Chapter 1 Wanted

4.7K 47 7
                                    

NOTE: Eka= \ekə\

Chapter 1 Wanted

Eka's POV

I am in my deepest thought. For a while, I'm stolid. I'm amassing tenacity to talk... to mama.

"Mama, miss ka na namin..." bulong ko. Nagbabadya man ang luha, pinigilan ko na lamang. Nakaupo kami sa damuhan dito sa puntod ni mama. Dalawang linggo na siyang nawala sa amin nina papa at ng anim na taong gulang kong kapatid na si Einstein Dylan.

Pinapanood ko si Dylan na naglalaro ng damo at mga bulaklak na kalalagay lang namin. Kaaalis lang ni papa dahil magtatrabaho pa siya.

Masarap magkaroon ng pamilya. Kaya masaklap din pag mawalan kayo ng kahit isa.

Hindi ko matanggap na nawala lang siya sa isang iglap. Wala nga namang nakakaalam ang hangganan ng buhay. Ang sakit sakit lang na hindi nila sigurado ang pagkamatay ni mama. It was something about animal attack. Hindi talaga ako kampante. May kung anong pumipilit na alamin ko ang katotohanan. Ang hirap eh.

Sa kabilang lote malapit sa amin, mayroong bagong libing. Kilala ko ang ibang nakilibing. Si Lu Han ng isang sikat na Kpop group ay nandito pala. Pagkatingin ko sa malayo, lahat pala ng member ay nandito't mukhang kararating lang. Malapit kase ang grupo sa famous journalist na namatayan. Ang alam ko'y kamamatay lang ng mom ni CDJ Shamira R. Lu. Yung ibang nakakakilabot ang tingin ay di ko na kilala.

Sa isang puno na nakatanim malapit sa amin at mag-isa nito, nakasandal at nakatitig ang isang lalaki sa gawing likod namin ni Dylan. Naka-cross arms ito. Nakatitig siya sa babaeng may kasamang lalaki na may napakagandang tindig. Gwapo at maganda ang magkapareha. Makikilibing din siguro siya. Masaya iyong babaeng tinitingnan niya at maganda iyong babae!

Biglang kumunot ang noo ng lalaki. Napatayo ako sa gulat na sinulyapan niya ako. Nag-flash pa ang red light sa mga mata niya. Nag-iwas agad ako ng tingin. Argh! He is so familiar!

Hinawakan ko ang kamay ni Dylan at pinatayo siya. "Dylan, tara na," tawag ko sa ading ko.

[AN: "Ading" is an iloko term meaning person younger than you/sister or brother younger than you.]

"Uwi na po tayo? Gusto ko dito kay mama," sabi pa niya kaya napaluha na ako. "Ate, stop crying," paglalambing niya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Kaya mahal na mahal ko ang kapatid kong ito eh.

"Sige na po dito muna tayo," request nito.

"Okay," sang-ayon ko at niyakap siya.

Nagtagal pa kami ng kalahating oras. Nakasabayan na rin namin ang pamilya ng bagong libing nang lumabas kami.

Tumakbo bigla ang kapatid ko.

"Kuya!" sigaw nito nang nakalapit siya sa isang lalaki. Siya iyong lalaki kanina.

"Dylan!" sigaw ko naman at agad akong tumakbo papunta sa kanya. Siguro magiging overprotective akong ate sa kanya dahil sila na lang ni papa ang pamilya ko.

Nakita kong umupo ang lalaki sa harap niya at hinawakan sa balikat. Magkapantay na sila ngayon at mukhang may sinasabi iyong lalaki sa kanya. Tumango tango naman ang kapatid ko.

Mabagal ang paglakad ko para naman masulit naman nila ang oras. Nagtama ang paningin namin nung lalaki dahilan para mapalundag ako sa kinatatayuan ko. Nakakakilabot ang isang tingin niya. Ginulo nung lalaki ang buhok ng kapatid ko sabay ngiti at lumayo na. Hindi na rin siya nag-atubiling tingnan ulit ako.

Niyakap ko si Dylan. "Ikaw talaga. Huwag ka ngang tumakbo ng ganun ganun lang," utas ko.

"Opo ate. Ang bait po ni Kuya Chaos," sabi nito. Sino naman kaya yung Chaos? As in chaos, chaotic, war? Don't tell me siya 'yong lalaki?

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon