Chapter 37 Omega

718 8 1
                                    

Chapter 37 Omega

Eka's POV

Malaki ang eyebags ni papa kinaumagahan nang naghahanda siya ng mga pagkain. As usual, sitting pretty ang lahat at kami lang ni papa ang gumagalaw. "Tito? Kayo pa ba yan?" biro ni Claw. Agad namang napasiko si Kevin sa dibdib nito.

"Gusto yata akong patayin sa puyat ng kambal niyo ah, anak? Hu!"

"Pa, sorry. Sabi niyo naman kase eh ayos lang. Dapat sa amin na lang sila," sabi ko.

"Ngayon lang naman eh pabayaan mo na, Eka."

"Are we going to stay here until tomorrow?" magiliw na tanong ni Ela. Napatampal na lang sa noo si papa at natawa ang iba.

"Hmm... Pa, okay ka lang?"

"Oo naman!" Kahit puyat, halata namang masaya siya ngayon sa ginagawa niya. "Kahit hindi death anniversary ng mama niyo ay bibisitahin natin ang puntod niya ha?"

"Opo, pa!" sang-ayon ni Dylan.

"Where are we going, kuya?" tanong ni Lee.

Agad kong itinama ang pagkakasabi niya non, "Lee, he is your tito."

"He's not old like tito Night and tito Claw," pagtatanggol ni Ela.

"He's my brother kaya tito niyo siya."

"Ate, naman! Argh!" reklamo ng eleven-year old ko ng kapatid.

Nasabi ko na ba sa inyong binilhan ko si papa ng sasakyan? Hehe. Ako wala akong sasakyan dahil ang sabi ni Kevin ay magiging useless iyon kase sa kanya naman ako laging sumasabay. "Tito, musta naman si baby natin?" tanong ni Claw habang sinusuri ang sasakyan.

"Okay na okay, hijo!" sagot naman ni papa.

"Ate!" Niyakap ako ni Dylan.

"Uyyy makikita niya si Tristine!" asar ko.

"Whatever, ate. Sabi niya, she moved on. Tss... syempre, magmomove on ako!"

"Magmomove on ka palang?"

"H-ha?"

"Ikaw, Dylan ha. Dalaga na yun baka malaglag brief mo mamaya," biro ko bago kumalas sa kanya. Honestly hindi ko sure if nandoon ang mga Rowe kase kahapon naman talaga yung araw ng pagkamatay niya.

Hindi pa lang kami nakakarating sa cemetery eh naiiyak na ako. Namimiss ko na si mama. Kung nandito siya, mas masaya si papa. Lalo akong naging emotional nang naalala ko si Cenon. Napahigpit ng hawak si Kevin sa akin kaya tiningnan ko siya. Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. Niyakap muna niya ako bago kami pumasok sa sasakyan.

"Cemetery?" gulong gulong sambit ni Ela. Pinark na ni Kevin ang sasakyan saka kami pumunta kay Cenon.

Ngayon lang namin ipinunta ang kambal dito. Alam niyo naman na nandito lang ang ama nila. Maraming mata ang makakakita sa amin kung sakali. Ginawa ko ang lahat para maitago sila. I sacrificed. They spent more in States without us. Pero kahit ganun, I can feel their fullest love.

"Yes, baby," sagot ni Kevin.

"Hey, Cenon baby," bungad ng natatawang si Than. "Ikaw ha, five years ka ng natutulog!"

Umupo ako sa tabi nung lapida niya. Ilinagay ko ang dalawa candle saka sinindihan. "Gosh, I miss you, jerk."

Ilang sandali pa ay nagtatatanong na ang kambal kung sino ba si Cenon. "Cenon Tristan Rowe is a... hero. Something like that," sabi ko.

"Who are the saved people, mommy? Are you close to him?" ani Lee.

"You, Ela, daddy, me and many more," natatawang sabi ko kasi takagang naniwala silang hero nga ang mokong nayun.

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon