Chapter 7:
NANATILI sila sa ganoong pwesto ni Jocko, para silang kambal-tuko dahil sa pagdidikit ng mga katawan nila. Halos wala ng hangin na nakakaalpas sa magkadikit nilang katawan.
Hindi siya naaasiwa sa pwesto nila, siguro ay dahil hindi masamang tao ang tingin at pakiramdam niya kay Jocko.
Nang makaramdam na sila ng pangangawit, umupo silang dalawa sa isang sofa na hindi kalayuan sa pwesto nila ng mga empleyado niya kanina.
"How old are you, Winter?" Nakangisi pa ring tanong nito.
Ininom muna niya ang alak na nasa harap niya. Bottoms up. Bago niya hinarap ang lalaki.
"Twenty-nine. And still, wala pang asawa. Tatanda na ata akong dalaga." Natatawang aniya.
May tama na talaga siya, nagsisimula na siyang magdaldal.
He laughed. "Nandito naman na ako, I can marry you. Gusto mo bang ngayon agad?" Anito sabay akbay agad sa kanya.
Napatawa siya dahil sa biro nito. "You're funny. How about you? Ilang taon ka na ba?"
"Hulaan mo." Sabi nito sabay pisil sa pisngi niya.
"Twenty-five?" Umiling ito. "Okay, nineteen?"
Napahagalpak sa tawa ang lalaki. "Sobra na 'yon. I'm already thirty. Grabe ka makapangbola, a."
Napailing siya. "Mukha ka pang bata."
"Really? Ikaw din."
Nagtitigan lang sila at nagngitian. Mas lalo pang humaba ang kwentuhan nila.
Napatingin siya sa paligid nang biglang nag-iba ang galaw ng ilaw. Ang kaninang malikot ay naging malamlam at steady.
Hindi sinasadyang napako ang tingin niya sa isang pares na kakapunta pa lang ng dance floor. Ace is there... with a girl in his arms.
Nagdadaldal si Jocko pero hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi nito, ang atensyon niya ay na kay Ace na lahat.
"Hey Winter! Sayaw tayo!"
Tsaka niya lang naibaling ang tingin kay Jocko. Hindi na nito hinintay na pumayag siya, agad na siyang hinila nito sa dance floor. Ito pa nga mismo ang naglagay ng mga kamay niya sa balikat nito.
Napabaling ulit ang mga mata niya kay Ace. Nagulat siya nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Umirap siya at binalingan ang kasayaw.
"Anong oras mo balak umuwi?" Ani ng kasayaw.
"Ewan. Maaga pa naman kasi. I want to have fun." Sagot niya.
Tumango ang binata at lalo pa siyang hinila palapit sa katawan nito. Tumatama na ang noo niya sa baba ni Jocko.
"If you want to go home, just tell me, huh? Ihahatid kita."
"No thanks. Nakakahiya naman Jocko. Kaya ko namang umuwi."
"I know. Pero nag-aalala ako. Alam kong tipsy ka na---"
"Ikaw din naman."
"Pero kaya ko pang mag-drive."
"Kaya ko pang mag-commute." Aniya.
"Babae ka, lalaki ako."
"So what? Tao tayo parehas, kaya ko ang lahat ng kaya mo." She said.
Napatawa na lang si Jocko. "Oo na. Talo na ako. Susundan ko na lang ang sasakyan mong taxi."
"Jocko, you don't have to."
"But I want to."
Napangiti na lang siya. Kakaiba talaga ang lalaking 'to. Hindi sila parehas ni Ace...
BINABASA MO ANG
Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]
RomanceMontello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine Versoza, and a very supportive family. Pero walang perpekto sa mundo, kahit kailan ay laging palya ang lovelife nya hanggang sa sumuko na l...
![Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/113072925-64-k192077.jpg)