Chapter 13:
"ANO po?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Kailangan nyong ikasal, hija."
"Tito, tapos na po kami. Wala na kaming relasyon ngayon."
"Kahit magpakasal lang kayo para sa bata. At isa pa, bakit kayo naghiwalay? Did my son cheated on you?"
Hindi siya nakasagot. Kilalang-kilala talaga ni Tito Axien ang mga anak nito. Alam nitong babaero si Ace.
"Sabi na nga ba, e. I will punch that young man. Wala siyang paninindigan. Kung gaano kaseryoso ang ate niya sa lovelife, ganoon naman ito kaloko. Ayaw ka bang panugat ng anak ko?"
Umiling siya. "Hindi niya po alam, Tito. Hindi pa kami nagkakausap."
"I will really bit that jerk. Hindi niya alam kung anong sinayang niya."
Umiling-iling pa ito at tinignan ang tiyan niyang hindi pa maumbok.
"Ilang months na ang apo ko?"
Pinamulahan siya ng pisngi. Apo. Ang sarap pakinggan. Tanggap siya ng ama ni Ace. Mas lalo siyang sumasaya tuwing naaalalang tanggap nito ang dinadala niya.
"Hindi ko pa po alam, Tito. Bukas pa ang first check-up ko."
Tumango ito. "May gagawin ka pa ba? Ihahatid na kita pauwi. Kakausapin ko pa si Ace."
"Opo, Tito. Susunod na lang po ako sa parking lot. May ibibilin lang po ako sa mga empleyado ko."
Tumango ito sa kanya at umalis na.
Napalingon sya sa mga pagkaing nakahanda sa round table niya. Wala man lang nagalaw na kahit ano doon. Panira naman kasi ng maganda mood si Jocko!
Tumawag siya sa isa sa empleyado niya para iligpit iyon at itabi. Pagkatapos mamatay ng tawag, nakatanggap siya ng mensahe. Galing ito kay Jocko.
I'm home. Sorry kanina :( Pwede bang ituloy na lang natin 'yong celebration bukas? I won't do or say anything that will ruin the mood. I'm really sorry. Take care. Just remember that I'm always here for you. :*
Nakagat niya ang ibabang labi. Papayag ba siya? May check-up siya bukas. Paano iyon?
I'm not sure if I'm free tomorrow. May check-up ako. And about what happened a while ago, let's just forget it. :)
Wala pang tatlong minuto, tumunog na ulit ang cellphone niya.
Sasamahan kita bukas. Take care :*
She just replied a "thanks :)" to him. Dinampot na niya ang bag at lumabas na.
Naabutan niya si Tito Axien na nakatayo malapit sa kotse nito, kausap ang driver nito. Nang agad siyang mapansin nito, inalalayan siya nito papasok sa backseat. Umikot ulit ito para umupo sa tabi niya.
Pinatunog na ng driver ang makina ng BMW. Nagsimula na itong magmaneho papunta sa direksyon ng bahay ni Winter.
Tahimik lang siya sa byahe. Nakatingin lang sa labas. Nalulunod na naman siya ng malalim na pag-iisip. Hanggang sa maalala niya ang mga marshmallow na binili niya. Naiwan niya ito sa opisina niya!
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
Roman d'amourMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...