Chapter 7 Approved

1.6K 22 7
                                    

Chapter 7 Approved

Eka's POV

Lagi ko talagang naiisip si Cenon pati yung girlfriend niya.  Hanggang sa office meron ang pag-iisip ko kay Cenon. Paano na lang pala kung sinabi kong hiwalayan niya ang girlfriend niya edi masasaktan yung babae? Mabait pa naman yata siya eh.

*vibrate vibrate*

1 msg. received from Cenon:

"I want us to talk. Gonna meet you at the hospital. Take care."

"Spend your day with me, Eka," utos naman ni your Majesty. Nakauponga pala ako dito sa sofa ng office niya ngayon. Halos naging permanente na ang kunot kong noo. Oh geez what?!

Napakagat ako sa labi ko. "Dylan is going home. He'll be out in the hospital," ani ko.

"Then let him out later tonight. I've said day not night or even 24 hours."

Hindi na ako makaangal eh. Hindi ko nga alam ano bang ibig niyang sabihin. Spend time?

"Tara na."

Tinitigan ko lang ang palabas na Chaos. Likod pa lang niya, gwapong gwapo na. Napalundag ako sa biglaang paglingon niya. Nakita ko tuloy ang malaapoy na mata niya.

"Yes, sir, andyan na."

Nawala na ako sa sarili, hindi ko na nasagot ang text ni Cenon sa akin.

Kaya pala spend the day with me kase may appointment. Akala ko naman kung may date or something. Pero half day lang iyong appointment. Hindi ko na nga lang alam kun ganong susunod na gagawin namin.

Medyo malayo pa naman ang isang company na pupuntahan namin. Nahihiya na rin ako kase nasa front seat ako at kami dalawa lang. Argh!

"Lunch na lang tayo sa restaurant katabi nung building," sabi niya. Kaming dalawa, maglulunch? This is odd.

"Yes, sir."

Nasa loob din ako ng silid. Nakatitig ako sa nagrereport na Chaos. Nawala tuloy ang pag-iisip kay Cenon.

Seryoso lang siyang nagdidiscuss. Dapat naman i-entertain niya through smiles ang mga men in formal suit dito. Ngunit kahit anong ekspresyon naman ang ipakita niya eh mukhang interesado ang lahat.

Napansin niyang natulala ako sa kanya kaya medyo napatigil siya. Kumunot nga ang noo niya eh kaya umayos ako ng upo. Napatingin naman ang lahat sa akin. Huhu. This is a shame! Yumuko na lang ako at chineck kunwari ang cellphone ko.

"Huh?!" Nanlaki na lang ang mata ko at napatakip ako ng bibig sa 56 messages from Cenon. May 21 missed calls din. Nag-angat ako ng tingin. O M G! Nakatingin na naman sila sa akin. Nadidistract ata sila sa akin.

"Don't look at her," seryosong sabi ni Chaos kaya naman napaayos silang lahat ng upo.

And by the way, dalawa lang pala ang babae rito. Yung isa eh matabang babae na may edad na. Mga sampu silang lahat dito plus Chaos at ako.

"Thank you."

Nagsitayuan na silang lahat. Napatunganga na lang ako sa mga nag-aayos. Nakipagkamayan pa sila kay Chaos bago lumabas. Hindi pa naman masakit ang pwet kong nakaupo rito eh. Ayos lang.

May isang lalaki rin na hindi pa tumatayo. Mukhang ka-edad ko nga rin eh. He's staring at me. Kumunot ang noo ko at ngumiti siya.

"Hey! Why are you staring at her?"

"This isn't your territory, Alberti," nakangising sagot nung lalaki. So meaning he's the owner nitong kompanya?

"And Eka? Why are you not standing?"

(WARNING: ON-HOLD) Falling To A Heartless Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon