Chapter 2: Evil Plan

109 1 0
                                    

Rhouie's POV~

"Good morning, I'm Rhouie Jane Villanueva, 15 years old. Transferee from ******* University."

Pang-anim na pagpapakilala ko na 'to. Paker lang. -______- Walang sawang 'introduce yourself'.

*tunog ng pagbukas ng pinto*

May pumasok na lalaki sa room namin at dere-deretso sa nag-iisang upuan sa may likod.

"Oh anong tinitingin-tingin niyo? Nagugwapuhan kayo saken? Alam ko na yan." Tsk. Ang yabang niya TALAGA! Hindi man lang nabawasan! Tss.

Oo. Siya nga. Siya yung lalaking ubod ng yabang na umakbay din sakin kanina. At sa kasamaang palad ay naging kaklase ko pa! -_-

Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig sa teacher namin.

"This is the blah blah blah blah blah." Nakakatamad makinig e. XD

While I'm busy copying notes, may biglang inabot yung kaklase kong papel.

"Kanino galing?" Tanong ko kay Jesa.

"Kay Prince Drew. Drew Skylleiz" E? Sino daw?

(A/N: Yung apilyido ni Drew na Skylleiz, is-kay-li po ang basa ron.)

"Prince Drew? Sino yon?"

"Yun oh." Tapos tumuro siya papalikod, paturo dun sa lalaking mayabang. PSH.

Binasa ko yung papel. Ang nakasulat ay..

'May atraso ka pa saken Miss Rhouie Jane Villanueva.'

Tapos napatingin ako sa kanya at sakto namang nakatingin siya sakin. Binigyan ko siya ng paano-mo-nalaman-ang-pangalan-ko look. :/ Stalker ko ba 'to? Binigyan niya naman ako ng patay-ka-sakin look.

Nagsulat ako sa papel at ipinaabot ko ulit kay Jesa.

Nung nabasa niya na yung nasa papel, halos mamula siya sa galit.

Anong sinulat ko?

'Stalker of mine? Aw. Touch ako. <3 Well, wala akong pakealam.'

Nginitian ko lang siya at nakinig na ulit kay Ma'am.

"Ehem." Napatingin ako sa katabi ko.

S-shit. Bakit siya nandito? Nag-teleport ba 'to? Ghad.

"Alam mo bang ang laking kahihiyan ng ginawa mo sakin kanina?" Panimula niya habang nakatingin sa board.

"Alam mo bang wala akong pakealam?" Sagot ko habang nakatingin din sa board.

Napansin ko namang nakatingin siya sakin. Tumingin ako sa kanya at nag-smirk.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

Linapit niya yung mukha niya sakin, as in sobrang lapit. Mga 2 inch nalang ay magdidikit na ang mga labi namin. Napapikit ako ng wala sa oras, hindi ko alam kung bakit.

"Get ready for my revenge." Binulong niya sakin. Saktong nag-bell na at lumabas siya ng tawa ng tawa.

Shet. Akala ko hahalikan niya na talaga ko. Pero binulungan lang. Hah! So ganon ang gusto niya? Fine! *evil grin*

Sinundan ko siya palabas at tsaka tinawag ko..

"Wait." Then hinawakan ko siya sa braso niya at humarap naman siya sakin.

"What? Bitin ba? Hahahaha!" Tapos tawa na naman siya ng tawa. Psh. Tawa more! Maubusan sana siya ng hininga! -___-

"Uhm, actually.."

Tapos ginalaw ko yung kamay ko pababa sa chest niya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko.

Pababa pa.

Pababa pa.

At malapit na sa *toot* niya.

I seductively look at him..

But then..

"Nakuha rin kita." Sabay kuha ko ng limang piso sa paanan niya.

Tapos tinalikuran ko na siya. Akala niya siya lang ang marunong hah! Bwahahahaha :">

Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Pero bago yon, hinarap ko siya saglit sabay sabing..

"Nice abs."

HAHAHAHAHAHA. Laughtrip maige! XD Yung mukha niya kasi! Pinagsamang gulat na gulat at dismayado. Nice one Rhouie. :D

~~~

Drew's POV~

*Boogsh!*

Padabog kong sinara ang pinto pagkapasok ko sa private room namin dito sa 3rd floor sa school.

"Problema tol?" Sabe ng katropa ko, si Louie, habang naglalaro siya ng Xbox.

"Babae na naman yan pustahan!" Sabe naman ni Andrew na katropa ko ren, habang nagbibilyar.

"Lagi namang babae problema niyan!" Sabi naman ni Karl habang nagdadart.

"Mga gago." Sagot ko.

"Eh ano nga kase?" Sabi naman ni Gabby habang kumakain, na bestfriend ko.

"Kilala mo yung transferee?" Tanong ko sa kanya.

"Maraming transferee this school year tol, wag tanga." Tapos kumagat siya sa burger na hawak niya.

"Gago, yung sa section ko. Yung Rhouie Jane Villanueva." Hindi kasi kami magkasection.

"Ah. Yung chixx na may bestfriend na chixx den? Baket, anong problema mo dun?"

"Tangna, paase pre."

"Ano bang ginawa?" Tanong ni Gab. Tumingin naman sakin yung tatlo at naghihintay ng sagot ko.

"Ganito kasi yon.." Tapos kinwento ko na sa kanila yung nangyari kanina. At pagkatapos kong magkwento ay humagalpak sila ng tawa.

"Sige tumawa pa kayo mga gago kayo, paguuntugin ko kayong apat."

"Hahahahahahaha! Hanep pare! Napakalupet non! Hahahaha!" Sabi ni Andrew tawa parin ng tawa!

"Tangna boy! Tinigasan ka no? Hahahahaha!" Si Louie naman na mamamatay na sa kakatawa!

"Puta, lupet! No comment guys. Hahahahahahaha!" Sabi naman ni Karl.

"Hahahahaha. Paasa nga men! Hahahaha!" Sabe naman ni Gab ng nakahawak sa tiyan niya kakatawa.

"Tang*ina niyo!" Tapos kumuha ako ng coke-in-can sa mini ref namin. Hindi parin tapos tumawa yung tatlo.

"Humanda siya sakin."

"Humanda? Baket, ikakama mo?" Sabi ni Karl na wala paring tigil sa pagtawa.

Napantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Ikakama? Hmm.. Why not?

Bwahahahahahahahaha! Bad me! >:)

May naisip na 'kong plano para magtanda yung babaeng yun. :D :D :D

***

A/N: Ano kayang pinaplano ni Drew? Hmm.. :)

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon