Drew's POV~
"YOUR WHAT?!!"
"W-wag ka ngang sumigaw!"
Teka hah.
Ang tagal i-absorb ng utak ko yung sinabi niya e.
"A-ano mo yung kulugong yun?"
"He's my ex-boyfriend nga sabi."
"BAKIT KAILANGAN MO PANG ULITIN?!"
*boink*
Nagpunas muna siya ng luha bago sumagot.
"BAKIT KA NAMAN NAMAMATOK!"
"IKAW TALAGA ANG BOBO MO! TINANONG MO KUNG ANO KO SIYA KAYA MALAMANG SASAGOT AKO!"
What the.
Lately, she's crying. Now, she's into her monster identity again.
"E bakit mo naman kasi naging ex yun?"
"E ganun yung nangyari e."
"E pwede mo naman kasing bastedin nalang."
"E sa minahal ko siya dati e!"
"E bakit mo naman kasi minahal?!"
"E ano bang pakialam mo kung minahal ko siya?!"
.___________.
Ano nga bang pakialam ko? Wala naman diba? Tss. Wala talaga.
"Tss." Umiwas nalang ako ng tingin.
Badtrip -.-
"Mapagkakatiwalaan ka ba?" Sabay tungo niya.
"Hindi, gwapo ako."
*boink*
"Seryoso kasi!"
"Hays. Oo naman! Kahit nga yung sikreto ng principal natin na nakipagsex siya sa secret--"
Binigyan lang ako ni RJ ng death glare. Oops.
"Joke lang! Hehe. Bakit mo ba natanong?"
"May ikkwento kasi ako."
"Sure, basta hindi ko mabobored."
Nag-sigh lang siya at tumingin sa malayo. Pero tumingin ulit sakin.
"Umayos ka Drew!"
"Oo na! Makikinig ako! Tsk."
May ibang direksyon muna siyang tinignan tinignan tsaka nagsalita.
"One day, may mag-boyfriend at girlfriend. Mahal na mahal nila ang isa't--"
"Hindi nakakaiyak yan?"
"Patapusin mo muna ko!"
"Tsk." At tinuloy niya na yung pagkkwento.
"Yun na nga. Mahal na mahal nila ang isa't-isa up to the point na nakaplano na pati future nila."
Narinig ko siyang humihikbi pero hinayaan ko lang siyang magkwento.
"Napag-usapan na nila yung theme ng kasal nila. Kung saan yung honeymoon nila. Kung ilang anak yung gagawin nila. Pero nabago lahat ng yun."
Tumigil muna siya at yumuko. Rinig na rinig ng dalawa kong tenga kung paano siya umiyak. Alam kong kwento nila nung kulugong Arkin na yan yung sinasabi niya. Siguro gusto niya ng mapaglalabasan ng sama ng loob ngayon lalo na't wala yung bestfriend niya. By her looks, ang laki talaga ng epekto ni Arkinkulugo sa kanya. Hays. Gago lang talaga yun.
BINABASA MO ANG
Hearts Don't Lie
Teen FictionWhat will happen when the man hater meets the casanova? Will it bring them anger? Or love?