Chapter 30 Vindictive

771 8 1
                                    

Chapter 30 Vindictive

Eka's POV

I hugged him back pero nang kalauna'y pinaghahampas ko siya at tuluyan akong umiyak. "Why you didn't tell me?!" He sighed in comfort when he saw me like this. He smiled. "Don't smile at me like that, Kev! Hindi kayo nakakatuwa kanina! Ano na lang ang grade ng kompanya sa nangyari kanina?! I'm not ready!"

Humalakhak siya. "Is that your problem?"

"Che! Hindi mo ko pinansin buong araw!"

"Eh sa busy ka kaya."

"LAGI AKONG BUSY, LAGI KA RING NASA TABI KO!"

"Sorry na... Ito na oh, surprise. Forth anniversary na. Saan ka pa?" Niyakap niya ako at hinalik halikan ang noo ko. "Trial lang yung conference kanina. Pero... ikaw talaga ang rep ng company."

"Nakakainis kayo! Disappointed din ang papa mo sa akin!"

"Parte yun ng drama namin, hahaha!"

"Oo panalo na kayo! Tara na nga sa loob!" Ninakawan niya ako ng halik bago kami tumungtong ulit sa stage. Malapad ang ngiti niya, pati ngipin nakalabas. Naka-on na rin lahat ng ilaw. Yung chandelier ay talagang nakakapang-akit.

"I guess you knew about this surprise, right?" tanong niya sa madla. Nagsitanguhan naman lahat ng VIV na nandito.

"Hahaha!" Umalingawngaw ang tawa ni Night. Tumingin si Kevin sa kanya saktong nagthumbs up ang secretary.

"I love her so so much. Mr. and Mrs. Cantalejo, thanks for producing this daughter for me. I can't describe how happy I am now. Akalain niyo yun, nasaktan daw siya kanina kase hindi ko siya tinulungan sa report?" Nagtawanan ulit sila. Pumulupot naman ang braso ni Kevin sa bewang ko. "Why so hot?" bulong niya saka bumaling sa crowd. Nakakahiya siya! Sasabihin pa talaga niyang nasaktan ako? Oh my.

Nakita kong nakangisi ang mga mala-antagonistic ang dating na sina Sheera because of the lava red dress, Mrs. Valmores because of her devilish make up, and... there, was standing a beautiful man-poker faced. Napakurap ako. He looks antagonistic. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit naka-mask siya o kahit i-mummify niyo pa siya, I can feel him. Nag-iwas ako ng tingin sa titig niya. Mala-Phantom naman ang dating niya.

"Thanks for the participation! Welcome to Zhu-Sarmiento Hotels and Restaurants! Enjoy!" anunsyo niya. I wanna give my fullest attention to Kevin.

"Let's go? Uwi na tayo?" nakangising tanong niya. "May reservation ng presidential suite di-" Sinapak ko na.

"Let's go. Sa bahay na tayo. Magtimpi ka," sabi ko.

"Yes!" Sinuntok niya ang hangin saka nagtatalon talon.

"Whatever. Happy anniversary, Kev." I kissed him in the lips. "Thanks for the surprise. Ang sakit sakit pero naibsan naman..."

Habang nasa sasakyan, medyo tumahimik na kami. "Ngayon, itatanong ko bat ganyan ang suot mo." Kevin is jolly and lively. Masyado pa siyang considerate. Pero sa oras na maging malupit na owner siya ng isang napakahalagang bagay, abat mag-ready ka na.

"Ito yung unang nakita ko eh."

Sumulyap siya saka umirap. "Paano kung yung backless at mala-see through ang first na bumungad sa'yo?"

"My God, Kev. I'm okay. Wala namang mga binata dun. Si Night lang naman but he usually see me in shorts at sanay na siya."

"Manyak din ang isang yun. May kiss pa siya sa cheek, ha! Parehas kami ganun?" Nakabusangot na siya ngayon.

My Godddddd!

"Sa lips naman sa'yo ah..." nakangusong sabi ko.

"And... maraming mga manyak na businessman! Lalo na si Mr. Qin!"

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon