Chapter 53 All Gone

483 6 0
                                    

Chapter 53 All Gone

Eka's POV

Hinintay ko munang maghilom ang sugat ko para pagbalik ko sa room ni Lee, wala silang masabi. And wow, malinis iyong isang yun. Sinigurado niyang walang bloodstain sa damit ko.

Kunot na kunot ang noo ni Chaos nang pumasok ako. Si Ela, natutulog na sa tabi ng kambal niya.

"Where were you?"

"Huh? D-diyan lang. May k-kinausap ako."

"He woke up a while back." Napatingin ako sa kambal. "She's looking for you. Ikaw ang una niyang hinanap bago ako. Kakahintay, he fell asleep. Hahanapin sana kita pero alangan namang iwan ko sila dito?"

Ito na ang sinasabi ko eh. "S-si Harm?"

"She's not our maid for her to look after them."

"S-sorry. May inasikaso kase talaga ako." Hinalikan ko siya sa pisngi. Dumiretso ako sa kambal para halikan ang noo nila. "Hala, Lee, sorry."

"Okay lang, mama."

Naluha ako. "Are you awake?"

Dumilat ang dalawang mata niya.

"Mama, I feel very w-weak kase so I'm closing my eyes to ease it but I had a dream that Harm is here, saying that I'll stay s-strong."

Napalunok ako.

"Mama? Are you listening?"

"Oo, naman, baby Lee." Hinalikan ko ulit ang noo niya. Nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganito-- nahihirapang magsalita. "Kaya mo naman diba?"

"Yes, mama, for Ela and for papa and for you. That would be all, mama."

"Huwag mong iiwan si mama ha?"

"Mama, I swear, I won't be leaving."

Niyakap ako ni Chaos sa likod ko.

I cried. Pumayat si Lee in that one day lang. Maputla pa rin siya at parang wala namang pinagbago kanina nung in-admit nila dito. Nakahawak ako sa kamay niya. His eyes were close pero alam kong gising siya. Bakit walang pagbabago? Hindi ba successful ang operation?

"He's okay, baby. He'll gain his strength later on. Just wait."

Tumango tango ako. "Lee, nagustuhan mo yung regalo ko para sa'yo?"

"Yes, mama," mabilis niyang sagot.

"Sige, matulog ka muna pero assure that you'll wake up strong and healthy tomorrow, ha?"

"Copied, mama. I love you..." aniya.

"I love you, too, baby Lee."

---

Chaos is holding my hand while we sit here on the couch. "I'll be honest to you..."

"What?"

"I saw Digon."

"What?!"

"Oo. Sorry na naman."

"Tss..." Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pumilig siya sa balikat ko at sumiksik sa leeg ko.

"Sorry... mas marami ng 'sorry' kesa 'I love you'," sabi ko. Hinalikan niya ang leeg ko pababa. "Chaos! Mamaya gising pala ang kambal!" inis na inis na bulong ko.

"Let them see."

"Oh my God! Don't tell me--!"

Like all the other days and nights, he kissed me tenderly. "Wala bang kumot diyan?" aniya.

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon