Chapter 17:
BUKAS pa dapat ang byahe niya pauwi ng Zambales pero dahil sa pag-aaway nilang mag-asawa, naisipan niyang babyahe na siya patungo roon.
Simula n'ong araw na ikinasal sila at nagsama sa iisang bahay, hindi na sila nagkasundo. Lagi na lang silang nagbabangayan. Naisip niya na baka hindi ito maganda para sa anak niya. Kailangang hindi siya nai-stress. Kailangang masaya lang siya. She needs space. She needs time to think what to do next.
Pagkatapos ng bangayan nila na iyon, kumuha siya ng damit at nagbihis sa banyo. Paglabas niya ay wala na ang asawa kaya malaya na siyang nakapag-empake.
Iilang damit na lang ang itinira niya sa apardor. Isang malaking maleta ang dala niya. Hindi niya alam kung ilang araw ba siya doon at kung kailan siya uuwi. Uuwi pa nga ba siya dito? Hindi na niya alam. Buhol-buhol na ang utak niya. Ni hindi nga niya alam kung talaga bang tama ang gagawin niyang pag-alis.
Lumabas siya dala-dala ang maleta. Namataan agad siya ng asawa. Dali-dali itong lumapit sa kanya. Bakas sa mukha ang pag-aalala, pagkalungkot at pagtataka.
"Love, saan ka pupunta? Gusto mo bang umuwi sa bahay niyo ni ate? Ihahatid kita."
"Uuwi ako sa probinsiya namin."
"But, why? Sana sinabi mo agad para nakapag-empake na rin ako."
"Ako lang. Hindi ka kasama."
"Bakit biglaan? Is it because what happened a while ago? I'm really sorry, love. Please?"
"You know, Ace... Dapat talaga hindi tayo pumayag sa kahibangan na 'to. Buong akala ko kapag nagpakasal tayo magiging ayos ang lahat. Magiging masaya ako kahit na para lang sa anak ko pero hindi. Simula nang ikinasal tayo, lagi na lang tayong nag-aaway."
Hinawakan siya nito sa braso. Hindi siya nagreklamo. Tinitignan lang niya ito nang may blankong ekspresyon. Kailangan nilang pag-usapan ang bagay na 'to.
"I'm really really sorry, love. Let's start all over again. Please? Ano bang ayaw mo sakin? Pwede akong magbago, sabihin mo lang."
"'Wag mo ko pigilan, Ace. Buo na ang desisyon ko. Uuwi ako ng Zambales. Hindi ka sasama o susunod man lang. I want to think. Gusto ko munang lumayo sayo. Mag-iisip ako kung anong susunod na gagawin natin."
Laglag balikat siyang sinulyapan nito. Mapupungay ang mga matang nakatingin sa kanya. Wari'y pagod na pagod na sa lahat ng nangyayari. "Kailan ka uuwi? Babalik ka naman, diba?"
Hindi siya sumagot. Tinignan lang niya ito. Babalik pa nga ba siya? May dapat pa ba siyang balikan? Paano kapag wala na? Paano kung naisip niya na dapat maghiwalay na lang sila? Paano na?
"Hindi ko alam, Ace. Aalis na ako."
Iniwan niya ang asawang natulala na lang. Lumabas siya ng bahay. Umalis siya ng bahay na iyon na magulo ang isipan. Dapat pa nga bang ipagpatuloy ang lahat ng ito? Hindi niya masagot lahat ng katanungan sa isipan.
ILANG oras ang naging byahe niya. Mag-a-alas dos na ng madaling araw nang makatungtong siya muli sa Zambales.
Pagkauwi niya ng bahay nila sa Zambales, naabutan niya ang nanay niya na nagluluto at ang tatay niya ay nagtatanim sa garden nila.
Galing sila sa mahirap na pamilya noon. Si Winter ang naging daan para magkaroon ng hacienda ang pamilya niya. Ito ang nagpaunlad ng buhay nila kay suportadong suportado siya ng mga ito sa lahat ng desisyon niya. Ngayon, mayaman na sila pero gusto pa rin ng mga magulang niya ng simpleng pamumuhay. May nga tauhan silang nangangalaga ng farm nila pero wala silang katulong sa bahay. Ayaw ng mga magulang niya. Si Sky at Rain na lang naman ang mga kapatid niyang nakatira sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...