Chapter 22: Danger

31 0 0
                                    

Rhouie's POV~

"Makakalabas na kayo!" Sigaw nung nagbabantay dito sa detention room.

Teka. Anong oras na ba? Bakit parang feeling ko ang bilis naman ng stay namin dun?

"Hoy Drew." Tawag ko sa kanya habang nagpapagpag siya ng damit niya.

"Bakit?" Sagot niya nang hindi nakatingin sakin.

"Anong oras na?" Tumingin siya sa wrist watch niya bago ako sagutin.

"1:00 pm." Palang?!

"E bakit pinalabas tayo kaagad?" Kasi sa pagkakaalam ko, hanggang uwian pa yung stay namin dun which is 4:00 pm. Pero okay na rin 'to, kumukulo na kaya yung tiyan ko.

"Tinext ko si Lolo. Sabi ko utusan niya yung nagbabantay dito na palabasin tayo."

*boink*

"Aray! Bakit ka naman namamatok RJ?"

"E ang tanga mo kasi! Pwede mo naman palang itext yang Lolo mo para palabasin tayo dito, bakit hindi mo pa ginawa? Hinintay mo pa talagang kumulo yung sikmura natin e no?!"

"Mabait akong estudyante."

"Weh? Joke yu--"

"Tsaka pag ginawa ko yun, hindi tayo makakapag-usap."

Pigilan niyo ko. Makakapatay ako ng tao ngayon. Pigilan niyo ko.

Tinalikuran ko siya at naglakad ng mabilis.

"Hoy RJ! San ka pupunta?!" Narinig kong sigaw niya.

"Wala kang pakialam!"

Tumakbo ako papunta sa cafeteria. Medyo konti nalang yung estudyante ngayon, 1:00 pm na rin kasi e. Umorder kaagad ako ng mamakain ko, gutom na kaya talaga ako!

"Ate, spaghetti po, tsaka pineapple juice, dagdagan niyo na rin ng isang slice ng black forest na cake."

"By two's po."

"Ayanakngbakangpink!" Napatingin ako kaagad sa nagsalita sa tabi ko.

"Nikki?"

"Hi Rhouie." Nakangiti niyang bati sakin.

"Uhh.. Hello.."

Awkward.

"Eto na yung mga pagkain niyo." Narinig kong sabi ni Ate.

Nagbayad na kami tapos naghanap ng mauupuan. Umupo ako sa isang table, siya naman sa harap ako.

Okay..

"So, kamusta ka na?" Nakangiti parin siya.

"Okay lang. Uhh, ikaw?"

"I'm fine."

After nun ay wala nang nagsalita ni isa samin.

Alam niyo yung feeling na kaharap ko ngayon, kasamang kumain sa isang table, ang girlfriend ni Drew?!

Hooooooooo!

Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko!

"I know what you're thinking." Bigla niyang sabi habang kumakain ng cake.

"Ha?" Hindi ko naman alam yung sinasabi niya e.

"Me. Drew. Couple." Geez. She's a mind reader.

"H-hindi ah. Hindi kaya."

Tumawa siya ng mahina bago nagsalita ulit.

"We're not officially together. But we're in an arranged marriage."

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon