Chapter 5: Her Tears

105 5 2
                                    

A/N: Eto po yung nangyari bago makapunta si Drew sa lugar kung nasaan si Rhouie, and tuloy-tuloy na yon. :">

***

Drew's POV~

Nasa kamay na daw niya ngayon si Rhouie. Tulog pa daw ito dahil baka naparami yung sleeping pills na pinainom niya.

Walanghiya talaga yon. Ginamit pa yung anak niya para lang makuha si Rhouie. =____=

5 minutes..

10 minutes..

15 minutes..

Fvck! Hindi ako mapakali! Parang may nagsasabi sakin na nasa masamang kalagayan si Rhouie pero hindi ko siya magawang puntahan.

Sinubukan 'kong tawagan yung number nung lalaking yun pero cannot be reach. Trinay ko rin yung kay Rhouie pero naka-off rin yung phone niya.

T*ngina kinakabahan ako!

***

Nagpunta nalang ako ng bar para malibang man lang. Para hindi ako makonsensya.

Then biglang may tumabi saking babae. By her looks, alam kong hindi na siya virgin. Tss. Flirt.

"Do you wanna go to heaven tonight Honey?" Maarteng tanong niya habang hinahawakan ang dibdib ko.

"Can we?" Sagot ko at ngumiti.

Yung mga ganitong klaseng babae, alam na ang ibig sabihin non kaya agad niya akong hinalikan. Tumugon naman ako sa mga halik niyang yon. After a minute, I ended the kiss. Tumingin ako sa kanya, siya naman halatang nabitin.

"Not here baby." At hinila ko siya papunta sa isang kwarto sa bar na yon.

Habang hinahalikan ko siya, hinubad niya yung damit niya. She's half naked now.

We continue our kiss. Pero habang hinahalikan ko siya, may isang mukha na pumasok sa isip ko.

Si Rhouie.

"T*ngina." Humiwalay agad ako sa kanya at dali-daling lumabas sa kwartong yon.

"Honey what's wrong?" Narinig kong sigaw ng babae pero wala akong pakealam. Basta kailangan 'kong puntahan si Rhouie ngayon.

***

Nagpunta ako sa lugar kung saan niya dinala si Rhouie. Alam ko yun kasi tinext niya sakin yun kanina.

*knock knock*

No response.

*knock knock knock*

No response parin.

No choice ako kundi sirain yung pinto. Nang makapasok na 'ko, pumunta agad ako sa kwarto.

*knock knock* "Rhouie? Rhouie nandyan ka ba?" Walang sumagot.

Pumunta ako sa isa pang kwarto.

Kakatukin ko palang sana kaso biglang may nagsalita.

"I will let you feel happiness baby."

Pucha. Alam kong boses yun ng lalaki.

"A-ano ba!" Si Rhouie. Si Rhouie yon.

Tumawag muna ako ng pulis at sinabi ko yung address kung nasaan ako ngayon.

Pinihit ko ng pinihit yung door knob pero ayaw mabuksan. Sh*t.

Wala na akong narinig na ingay sa loob. Puta, ano nang nangyayari?!

With all my force, binuksan ko yung pinto. Sira kung sira, wala akong pake.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na yung nakita ko.

Yung lalaking yon, hinahalikan yung bandang collar bone ni Rhouie.

"Gago ka!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko at agad ko nang nasuntok yung lalaki.

T*ngina niya! Ang sabi ko takutin lang, hindi gahasain. Bobo!!

Linapitan ko agad si Rhouie na nakatulala. Nagulat nga 'ko e, hindi man lang siya naluha sa nangyari sa kanya? Instead, nakatulala ito at may ngiti sa mga labi.

"Rhouie, don't worry. Everything's fine. It's all fine okay? Don't worry." Yinakap ko siya ng mahigpit.

Kasalanan ko 'to! Kung hindi ko tinawagan 'tong lalaking 'to, hindi magkakaganyan si Rhouie. Kung hindi ako nagpakabata, hindi mangyayari sa kanya 'to. T*ngina! Ang bobo mo Drew!

Tumingin siya sakin saglit, pero yumuko bigla. Sakto namang dumating yung pulis at inaresto yung lalaki.

"Mabulok ka sa kulungan, gago ka!" Sigaw ko sa kanya.

Habang pinoposasan na siya, tumayo si Rhouie sa kama. Tinabig niya pa nga ako e. -_-

"Sandali." Sabi niya.

Napatigil naman ang mga pulis pero

nakahawak parin sa mga braso nung lalaki.

"Sayang. Hindi ako naka-score!" Sabi nang lalaki at tumawa.

Si Rhouie nakatayo sa harap niya. Bale magkaharap sila.

Tumawa rin si Rhouie. Teka baliw na ba 'to? Siya na nga muntikang magahasa, may gana pa rin siyang tumawa?

*slap*

Sinampal ni Rhouie habang nakangiti siya.

"Hayop ka."

*slap*

Sinampal niya nanaman. Aawatin na sana siya ng mga pulis pero sinenyasan 'ko na hayaan lang siya.

"Ang baboy mo."

*slap*

"BAKIT HINDI MO PA TINULOY? HAH?" Lahat kami nagulat sa pagsigaw ni Rhouie.

*slap*

"TUTAL WALA KA NAMANG AWA DIBA? BAKIT INUNTI-UNTI MO PA? DAPAT TINULOY MO NA!"

This time umiiyak na siya. Gusto ko sana siyang yakapin at patahanin pero alam kong gusto niyang maglabas ng galit niya.

"DYAN NAMAN KAYO MAGALING DIBA? LAHAT KAYONG MGA LALAKI, KATAWAN LANG ANG HABOL NIYO SAMING MGA BABAE! TINGIN NIYO SAMIN LARUAN! SEX TOY! *sniff* TAPOS KAPAG NABABOY NIYO NA KAMI, AARTE KAYO NA PARANG WALANG NANGYARI! G-GRABE KAYO! *sniff* NAPAKA-WALANGHIYA NIYO!" Tapos tumigil na siya kakasampal sa lalaki.

Linabas na nung mga pulis yung lalaki na napakapula ng magkabilang pisngi dahil sa sampal ni Rhouie.

Siya naman, napaupo nalang sa sahig habang umiiyak. Kaya linapitan ko siya. Itatayo ko sana siya pero pinigilan niya 'ko.

Tinignan niya ko sa mga mata. Naramdaman 'kong punong-puno siya ng galit. Hahawakan ko na naman sana siya kaso this time, tinabig niya yung kamay ko.

At nagsalita siya.

"Wag mo 'kong hahawakan. Nandidiri ako sa inyo."

***

A/N: Uhm, pag nakareceive ako ng 3 votes, tsaka ako mag-uupdate. HAHA. 3 votes lang, bigay niyo na sakin yun. :']

Hearts Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon