Chapter 41 Didn't Die

762 13 2
                                    

Chapter 41 Didn't Die

"Acetic acid, mama!" ani Lee. "Sucrose and sodium chloride, too." Pinaparinggan niya ang kanyang kambal kase dinadaig niya ito if about science.

Inabot ko sa kanya ang hinihingi niya. Siya kase ang magtitimpla nung adobong paborito ng kanilang papa.

"Mama, mamayang gabi, dun ka ulit sa kwarto namin ha?" sabi ni Ela.

"Yes, baby."

"Mama! I'm not a baby!" she replied.

"Kasama si papa?" tanong naman ni Lee.

"Nope. Uuwi rin siya after dinner and your play time," sabi ko. Napanguso silang dalawa.

*ding dong*

"That must be papa!" tili nila. Napangiti na lang ako.

Sa one week na lumipas, ang pagdalaw dalaw lang ni Chaos ang nangyari and I'm glad with it. I'm in sorrow din dahil nawala si Kevin sa amin. Sana sumaya siya sa kung saan na siya ngayon. Kase ako ngayon, aaminin ko, naging malaya ako at naging masaya ako kase si Chaos na ang nasa piling namin. Corny no? But it's really true.

Sa one week ding iyon, I resigned in their family's company. Ayaw akong paalisin kaso iyon na ang gusto ko. Buti na lamang at malaki ang ipon ko sa bangko and I'm planning to have a work sa ACP Façonner. We headed back dito sa Vincent Ville sa isang subdivision. Unfortunately, the compound is near the private cemetery where mama and Cenon were buried. Dibale, they will be declaring VV as one of the vampire cities kaya magiging aware ang mga tao. Maraming nagpunta sa mga probinsya para raw sa mas tahimik na buhay.

"Papa, carry me!"

"Papa, me!"

I looked at them, to him who is walking towards me. Pinuno ng kambal ng halik ang pisngi ng papa nila. Simula nang nawala si Kevin, 'mama't papa' na ang tawag sa amin. Hinalikan niya ako sa pisngi bago inilapag ang kambal sa mesa. "Huwag diyan. Ang kukulit niyong mag-aama!"

"Mama, I've seen you sitting in our dining table before. You used to kiss daddy here, right?" Humagikgik si Ela. "Oops! Sorry, mama, papa." Oo, we used to make out in the kitchen too. Kevin can kiss me anywhere in our house before. Si Chaos, hindi niya ako mahalikan tulad ng dati. Gusto kong maging ready ako na ibigay ang pagkatao ko sa mahal na mahal ko. Gusto ko kapag ready na ako, lubos lubos.

"Lee, di ba magluluto ka?"

"Ah yes, I forgot, mama!" Natawa ako sa kanila.

"So you make out in your kitchen?"

Ela cupped his face. "Are you jealous to daddy, papa?"

"Papa, are you hungry?" tanong ni Chef Lee.

"What are you cooking there?" Nag-iiwas siya ng topic. Sorry, Chaos.

"ADOBO!" tili nilang dalawa.

"Sawa na ako sa adobo." They blinked many times and they bowed their heads. Nakakainis si Chaos! Naiiyak na ang mga anak ko!

"W-what do you w-want then, papa?" naiiyak na tanong ni Ela.

"Mama."

Sinapak ko na.

"Papa, serious po kase," ani Lee.

"Hahaha! Hindi ako magsasawa sa adobo, sa inyo, at kay mama." I want to hug him and just kiss him.

"Papa, you're crazy!" tawa nila.

"Crazy in love, babies..."

"Yiiiieeeehhh!"

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon