Chapter 21: Pictures

36 1 2
                                    

A/N: Sorry sa late UD! Masyado po akong busy sa school because of the CAT, SSG, and palaging maraming homeworks kaya tuwing Saturday lang nakakagawa ng draft. Pero thank you rin sa mga nagtyaga at naghintay sa next UD ko. Love ko kayo! :)) Kung magtataka po kayo dahil Chapter 21 parin ito imbis na Chapter 22 na dapat, ginawa ko po kasing Special Chapter yung last UD ko.

And, pasingit na rin. Pakibasa po nung first ever one shot na ginawa ko. The title is 'The Ten Pages Of Love'. Thank you. Enjoy reading! :))))

***

Rhouie's POV~

I'm on my way to school now. Syempre with Santy. Palagi niya naman kaming hinahatid ni Khate e. Pero wala si Bestfriend ngayon, absent.

Pagkapark ni Santy sa harap ng school namin ay lumabas kaagad siya tsaka pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Spell gentleman? :3

"Ingat ka Love."

Nag-nod lang ako tsaka kumaway at pumasok na sa loob ng AA.

Habang naglalakad ako, parang pinagtitinginan ako ng mga tao. Ewan ko kung sa akin ba talaga. Pero sa akin nga ata? Ay ewan.

"May gana pa talaga siyang pumasok huh?"

"Grabe, akala ko iba siya."

"Tsk tsk. Hindi ko alam na ganun siya kalandi."

Uh.. Okay..

Hayaan mo sila Rhouie. Hindi ikaw ang pinag-uusapan nila. Hindi.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko kahit may mga naririnig parin akong bulungan.

"Hey.." Nang may biglang humarang saking dalawang babae. Yung isa nakapamewang habang yung isa may kain-kain na chewing gum. Adik lang?

"Yes?" Mahinahon kong sagot.

"Yes yes ka pa dyan! Pwede ba wag ka magmalinis?" Sabi nung may chewing gum.

What the?

"Alam na namin na malandi ka! Kaya wag ka na magkaila pwede ba?" Sabi nung nakapamewang.

Lalakad na sana ako pero hinatak niya yung braso ko. Medyo mahigpit yung pagkakahawak niya kaya napa 'aw' ako. Masakit hah! Takte.

"Ano bang problema niyo?!" Nakakainis na kasi!

"E ikaw? Anong problema mo? Bakit saksakan ka ng landi? Hah?"

Wtf.

Ako? Malandi? Hindi ko nga magawang mag-inarte tapos maglandi pa?

"Ang kapal ng mukha mong pumasok pa dito. Alam na namin yang lihim mong kalandian, miss. Lamog na yata yang labi mo e! Baka nga hindi ka na virgin! Euw!"

Ay pushanggala. Wala na. They push me to my limit. Ako? Malandi? Hindi na virgin? The eff?

"Miss, marami akong alam na mental. I think I should recommend you some of those." Bakas naman sa mukha niya ang pagkainis.

"How d--"

"How dare me to say those words? E ikaw? How dare you to say that I am a slut? Do you know me?"

"You--"

"And oh, speaking of hindi na virgin. Diba ikaw yun? Tsk tsk. Wag kang mandamay." At iniwan ko na siya doong nakatulala.

What a good way to start my day! -_____-

Nang mapadaan ako sa may lobby, napansin kong ang daming tao sa may bulletin board. Habang papalapit ako ron, tingin nanaman ng tingin sakin yung mga tao. Yung tingin ng mga babae, nandidiri. Yung sa lalaki, disappointed. Anong meron?

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon