Chapter 16

5.5K 114 9
                                        

Chapter 16:

NGAYON na ang araw ng pagbabalik nila sa kanya-kanyang trabaho. Sa loob ng isang linggo nilang pagsasama sa bahay, walang nagbago. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa asawa. Samantalang ang asawa naman niya ay ginagawa ang lahat para mag-kaayos ulit sila.

Kadarating lang niya sa opisina. Diretso na ang upo niya sa swivel chair. Marami siyang kailangang ayusing trabaho. Isang linggo siyang nawala at natambakan na talaga siya ng trabaho.

Natanggap na rin niya ang email ng pinsan niya. Sa isang araw na gaganapin ang sosyal na birthday nito sa Zambales. Bukas ng gabi ay babyahe na siya patungo roon. At wala siyang balak na ipaalam ito sa asawa niya.

Nakatutok siya sa laptop na nasa harap nang biglang nakarinig siya ng katok sa opisina niya. Hinintay niya na may dumungaw sa pinto. Isang empleyado niyang lalaki ang iniluwa nito.

"Good morning, ma'am. May delivery po para sa inyo."

Nginitian niya ang empleyado at iminuwestra ang lamesa para ilagay doon ang id-in-eliver na para raw sa kanya.

Isa itong bouquet of rose at tatlong pack ng marshmallows. May letter pang nakalagay sa bulaklak. Kinuha niya iyon at binasa.

Good morning, Love. Mag-iingat kayo ni baby. Tell him that daddy loves him so much :)

Gusto niyang ngumiti. Gustong-gusto niya pero pinipigilan niya. Ito na naman 'yong pamilyar na pakiramdam. Nagtatalon na naman ang puso niya dahil lang dito.

Oo't kasal sila pero dapat na ba niyang mahalin ito gayong para lang naman sa anak nila ang lahat? Dapat bang niyang hayaang mahulog muli ang loob niya?

Itinabi na lang niya ang bouquet. Humarap ulit siya sa laptop para magtrabaho.

Napabuntong hininga siya nang masulyapan ulit ang invitation. Hindi naman siguro makakasama kung babyahe siya, diba? Hindi naman niya hahayaang may mangyaring masama sa bata. Isa pa, kailangan na niyang mag-empake para bukas.

Trabaho lang ang inatupag niya sa umagang iyon. Habang nagtatrabaho, naubos na rin niya ang marshmallow na binigay ng asawa.

Mga alas sais na ng hapon nang sa wakas ay matapos na niya ang trabaho. Kaninang tanghali, nagpadala na lang siya ng pagkain sa opisina niya dahil talagang abala siya sa mga naiwang trabaho.

Pinapatay na niya anh lahat ng ilaw nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. Napatingin siya roon. It's Jake.

"Hi, Winter! Pauwi ka na?" Anito.

Ngumisi siya. "Yes. Why? Ano na namang kailangan mo?"

Lumabi ito at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang bag na dala at ito na ang magbuhat.

"Ang bad mo talaga sakin, 'no? Binibisita lang kita plus I'm going with you. Bibisitahin ko ang bagong bahay niyo." Ngumiti pa ito ng pagkalaki-laki.

Napailing siya. "Excited?" She laughed. "Sabi ko itetext kita kapag free ako, diba?"

Hinila na siya palabas nito sa opisina niya. Napatawa na lang siya. Makulit talaga ang isang 'to.

"Lagi ka namang ganyan. Laging ganyan ang isinasagot mo. Then, what? Maghihintay ako sa wala. Halos mamuti na 'yong mata ko kakahintay sa text o tawag mo. In the end, kailangan kitang puntahan dito para matuloy lang 'yong lakad natin."

Napatawa na lang siya. Napansin pala talaga nito? Hindi naman sa ayaw niya na sumama sa mga lakad nito pero madalas talagang mas nakatuon ang atensyon niya sa trabaho.

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon