Chapter 54 Raped

655 7 0
                                    

AN: Please read and support Love in the Woods.

Chapter 54 Raped

Eka's POV

"Anak, gusto niyong sumama? Namatay kase ang Tita Liara niyo, kapatid ng mama mo." 

"Ah, sige, pa. Convoy?"

"Sige, anak, hihintayin namin kayo dito sa bahay."

Binaba ko na ang tawag. Tumingin ako sa aking mag-aama saka suminghap. "We're going to lolo's."

"Yeah!" Kumunot ang noo ni Chaos.

"My Tita Liara died last night," sabi ko sa kanya.

Habang nagmamaneho si Chaos, hawak ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko. Sina Charle pala, wala pa. They're still in France.

Dalawang sasakyan ang gamit namin. Pinilit pilit ko si papa na sa sasakyan na lang namin siya sumabay together with Dylan kaso talagang ayaw niya. Tss... ayaw talaga ni papa kay Chaos. Mahihirapan akong suyuin ang sarili kong ama. "You okay?"

"Oo, naman. Ang baho no?" Nakababa ang window ng sasakyan kaya naman siguro'y naaamoy namin ang iba't ibang bad odor.

"Werewolves."

Sa tanan ng buhay ko as a vampire, ngayon ko lang na-encounter ang realidad tungkol sa werewolves. "Anong ibig mong sabihin?"

"This place is a compound of werewolves. Specie ba ng werewolf ang family ng mama mo?"

"Di ko alam. Hindi naman siguro. Kung meron man, paano? Are werewolves real?"

"My senses are real, so they are."

The corpse was wrapped with tissue. Ang mukha lang ni Tita Liara ang lumantad sa amin. Ang kambal, nilagay muna namin sa likod namin at talagang takot sila sa nakikita nila ngayon.

Masasama lahat ng tingin nila sa akin at kay Chaos. "Liara was killed by an unknown vampire," sabi ni Tito Leonardo. "Wag na kayong magtaka, hija. By the way, have you met your cousins? Nasa bahay silang lahat, gusto mong puntahan?"

"Uh, sige po, tito..."

Honestly, hindi ko na kilala ang mga pinsan ko. Lumaki kase kami ni Dylan na malayo sa kanila. And matured na talaga sila noong kabataan namin. Kung werewolves ang mga tito at tita ko, pati mga pinsan ko? Paano si Dylan? Lahat lang ba ng nagke-carry ng Galvan na apelyido?

"May sexyng bampira!"

"Tanga! Pinsan natin yun!"

Pinisil ni Chaos ang kamay ko.

Ang mga bata, nasa side ni Dylan doon sa kabilang bahay. I'm proud of my brother kase sobrang responsible siya.

"Pinsan niyo? Pakilala naman ninyo ako oh."

"May boyfriend yun, gago!"

Kumatok ako.

Pipigilan pa nga sana ako ni Chaos eh pero ano pa nga bang magagawa ko?

"Goodevening, Ms. Beautiful!" Lalapit sana sila pero tinago na ako ni Chaos sa likod niya. Ang kilala ko lang dito ay ang mga pinsan kong mga babae- Ate Roses at Ate Lucy.

Ngumisi silang lahat sa amin. "Full moon, darling," sabi nung isang mataray na babaeng lobo rin siguro. Nakahalukipkip iyon na nakangisi pa.

Hinawakan ko ang braso ni Chaos na ready ng manuntok. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ngayon dito lalo pa't napapalibutan kami ng werewolves. Ang sabi nga sa mga libro, lethal ang kagat nila sa aming vampire depende na lang if you belong to a royal family.

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon