Chapter 18:
NAPAKO ang tingin niya sa matandang babaeng naglalakad palapit sa kanya. Nginingitian siya nito kaya sinusuklian rin niya ng ngiti ang matanda.
Mabagal itong naglakad. Inalalayan pa niya ito sa pag-upo sa tabi niya.
"Maganda hapon, hija."
Ngumiti siya. "Magandang hapon din po."
"Taga-Maynila ka ba?"
Umiling siya. "Doon lang po ako nakatira ngayon pero dito po ako pinanganak. Bakit po?"
Tumawa ito at hinaplos ang pisngi niya. "Masyado kang sosyal. Mukha kang mayaman. May hacienda ka ba rito?"
"I have a farm po. Sa Monte Lo's po."
Tumango ito. "Mayaman ka pero bakit malungkot ka?"
Nakaramdam siya ng paghaplos sa puso niya. Hindi sila magkakilala ng matanda pero heto at nilapitan pa talaga siya. Tinatanong nito ang problema. Ibang iba talaga ito sa syudad.
"Ma'am, money can't buy my happiness. Love can't be bought." Aniya sa pormal na tono. "Ang daming nag-iisip na kapag mayaman at successful ka na, masaya ka na. They don't understand that we can't buy anything that can make us happy. We can't buy the loyalty. We can't buy the trust. We can't buy the true love."
Ngumiti ang matanda. "I know, anak. Ganyan din kami ng asawa ko. Mayaman siya. Nakatira siya sa Manila. Akala niya nabibili ng pera lahat pero now, nagbago na ang pananaw niya. He can't buy anything. He can't buy his family's true love. He can't buy my love. "
Napangiti siya at pinakinggan ang kwento ng matanda. Malinis ang pagsasalita nito ng ingles. Maayos rin ito manamit parang galing sa mayamang pamilya.
"Ilang taon na po kayong mag-asawa, ma'am?"
Tumawa ang matanda. "Just call me Lola Lorrie, hija. Forty-six years na kaming mag-asawa."
Napaawang ang bibig niya sa pagkamangha. "Sa loob ng gan'on katagal, hindi po ba siya nagloko... o nambabae man lang?"
"He did. Dalawang beses ko siyang nahuling may babae, anak."
"Pinatawad niyo pa rin po?"
"Oo. Paulit-ulit. Naramdaman ko kasi kung gaano siya ka-sincere. Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi naman kasi tayo perpekto, anak. Lahat nagkakamali. Lahat nakakagawa ng kasalanan. Lahat dapat na pinapatawad. Hindi natin deserve 'yong pagpapatawad ng mga tao kung tayo mismo hindi marunong magpatawad. Wala tayong karapatang makuha ang bagay na hindi natin kayang ibigay."
Napatulala siya. Lahat ng sinasabi ni Lola Lorrie ay tumatagos sa puso niya. Lahat.
"Hindi mo siya tunay na mahal kung hindi ka magpapatawad. Sa pag-ibig, hindi tayo nagbibilangan ng mga mabuting nagawa sa mahal natin. Hindi tayo nagbibilangan ng kasalanan. Hindi tayo nagbibilangan ng pagkakamali. Hindi tayo nagbibilangan ng nasasakripisyo. At lalong hindi sinusukat ang pagmamahal. If you really love someone, you will forgive, give, trust and make him happy. That's it..."
Lalo lang siyang nalunod sa mga iniisip. Tama ito. Tamang tama ang matanda. Bigla siyang natauhan.
Ramdam niya na sincere si Ace. Naramdaman niya ang pagsisikap nito na maging okay ulit sila. Naramdaman niya ang pagmamahal ni Ace sa kanya. Ilang beses nga ba niya itong itinaboy? Ilang beses nga ba niya itong napagsalitaan ng masakit? Ilang beses niya nga ba itong tinulak palayo?
Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal niya ang asawa niya pero pinipilit niyang pagtakpan ito ng galit, ng poot, at ng hinanakit.
Buo na ang desisyon niya. Pagkatapos ng party bukas, uuwi na siya. Makikipag-ayos na siya sa asawa niya. Aayusin na nila ang relasyon nila. Magsisimula ulit sila. Gagawa sila ng isang masayang pamilya. Lalo na ngayong may paparating na anghel sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...
![Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113072925-64-k192077.jpg)