Rhouie's POV~
"Let's talk." Sabi ni Drew. Oo, si Drew nga. =.=
"Wala akong oras." Tatalikod na sana ako pero hinigit niya nanaman ako.
"Sorry.." Sabi niya.
As if naman na madadala ako sa sinabi niya.
"Joking Mr. Skylleiz? Benta kasi e." Ngumiti ako at linagpasan siya.
Lalabas na sana ako ng marinig ko siyang nagsalita.
"Minsan lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yon kaya sulitin mo na." Then I hear him smirk. Tss, yabang.
Hinarap ko muna siya bago nagsalita..
"Sorry, sorry, sorry! Dyan naman kayo magaling e! Sa pag-sosorry! Sasabihin niyong pinagsisisihan niyo na tapos gagawin niyo ulit! Lahat kayo.. Lahat kayong mga lalaki.. Lahat kayo hanggang salita lang!!" Sabi ko habang dinuduro-duro siya.
Tinitigan niya muna ako. Titig na parang binabasa ang nasa isip ko.
"Look, wala akong oras para makipag-lokohan sayo kaya--" At pinutol niya ang sasabihin ako.
"Bakit?" Tanong niya.
"Anong bakit?" Pabalik na tanong ko.
"Bakit galit na galit ka saming mga lalaki?"
Tumahimik ako saglit bago sinagot yung tanong niya.
"Kasi lahat kayo manloloko." Confident na sagot ko.
"May patunay ka?" Tanong niya.
Natahimik naman ako. Wala naman kasi akong patunay diba? Isang beses ko palang nararanasang maloko. Kaya hindi ko mapatunayan na LAHAT ng lalaki e, katulad ng ex kong gago.
"See? Wala kang masabi. Lalaki ako Rhouie, at aminado ako sa isang bagay.."
At naglakad siya papalapit sakin at linapit ang mukha niya sa tenga ko.
"Lahat kami gago, pero hindi lahat kami manloloko."
At iniwan niya na ako dun. Tulala.
***
"Huy! Babae! Kanina ka pa nakatulala dyan!"
Napatingin ako bigla kay Khatelyn na nagsalita.
"Hah? Ano? Bakit?"
"Anong bakit? E gaga! Dismissal na! Kanina ka pa dyan tulala. Ano bang nangyari?" Tanong niya habang inaayos yung gamit niya.
"Wala naman. Hehe." At inayos ko na rin yung gamit ko.
Habang naglalakad kami sa hallway, napatingin ako sa court na pang-players.
May nakita akong naghahalikan sa may bandang ring. Tsk. Sino pa ba? Edi malamang si Drew na may kasama nanamang kung sino mang babae. Haaaay, masanay na! :)
Naalala ko nanaman yung sinabi niya kanina.
'Lahat kami gago, pero hindi lahat kami manloloko.'
Totoo nga ba yon? Hindi nga ba lahat sila manloloko? Mali lang ba talaga yung napunta saking lalaki noon?
"Tapos-- Hoy nakikinig ka ba?" Napatingin naman ako kay Khatelyn.
"Hah? S-sorry. Ano nga ulit sinasabi mo?"
"Aish. As I was saying, si Gabby, Gabby Martin Santiago, yung bestfriend ni Drew? Ah basta yun! Hihi. He asked me on a date." Sinabi niya parang kinikilig.
BINABASA MO ANG
Hearts Don't Lie
Fiksi RemajaWhat will happen when the man hater meets the casanova? Will it bring them anger? Or love?