Chapter 19: Santiago Perales

34 0 0
                                    

A/N: Ito yung nangyari nung umalis si Khatelyn nung umaga. Bale hapon ang timeline nito, nasa school pa si Rhouie.

***

Khatelyn's POV~

Nandito ako ngayon sa ice cream parlor sa isang Mall. Napilit ko na kasing kumain si Yanyan, kapatid ko, kaya napagdesisyunan kong dumeretso dito. Kakatapos ko lang kasi mag-shopping, at loner ang peg ko dito! God. Halos lahat ng nandito e couples! May mga nagsusubuan pa. Like duh? They can get a room anytime they want, bakit kailangang sa public place pa maglandian? Sakit sa mata! -.-

Nang maubos ko na yung kinakain ko, naglakad-lakad nalang muna ako. I don't really know where I'm going. Nakakatamad na pero ayoko pang umuwi. Wala pa rin naman si Rhouie sa bahay kasi school hours pa.

"Khatelyn?"

Napatingin ako sa lalaking-- No. I mean, hindi ko na siya nagawang tignan kasi niyakap niya ako bigla.

"Ikaw ngaaa! Grabe ang ganda mo parin! Blah blah blah.." Patuloy lang siya sa pagsasalita pero wala akong maintindihan kahit isa dahil hindi na ako makahinga sa yakap niya! >_<

"T-teka nga.."

And thank God at umalis siya sa pagkakayakap.

"I'm sorry. I just.. I just missed you."

At laking gulat ko nalang ng unti-unti kong makilala ang lalaki sa harapan ko.

"SANTIAGO?!!" Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ssh. Diba sabi ko sayo don't call me using my real name when we are on public?" At inalis niya na ang kamay niya sa bibig ko. "Santy. Call me Santy, Khatelyn."

Siya na maarte! Pero mga dude, namiss ko 'tong lalaking 'to!

Si Santiago Perales--

"Santy sabi. Ayusin mo monologue mo Khatelyn." Oops.

Si Santy ay kaibigan namin ni Rhouie sa dati naming school. Palagi kaming magkakasama. Ay hinde. Siya lang pala ang palaging bumubuntot samin ni Rhouie, kaya no choice kundi hayaan. More on 'masugid na manliligaw' ni Rhouie yan. Kahit nung nagkaroon ng relasyon ang bestfriend ko tsaka si Arkin e nanliligaw parin. In short, he's so head-over-heels on Rhouie.

"So.. Kamusta ka na?"

Nakaupo na kami ngayon sa food court. Yah know, chika chika.

"I'm doing good" Tango lang ang naisagot ko. "Teka, where's Love?" He's reffering to Rhouie. Hahaha! His endearment for my bestfriend really sucks!

"Pumasok siya."

"Oh. E what about you? Hindi ka pumasok?"

-____-

"Halata naman diba?"

"INIWAN MONG MAG-ISA ANG LOVE KO SA MABAHONG SCHOOL NA PINAPASUKAN NIYO?!"

*poink*

Binatukan ko nga!

"Maka-mabaho hah? Naamoy mo na school namin? Tsaka ang oa mo Santiago! Para namang lalapain si Rhouie sa school na yon."

"Who knows Khatelyn? Teka. Saan na kayo nakatira? I need to see my Love. I miss her so much and I want to see her angelic f--"

"Santiago you're such an overactor." Binigyan niya lang ako ng masamang tingin. "I mean, Santy."

Nasanay kasi akong Santiago ang itawag sa kanya. -.- Tsaka pang-asar na din.

"So saan nga?" Siya.

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon