Chapter 34 Won't Stop

763 10 1
                                    

Chapter 34 Won't Stop

Eka's POV

Nagkatitigan lang kami noong napawi ang ngiti ko. "Past nga di ba?" tanong ko pa.

"Bakit parang protective siya masyado?"

"It's natural. Diba gnun naman kayong mga lalaki? Ay! Wala ka nga palang girlfriend," sabi ko sabay irap.

"Tsk. But hindi naman siya ganyan kay Lavander..."

"Baka wala lang talagang lumalapit na ibang lalaki kay Lavander? Maybe talagang conservative at masunrin si Lavander? Maybe he trust Lavander?" Ang hirap magreason out lalo na dito. Lavander Lavander.

"And... kinwento na sa akin ni Pollux yung about kay Cenon." Naiiyak na naman ako. Wala akong ibang magawa kundi pumikit at lumuha. "Binigay niya kase gusto ka niyang maging masaya and... that would be his happiness. Alam mo yun? Nagpaalam nga siya sa amin eh pero akala namin biro lang... Now, wag mong sayangin. Masaya ka ba?" Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang dapat osagot sa mga tanong niya. "Tititigan mo na lang ba ako the whole time? Wag naman baka naman multuhin ako ni Cenon kung ma-inlove ka sa akin." Inirapan ko siya.

"Of course, I'm happy. Sino bang hindi?"

"Pero... umiyak si Kevin last month dun sa abandoned place, right?" Hindi na ako nagtaka sa mga nasagap niyang info about us kase na-witness naman ng kambal niya ang nangyari sa amin ni Kev. "Sana nakita ko siyang umiyak tulad ng..."

Kumunot ang noo ko dahil hindi niya ito masabi.

"Tulad ng pag-iyak ni Cenon noong highschool tayo... at tulad ng pag-iyak ni Chaos."

"What do you mean?" Umiyak si Cenon? Hindi ko pa siya nakitang umiyak. Chaos? Baka iniyakan naman niya si Lavander?

"Alam mo... si Cenon, umiyak siya nung third year highschool. Kase naman, nala!an niyang boyfriend mo si Kris."

"WHAT?!"

"Oo, hahaha! First time ko siyang nakitang umiyak na parang bata. Nakayakap pa siya sa mga soon-to-give na mga teddy bears eh," aniya. Hindi ko alam ku g matatawa ako sa paglalabas ng mga sikreto nina Cenon noon. "Ang ganda mo raw kase... and habulin ka ng mga lalaki pero si Gabby lang naman yata ang nakakalapit sa'yo saka si Kris." Yup, sila lang.

"Hindi ko alam yan," tawa ko na lang.

"Eh sa torpe yun eh. Isang malaking torpe." Ano kayang mangyayari sa amin kung hindi siya nag-States? Ano kayang mangyayari kung sasakyan ko lahat ng trip niya? Ano kayang mangyayari kung tototohanin ko iyong 'I love you' ko sa kanya?

Kahit babaero eh natatanggap ko naman. "But I really do like him before..." pag-amin ko.

Nanlalali kaagad ang mga mata niya. "Y-you... d-d-do?"

"It was college nang nag-'hi' siya sa akin. I felt so happy than time. Iyon yata iyong first time niya akong kausapin."

"Pero... pero yumuko ka raw! Wala kang response," aniya. Pati ba yun alam nila? Bestfriends nga naman talaga. "Actually kahit hindi kami sabay sabay na nag-aral sa SVU, we still talk about you. Oo, marami siyang mga babae. Everyday, lagi yung ngkukuwento ng mga nagsesexihang babae sa university. Minsan naisip kong magtransfer din sa inyo eh. Hehe. Pero bago matapos ang usapan, may Eureka Dunes Cantalejo na mababanggit." He is really serious right now.

"He is my first kiss," sabi ko. Ngumiti siya.

"Anong kiss?"

"A lover's kiss. He didn't know na siya ang first kiss ko and I didn't mind tellling him before. Baka ngayon alam na niya," sabi ko.

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon