Chapter 6:
KAHIT na hindi talaga maganda ang araw ni Winter, ngumingiti pa rin siya sa mga empleyado niya. Ayaw niyang idamay ang ibang tao at ang kanyang trabaho sa galit niya.
Nagawa pa nga niyang ayusin ang mga files sa lamesa niya kahit na may bumabagabag sa kanya. Saktong wala na siyang maisip na gagawin pa sa opisina, may kumatok sa pintuan niya.
"Come in." Aniya.
Agad namang pumasok ang tao sa labas. Nakangiti ang mukha ni Jake nang bumukas ang pinto.
"Hey! Good morning."
She smiled. "Good morning too. Ano na namang kailangan mo mahal na prinsipe?"
Napatawa si Jake. "Welcome naman siguro ako dito diba?"
"Oo naman. Bakit ba?"
"Wala kasing magawa sa condo ko. Nagbreakfast ka na ba mahal na prinsesa?"
"Of course. Ikaw? Pwede ako magpadala ng pagkain dito."
Ngumiti ito sa kanya at komportableng komportable na umupo sa long sofa niya. Itinaas pa talaga nito ang paa at tinignan siya.
"Talaga? I want black pasta and pineapple juice." Nakangising anito.
Napatawa siya. "Akala ko pa naman maghihiya-hiyaan ka pa. Wait, tatawagan ko lang."
Tinawagan niya ang isa sa mga empleyado niya para sabihin ang ipapadalang pagkain.
Nang matapos ay muli niyang hinarap ang binata.
"Seryoso? Anong kailangan mo?"
"Tatambay nga lang. Masama na ba 'yon?"
Napatawa siya. "Hindi naman. Wait nga lang, hintayin mo na lang 'yong pagkain. Comfort room lang ako."
Tumayo na agad siya at pumasok ng banyo sa opisina niya. Tinatawag na kasi siya ng kalikasan. Nang matapos, naghugas siya ng kamay.
Narinig niyang parang may kinakausap si Jake sa labas kaya nahinuha niyang dumating na ang in-order nila.
Nakangiti siyang lumabas pero agad itong napawi nang makita kung sino ang kinakausap ni Jake. Ang seryosong mukha ni Ace ang agad niyang nakita.
"What are you doing here, Jake?" Ani ng bagong dating.
"Ikaw ang dapat na tanungin niyan, Ace. Dapat nasa opisina ka. Magagalit ang daddy at ate mo kapag nalaman nila na wala ka doon." Aniya.
"I don't care about them, Winter! You're mad at me. What do you expect me to do? Umupo na lang doon hanggang sa mapatawad mo ko?" Nagmamakaawa na ang tingin nito at parang pagod na pagod na sa mga nangyayari. Wala itong karapatang mapagod, ito ang may kasalanan kaya dapat itong magdusa!
Napaismid siya. "Stop, Ace! Tumigil ka na, please lang. Simula nang bumalik ka dito sa Pilipinas, nagulo mo na 'yong buhay ko! Stop, okay? Stop!" She shouted. Nabubuhay muli ang galit sa sistema niya at wala na siyang pakialam kung nakikita sila ni Jake.
Tumikhim si Jake. "Lalabas muna ako."
Hinarap ni Ace si Jake nang may galit na mga mata. "You! Layuan mo si Winter. She's mine." Mariin na sabi nito.
"Relax bro. Lasing ka." Mahinahong sabi ni Jake.
Sinubukan niyang amuyin kung amoy alak ba si Ace at hindi nga nagkamali si Jake. Naghahalo ang amoy ng pabango at alak sa lalaking ito.
"Babalik ako mamaya, Winter." Sabi ni Jake at dumiretso na sa labas. Alam niyang marami ng tanong sa isip ng binata. Alam niyang naguguluhan na ito sa nangyayari sa kanila ni Ace.
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...