Author's Note (MUST READ):
This chapter is only about Gabby and Sandy. No Drew/RJ, Santy/Love, or Gab/Khatelyn moments. You can skip this and wait for my another UD if you want.
And another thing, pasukan na po namin bukas so asahan na ang slow update. Baka two or three times a month nalang ako makapag-UD. Hihi. Please understand. :3
Enjoy reading! :))
***
Sandy's POV~
Hindi ako makagalaw. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Nandito siya. Sa harapan ko. Tinititigan ako.
I can see sadness in his eyes. I can feel the pain he's bringing. I can sense his longing because of me.
I want to run to him and hug him tight. I want to kiss him like there's no tomorrow. I want to tell him how much I love him. I want to do all of that to him. But I can't.
"Ate sino ba yang-- Pre."
Tinanguan lang ni Gab ang kapatid ko. At namayani nanaman ang katahimikan sa aming tatlo.
Alam ni Drew lahat ng nangyari samin ng bestfriend niya. Ang hindi niya lang alam ay ang dahilan kung bakit ko siya iniwan.
"Ahm.. Drew papasukin mo muna yang kaibigan mo. Maghahanda lang ako ng makakain."
At tumalikod na ko papasok sa bahay namin. Dahil kung hindi ko pa ginawa yon, baka hindi ko na mapigilan at tumulo na nang tuluyan ang luha ko.
Pagkarating ko sa kusina ay sunod-sunod na umagos ang mainit na likido sa pisngi ko galing sa mata ko. Eto nabaman. Umiiyak nanaman ako.
Nung nakita ko siya kanina, nangibabaw sakin ang konsensya at panghihinayang. Nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya noon. Nanghihinayang ako sa mga panahon na nasayang namin. Ang walong buwan na pinagsamahan namin noon ay masasabi kong ang mga pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko.
Pero dahil sakin, nawala, nasayang. Dahil sakin, umiyak siya, ang lalaking pinakamamahal ko.
Agad kong pinahid ang mga luha ko at nag-ayos ng sarili. Hindi niya ako dapat makita na ganito ang itsura ko. Pagkatapos kong kumuha ng makakain ay nagpunta agad ako sa sala at naabutan ko ang dalawa ron na nag-uusap.
Nang mapansin ako ni Drew, agad siyang tumayo at tinulungan ako sa tray na dala ko.
"Ate ako na."
"Salamat."
Nadako naman ang tingin ko kay Gab na nakatingin din sakin. Pero ako kaagad ang umiwas ng tingin. Hindi ko pa siya kayang tignan sa mga mata niya.
Tatalikod na sana ako pero..
"What the? Drew!"
~~~
Gab's POV~
Galing siyang kusina. May dala-dala siyang tray ngayon. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ako makaalis sa kinauupuan ko.
Hanggang ngayon, hindi parin ma-absorb ng utak ko ang nangyayari.
Nandito siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Gustong-gusto ko siyang kausapin. Pero sa tuwing gagawin ko ay bigla nalang pumapasok sa isipan ko na wala na kami.
Tulad ngayon. Aalis nanaman siya. Tatalikod nanaman. Hindi ko nanaman siya nakausap.
*splash*
"What the? Drew!"
BINABASA MO ANG
Hearts Don't Lie
Ficção AdolescenteWhat will happen when the man hater meets the casanova? Will it bring them anger? Or love?