Chapter 18 Black And Red

1.2K 16 1
                                    

Chapter 18 Black And Red

Eka's POV

Nakagising na lang ako sa mga bisig ng bampirang kagabi pa nandito. Hindi ko nga alam kung aangal ako at magrereklamo. Geez... kase kahit siguro anong gawin niya, sa kanya pa rin ang bagsak ko. Oh, saan pa kayo?

"You're going to work?" tanong niya. Hindi pa rin niya kinakalas ang yakap. Nakakadismayang imbes malambing na 'goodmorning' ay ang tanong pa namang ukol sa trabaho ang salubong niya.

Fine.

"Hmmm? Oo naman." Pasimple kong kinalas ang braso niya. Natanggal ko naman.

"I'll wait for you."

"Sa sala na."

"No."

"Dun na, please?"

"I'm staying here, Eka. Ang sabi mo hindi kita iiwan. Here I am, beside you."

Inirapan ko ito.

"Why are you like this? Last night isn't it?" He crossed his arms. Tinaasan pa ako ng kilay!

Because of you, fool! He kissed a girl.

Bakit parang okay kami ngayon? Dapat sinungitan ko, right? Argh! Stupid!

Hindi ko na siya sinulyapan basta diretso ako sa banyo. Nag-isang oras ako doon pero nang lumabas ako, naroon pa rin siya. Tinaasan pa niya ako ng kilay. I'm with my towel only. Grr~ Kasalanan ko ba kung hindi ako nagdala ng pamalit?

"M-magbibihis ako," sabi ko. Suminghap siya at tumayo.

"I'll wait outside," aniya.

Lumunok ako at tumango. Sh*t don't go.

"Uhm... d-dito ka na lang pala. Kukuha lang ako ng damit t-tapos babalik ako sa banyo," sagot ko. Why am I stating this? Tinaasan niya ako ng kilay. "Okay then, alis na!" nahihiya kong pagtataboy. Umalis naman siya without a word. OUCH.

Tama ba ang ginagawa ko?

Pagkatapos na pagkatapos kong magpalit at mag-ayos, bumaba ako at tiningnan kung mero pa si Chaos... baka kase umalis na.

Napahinga ako ng maluwag nang nakita ko siya sa sofa nanonood sa telly.

"Starts again," ani reporter.

Ganitong pahayag palang, nakakagimbal na. Grr. For sure, about the killings na naman iyon. May malagim na kasaysayan kase ang nasa backgrounds ng VV. Lagi may mga animal attacks. Ngunit heto ako ngayon, nagcoconclude na vampires ang may gawa. How cruel...

Tumingin siya sa akin. Tumindig siya at lumapit. Hindi na rin naman nakaangal ang kapatid ko sa pinaggagagawa ni Chaos. Aysh. Accept the reality.

He inspected me from head-to-toe vice versa. Nakakahiya!

"So? Let's go?" tanong niya at ngumiti.

Pero... hindi pa siya nagpapalit ng damit ah. Paano yan? "Ah... oo. Paano yung coat mo?" nahihiyang tanong ko

"Daan tayo sa bahay," aniya. Nagulat ako sa sagot niya.

"Kuya-"

"Dylan, your ate needs... her own life... to move... to go on," ani papa. Thanks, pa. Narinig ko ang buntung hininga ni Dylan.

"Kuya, take care of her," mabilis na saad ni Dylan. Pumunta ako sa kanila at niyakap. Niyakap ako ng mahigpit ni papa. Aish. Feeling ko pinapamigay nila ako kay Chaod. Hindi nga kami eh tapos ganito na?

"Yeah, kid," ani Chaos.

Kanina pang sobrang abnormal ng puso ko. Hindu ko alam kung kasali ba dito ang heart problem ko o di kaya'y... lumalakas at bumibilis ang tibok niya para kay Chaos? Aaahhh! Ewan ko!

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon