Chapter 5:
NAKARAMDAM agad ng lamig si Winter nang magising ang diwa niya. Bumaluktot siya pero napaungol siya dahil nakaramdam agad siya ng sakit sa biglaang paggalaw. Napakasakit ng sentro niya.
Hinigit pa niya ang comforter at nagtalukbong. Nilalamig talaga siya. Nag-isip siya ng dahilan kung bakit nilalamig siya, gayong alam niyang sikat na sikat na ang araw. Oo at malakas siya mag-aircon pero kahit kailan ay hindi siya nilamig ng ganito. At biglang pumasok sa isip niya ang buong pangyayari kagabi.
Napatanggal siya ng nakatakip sa mukha niyang comforter at napatampal ng noo. She gave her virginity to ACE! The fucking ARVIS ACE!
Agad siyang napalingon sa buong paligid. Wala siya sa kwarto niya kaya sigurado siyang kwarto ito ni Ace. Wala na siyang katabi nang mapatingin sa gilid niya. Mukhang pumasok na ito sa trabaho.
Binalot niya ang hubad na katawan ng kumot at dahan-dahan siyang tumayo.
Wala siyang balak na magsuot ng damit ng binata dahil unang-una, hindi sila at lalong mali ang nangyari sa kanila kagabi.
Hirap na hirap pa siyang maglakad papunta ng kwarto niya dahil ramdam pa rin niya ang sakit sa gitna niya. Naligo siya at nagbihis na ng isang simple sky blue dress na hapit na hapit sa katawan niya. Bumaba siya at naabutan si Ace na naghahanda ng mga kakainin sa hapag.
"Morning. Breakfast?" Nakangiting bungad sa kanya nito.
Hindi nya mapigilang mapangiti. Kung ganito ba naman ito palagi makitungo sa kanya, paniguradong magugustuhan niya ito. Pero hindi pa rin niya makakalimutan ang malaking agwat ng edad nila.
Umupo siya sa kaharap na upuan nito at nagsimula na silang kumain ng sabay. Walang nagsalita, tanging titigan lang nila na tumatagal ng ilang minuto ang nangyari sa buong almusal pero kahit na ganoon, parehas silang masayang masaya dahil sa nangyari. The attraction they're feeling right now is really powerful.
HINDI pa nakakahakbang papasok ng mismong opisina si Winter, natanaw na agad niya si Jake na matyagang hinihintay siya sa black ang pink na long sofa niya.
"Hi." Bungad agad nito at tumayo pa para makipagbeso sa kanya.
"Hello. Ang aga mo, a. Do you need something?"
Ngumiti si Jake sa kanya. "Kilalang kilala mo talaga ako." Napailing pa ito.
Napatawa siya. Ano naman kayang kailangan nito sa kanya ngayon? Last time na pumunta ito sa opisina niya ay nagpasama ito para pumili ng babagay na necktie para sa isang ispesyal na okasyong dadalahuna niya. Niyaya pa nga siya nitong maging ka-date pero nasaktuhang may gaganaping malaking party sa isa sa mga restaurant niya at naimbitahan siya rito.
"So, anong kailangan ng mahal na prinsipe?" Aniya.
"Katulad ng dati, presence mo ang kailangan ko. Coffee?"
She laughed. Ito ang gusto niya, niyayaya siya dahil gusto siyang makasama. "Sure. Ngayon na ba?"
"Sana. Bakit? Busy ka ba?"
"Hindi naman." Kinuha niya ulit ang bag na inilapag sa table niya kanina. "Let's go?"
Ngumiti ng malaki ito at tumango. Hinawakan nito ang siko niya at inaalalayan palabas ng sariling opisina.
Agad naman silang nakarating sa coffee shop na malapit lang din sa restaurant niya. Hindi pa humuhupa ang tawanan nila nang makapasok silang dalawa sa loob. Umiral na naman kasi ang pagiging kengkoy ni Jake at pinapatawa siya ng pinapatawa.
May nararamdaman talaga siya para sa lalaki na ito at hindi niya ipagkakaila iyon. When Jake is always around, para siyang nililipad sa alapaap. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti niyang ang binata ang siyang may gawa.
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...