae si Ace na nakasuot lang ng khaki shorts and white v-neck shirt. Tumayo agad ito ng makita siya.

Inalalayan siya nito hanggang sa kotse. Maski nang makarating na sa clinic, inaalalayan pa rin siya nito. Hindi na siya nagreklamo at hinayaan na lang ang binata para sa anak niya. Kahit na kinamumuhian pa nya ang humawak sa kanya at umalalay, wala na siyang pakialam basta para sa anak niya. Kaya niyang tiisin lahat.

Hindi pa man nakakapasok ng mismong Ob-gyn clinic, huminto agad siya dahil tumunog ang telepono niya. Nakita niya sa gilid ng mga mata ang pagtatapon ng naguguluhang tingin sa kanya ni Ace. Huminto rin ito sa bandang kanan niya. Hindi ito nagsalita. Itinuon niya ulit ang mata sa hawak na cellphone. Jocko calling... Agad niyang sinagot ang tawag.

"Hello? Where are you?" Bungad agad nito.

"Nasa clinic na ako, Jocko. I'm sorry. Kahit 'wag mo na ako samahan. I'm with Ace."

Narinig niya ang pagsinghap ng binata sa kabilang linya. "Ano? Why? Nagkabalikan na ba kayo? May ginawa ba siyang masama sayo? Winter, sabi ko naman, diba? Kaya kong panagutan ang bata."

She sighed. "Jocko, no. Ginagawa ko lang 'to para sa bata. I'm fine, relax! And sorry kasi hindi tayo makakapagcelebrate ngayon. Pwede bang bukas na lang? I'll cook for you. Ha?"

Narinig niya ang pagbuga ng hangin ng binata sa kabilang linya. Mukhang hindi ito sang-ayon pero wala na itong magagawa.

"Fine. Basta, mag-iingat ka, a? Just tell me kung sinaktan ka ulit niya. I'm always here for yo---"

Hindi na niya narinig ang susunod pang mga sinabi ni Jocko. May isang kamay na humablot sa teleponong hawak niya. Tinignan niya ng masama si Ace na ngayon ay seryosong-seryoso.

"Lubayan mo na siya... Fuck you, jerk! She's mine..."

Kitang-kita niya ang lalo pang pagkunot ng noo nito. Pati ang kamao nito ay kumuyom na. Nag-iigting na rin ang mga panga nito. He's pissed.

"Ace." Aniya nang may nagbabantang boses.

Hindi siya pinakinggan ni Ace. Nanatili pa rin ito sa pagmumura para sa kabilang linya. Ni hindi nga siya sinulyapan nito.

"Layuan mo siya! Magpapakasal na kami..."

Hindi na niya pinakinggan pa ang mga sumusunod na sinabi nito. Nagdadabog siyang pumasok sa loob ng clinic at naupo sa waiting area.

Nakabusangot ang mukha niya. Nakalabi. Nakahalukipkip. At nakakunot ang noo. Naiinis siya sa inasta ni Ace.

Dapat hindi nito inagaw ang cellphone niya! Oo't magiging asawa na niya ito mamaya pero hindi siya dapat pinapakailaman nito. Nagpakasal lang sila para sa bata! Nagawa nga nitong pagtaksilan siya kaya dapat na wala rito ang pagbabaling niya ng atensyon sa ibang lalaki.

Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan nito nang maramdamang may umupo sa tabi niya. Alam niyang si Ace ito kaya lalong umiinit ang ulo niya.

Inabot nito ang cellphone niya sa kanya. Marahas naman niya itong kinuha sa kamay ng binata.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Ace. Hindi mo ko pag-aari." Aniya sa maliit pero mapanganib na boses.

"Magiging asawa na kita mamaya---"

Marahas niyang nilingon ito at tinaliman ng tingin. "Sa papel lang, Ace. Ginagawa ko lang 'to para mabigyan ng buong pamilya ang anak ko. 'Wag mo kong pakialaman sa mga gagawin ko. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nagloko sating dalawa."

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon