Chapter 11:
SUNOD-SUNOD na katok ang nakapagpagising sa kanya. Ayaw pa nga niyang tumayo dahil sa sakit ng ulo kakaiyak magdamag. Halos tatlong oras pa lang ang tulog niya dahil ibunuhos niya talaga sa pag-iyak ang buong magdamag niya.
Hinang-hina siyang tumayo. Namamaga pa ang mga mata. Nilapitan niya ang pinto ng kwarto niya at binuksan ito.
Hindi pa nagpoproseso ng maayos ang utak niya. Buong akala niya ay imahinasyon lang niya ang malungkot na mukha ng kaibigan na ngayon ay nasa harap niya. Natauhan lang siya nang niyakap siya nito ng mahigpit. Umiiyak ito sa mga braso niya.
"I'm sorry Win. I didn't know. Kung alam ko lang sana---"
"Kailan ka pa dumating?"
Humihikbi itong humarap sa kanya. Tinignan siya sa mata. "K-kaninang madaling araw lang."
"Why are you crying?" Aniya.
Hindi na kasi tumigil ang paglandas ng luha sa mga mata ng kaibigan niya. Nag-away kaya sila ng kasintahan nito? She don't know.
"Ang tanga mo naman, e! Bakit hindi mo sinabi sakin na may something sa inyo ng kapatid ko? I hurt you both. Nakakainis kayo."
Natutop niya ang bibig. Alam na nito? Paano? At anong iniiyak nito? Tutol ba ito o ano? Simula pa kagabi, wala na siyang naiintidihan sa mga nangyayari.
"I'm sorry Win."
"For what?"
"For what I said last night. Bullshit! Hindi ko alam na masasaktan ka sa mga sinabi ko. Hindi ko alam na maghihiwalay kayo ng kapatid ko dahil doon!"
So, alam na talaga nito? Alam na nito na ito ang naging tulay para malaman niya ang mga panloloko sa kanya ni Ace? Alam na rin nitong nakipaghiwalay siya sa binata. Alam na nito ang lahat.
"Tinawagan ako ni Ace kagabi. He looks so lost. Galit na galit rin siya sakin. Sinabi niya ang lahat. It's my fault. I'm really sorry."
"Faye, don't be sorry. Kung hindi mo sinabi, hindi ko malalaman na niloloko niya lang ako."
"Hindi ka niya niloloko, Win. Kung nakita mo lang kung gaano siya kalungkot at kagalit sakin kagabi. Makikita mong mahal ka niya."
"Faye, I don't need that lies. Inutusan ka ba niyang umuwi rito para sabihin lahat ng yan? It's useless. Tapos na kami."
Tinalikuran niya ang kaibigan. Sumunod naman ito agad sa kanya.
Hindi niya gusto ang bumungad sa umaga niya. Lalo lang siyang naiinis. Naiinis rin siya dahil nagsisimula na naman siyang maging emosyonal. Hindi naman siya ganito noon! Matapang siya at kinakaya niya lahat. Pero bakit pakiramdam niya ngayon, gusto na lang niya sumuko? Is love really this powerful, na nagagawa nitong pahinain siya?
"Ayusin niyo 'to, Win---"
"Wala ng dapat pang ayusin, Faye. It's over. Tsaka sapat na ebidensya na 'yong nakita kong picture nila kagabi. Ang sweet nila diba? Sila na!"
"Winter, buksan mo nga 'yang isip mo. Buksan mo 'yang tenga mo para sa explanation niya."
"Hindi ko kailangan ng---"
Hindi niya natapos ang sasabihin, tinakpan niya ang bibig. Pakiramdam niya naduduwal siya! Tumakbo agad siya sa banyo ng kwarto niya at doon inilabas ang lahat. Naghilamos siya nang matapos ng isuka ang lahat.
Napatulala siya sa salamin. Kailan nga ba siya huling dinatnan? Agad siyang pumunta ng kalendaryo, namamag-asang nagkaroon na siya nitong buwan na 'to pero wala. Walang red marks sa kalendaryo niya na nagpapatunay na dinatnan na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/113072925-288-k192077.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...