(The last chapter)
"Alam kong nagsimula tayo sa hindi magandang paraan... Alam kong ilang beses akong sumuko pero hindi mo pa rin ako sinukuan. Thank you, honey. Alam kong hindi ako perpektong asawa sayo. Ilang beses kitang tinaboy pero hindi mo pa rin ako sinukuan. Thank you for showing me how much you love me..."
Napaluha siya habang sinasabi ang vow niya sa asawa. This is it... This is their wedding day. The most awaited part of their lives. The most treasured memories...
"Sana hindi magbago ang pagmamahal mo sakin. Sana ganoon pa rin. Aasa akong tatagal tayo ng ganito. You, Ace, the husband that loves me so much. And me, Winter, your wife that will love and care for you until I lose my breath. Me and you 'til death. Alam kong lahat nagbabago pero sana hindi 'yong tayo. Sana ganito pa rin tayo."
Napalingon siya sa anak niyang si Arther Glaize na tumatawa habang karga ng ama ni Ace. Yes, nanganak na siya. Hinintay muna nilang makapanganak siya bago sila magpakasal. Ngayon, mag-iisang taon na ang anak nilang lalaki.
Sa loob ng dalawang taon, hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Habang ipinagbubuntis niya si Arther, muntik siyang makunan dahil itinulak siya ni Jamie. Oo, 'yong ex ni Ace na adik na adik pa rin sa lalaking iyon. Nabaliw na. Nakunan pala ito sa dapat na magiging anak nila ni Ace. At ngayon, nasa mental na ito.
Madalas niya pang awayin si Ace dahil maraming babaeng tumawag sa teleponon at sinasabi ng mga ito na nabuntis sila ng asawa niya. Galit na galit siya. Halos umusok ang ilong niya. Iniwan niya ulit ito at umuwi ng Zambales.
"I love you. I will always love you, honey." Aniya.
Ngumiti si Ace. May mga luha na sa pisngi nito.
"Tapos ka na? Pwede bang ako naman?" Aniya.
Napatawa ang lahat ng nandoon. Nakatapat sa kanila ang mikropono at narinig ng lahat ang sinabi nito.
"First of all, I want to say thank you. Thank you kasi lagi kang nandiyan sa tabi ko. Ikaw 'yong nag-aalaga sakin tuwing may sakit ako. Ikaw 'yong umaayos ng necktie ko kapag papasok ako ng opisina. Ikaw ang nagluluto ng pagkain ko. At thank you dahil tuwing nagagalit ka at iniiwan mo ako, bumabalik ka rin agad sakin. Paulit-ulit mo kong pinapatawad. Thank you for loving me. Thank you for loving this jerk that always making you cry. This jerk is the cause of all your pain."
Ngumiti siya. Pilit na pinipigilan ang walang katapusang luha na bumabagsak sa pisngi niya. Pilit na humihinga kahit na puno na ng kasiyahan ang puso niya.
Love is like this. Papahirapan ka, papasayahin ka, papaiyakin ka, hahayaan kang magsakripisyo pero sa huli, umaapaw na saya ang ipaparamdam sayo. Kung mahina na, walang mangyayari sayo. Kung susuko ka na lang agad, laging sakit lang ang mararamdaman mo. Hindi mo mararamdaman ang kakaibang saya na halos nagpapasabog na sa puso mo.
"I love you... so much! I love you always. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipapaalam sayo 'tong nararamdaman kong pagmamahal sayo. And also, thank you for giving me a child. Thank you."
Tumango siya. Sinalubong siya ng halik nito. Napapikit na lamang siya.
Ilang beses niya itong iniwan pero bumabalik pa rin siya. Ilang beses niya itong pinatawad dahil mahal niya. Ilang beses siyang umiyak dahil nasaktan siya. Patuloy pa rin silang lumaban para sa magpapaligaya sa kanila.
The opposite of loving is not hating... it's leaving.
Sabi nila, love will keep us alive. Pero hindi. Happiness will keep us alive. Hindi mismo ang pagmamahal. Dahil ang tunay na pagmamahal ay nagdudulot ng saya... ng sarap.
This is the end. The end that will lead to another beginning.
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...
![Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113072925-64-k192077.jpg)