Chapter 18: Fall In Like Pt. 1

46 1 0
                                    

Rhouie's POV~

OH. MY. GOD.

Foods.

Banners.

My mommy.

My classmates.

My bestfriend.

They're all here. Is this a surprise party?

Happy birthday to you

Happy birthday to you

Happy birthday

Happy birthday

Happy birthday Rhouie

Me? Speechless.. Wala akong masabi. Ang ganda dito. Perfect yung pagkakaayos. Ghad.

"Happy birthday baby.." Hindi ko namalayan na nakayakap na pala sakin si Mommy.

"Mom.." I hug her back. I missed this. I missed her. Kumalas siya sa pagkakayakap at humarap sakin.

"I missed you."

"I missed you more mom."

Ang tagal ko silang hindi nakita kaya! Nasa States sila for.. Err.. As usual, business.

"Where's dad?"

Hindi sumagot. Instead, ngumiti lang siya at tumingin sa likod ko kaya napatingin din ako.

"DADDYYYY!" Tumakbo agad ako para yakapin siyan. God! Namiss ko siya! Sobra!

"Happy birthday baby girl."

Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya.

"Dad, I'm not a baby anymore." Tas nag-pout ako.

"Yeah, but you will always be my baby girl, honey." Sabay gulo ng buhok ko.

"Namiss kita dad."

"Me too."

Lumapit kami kay Mommy na nakangiti.

"So.. What do you think? Do you like it?"

Tumabi sila sakin para makita ko yung kabuuan ng surprise party.

Wala pa sa kalahati yung nasakop sa event hall kasi nga malaki diba. Tsaka hindi naman ganun kabongga yung ginawa nila. May mga pagkain tapos may banner na ang nakasulat e, 'Happy birthday Rhouie'.Tapos lahat ng tao sa section namin ay nandito rin. Including Arkin. -.-

"Come." Hinila nila ako papunta sa kanila. Lahat naman sila ay bumati sakin ng happy birthday. Nginingitian ko lang sila bilang pagpapasalamat.

"BESSYYYYYY!"

-_____-

Balak na yata akong patayin ni Khatelyn. Wagas kung makayakap e.

"Teka.. Teka nga.. Hindi ako makahinga!"

"Oops. Sarreh. Okay? Sarreh." Ayan nanaman siya. Hahaha! Palagi niyang ginagawa yan. Ginagaya niya kasi si Cheon Song Yi ng You Who Came From The Star e. Hahahahaha! Trying hard kahit kelan! XD

(A/N: Steffi Cheon ng My Love From The Star sa tagalog)

"Happy birthday bessy."

"Thankyouuuuuu!" Ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Ahhhhh! Hindi ako makahingaaa!" Siya.

"Okay lang yan! Papatayin na kita e. Bwahahahaha!"

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon