Chapter 51 Possessive

539 6 0
                                    

WARNING: SPG Slight

Chapter 51 Possessive

Eka's POV

Who would forget a perfect guy, who once your man? Who will neglect his presence? What can be your possible reaction if he, who you once loved came back?

"D-daddy?"

Humalakhak siyang tumatango. Sigurado bang regalo ito ni Chaos para sa mga bata? Is he serious?

"Go on," sabi ni Chaos. Tumingala ang kambal sa amin na animo'y nagpapaalam pa kung maaari nilang lapitan iyong lalaking nasa malaking box.

Hindi pa talaga nagreregister ang nangyayari ngayon. Is that really Kevin Epsilon Sarmiento? Hindi lang ito surpresa para sa kambal kundi para sa lahat na rin. Kahit temporary lang na gift, for sure magiging masaya ang kambal namin.

Tumakbo pabalik ang kambal. They hugged and kissed him. Si mama, nakangiti na parang naiiyak. Si Keina, nakahalukipkip na nakangiti. Si Than at Claw ay nakangisi rin. "Welcome back, couz!" bati naman ni Night.

He got the physique as always. Si Kevin pa ba ito? Kumindat rin siya sa akin bago inasikaso ang mga bata. Napalunok ako. Nagi-guilty talaga ako. We didn't split up in a very nice way. Nag-away away pa kami bago siya lumayo. Feeling ko, wala akong utang na loob. Gusto ko rin siyang piliin noon kase kaya naman talaga niya kaming buhayin. Gusto ko siyang piliin noon kase naaawa ako. Mas nakakaawa siya kesa kay Chaos. Kilala ko si Kevin, tinatak niya sa kokote niyang napilitan lang akong pakasalan siya. Well, ako nga noon ang nag-aya sa kanyang ikasal kami eh. Tapos ano ngayon, siya ang nakipaghiwalay. Siya na rin mismo ang umayos ng mga papeles.

But he loves me. Mahal pa kaya niya ako?

"Hi," he greeted. Ganun pa rin ang external smile niya... tanging internal smile lang ang nagbago. His smile is so wide, pero ganoon naman ka-liit ang sincerity nito na sabihing masaya nga siya. He's still hurt.

He wears tuxedo and holds a bouquet of flowers. I'm out of myself when he kissed my left cheek and handed me those lovely flowers.

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Chaos.

"Thanks," aniya kay Chaos. Chaos stared blankly at Kevin. Tinapik ni Kevin ang balikat ni Chaos. "Don't worry, she's yours." Pagkatapos nun, he went back to the location of the twins. Ang mga bampira naman sa paligid, nag-resume sila sa pag-inom ng liqueur at blood. They continued the celebration.

"Chaos, kelan pa siya sa box? Diba last week pa yun na inaasikaso mo?" I wrapped my arms on his waist.

"Tss... last week."

Lumayo ako sa kanya. "Uhm, saan mo naman siya nahanap? Di ba nahirapan ka?" He stared at me. That sent me a message to stop my queries. "What? I'm just asking ano ka ba."

He didn't answer me back.

"Walang tulugan!" hiyaw nila.

Birthday pa ba to ng mga anak namin?

"Daddy, hindi ka galit kay papa? He replaced you," I heard her say.

"Yes, daddy. Weren't you mad at papa?"

I heard him chuckled. "Bakit naman sana? Papa niyo yun eh. Pero secret lang ha, oo, I'm mad," he whispered.

"Daddy, vampire ka raw?" she asked again.

He froze.

"Kase, daddy, vampire si mama... pati si papa."

"Ang galing niyo ng mag-Tagalog ah!" pag-iiba ni Kevin sa topic.

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon