Chapter Three

78 6 0
                                        

Chapter Three

Angel’s POV

“Ansungit mo naman kuya Injil” Ano daw? Injil? Ano siya si Ateng Bisaya? At eto siya tawa ng tawa. Ngayon ko lang napatunayan.

May sayad ang utak niya.

May naalala tuloy ako.

Pero naalala ko lang yun.

“Injil? Tigilan mo ko!” Bubwit na ‘to. Anlakas mangasar. Ngiti ng ngiti. Wala namang mata!

“Hihingi lang ako ng tubig” Tapos may dala siyang mug. Saan naman siya hihingi?

“Kit!” Tinawag ko siya. Gusto kong sumama. Pero sa lagay ng muka niya. Parang ayaw niya.

“PwuuhwaHAHAHAHAHAHAHAHAHA” Tupa! She’s Laughing really hard. Anong nararamdaman niya?

“Sasamahan na ng---“

“Ano hahahahha uhahaha lit haha yung ta hahaha wag mo sa hahaha kin?” Para kong nakikipagusap sa abnormal!

“Bahala ka sa buhay mo!” Bwiset. Umupo nalang ulit ako sa sofa at manunuod ng laban ng Azkals.

Dahil sa babaeng yun hindi na ko nakapagpakilala. Eh ano nga naman ba kung kilala niyo ko o hindi? Pero sabi ng author magpakilala daw ako. Edi magpakilala.

Ako si Angel Perez. Yan lang ang pangalan ko. At hindi ko alam kung bakit kailangan kong makasama ang isang babae dito sa Dorm. Hindi ko din alam kung bakit kailangan ko mag’dorm. Pero kung pwede. Ayoko ng may kasama. At bakit babae pa?! Badtrip lang. Kasi diba?

Akala ko lalaki yung makakasama ko.

“Kit” daw?

Tawa siya ng tawa. Abnormal.

Pero bakit kasi? Ampanget ng Kit para sa babae. Pero wala akong pakielam. Bakit pa pati pangalan niya papakielaman ko na.

Naalala ko pa kanina.

*flashback*

Ang tagal tagal ni Mama. Sabi niya hintayin ko daw siya. Basta dadating siya. Edi naghintay naman ako. Dadating daw siya e.

Alas kwatro usapan. Sabay daw kami nung ka’dorm ko magaayos ng gamit. Ang korni nun grabe. Ano naman kung mauna siya? Wala naman sa mga lalaki yun. Basta sa taas ako matutulog.

Eto. At 5:30 na. Ngayon lang dumating si Mama. Nagiisang anak lang ako. Wala si Papa.

Sumakabilang BAHAY na.

Doon na siya.

Hindi na siya babalik.

Hindi ko na siya pababalikin.

Diba?

:)

Mabait ako e. Pag tulog ^_*

Hoy Author! Tinatamad na ko magkwento.

Basta kanina. Pagdating ko dito sa 3rd floor. Andaming nakahilerang gamit sa buong floor. Akala siguro ng taong lilipat dito kanya yung buong unit.

Nakasalansan naman yung mga gamit. Nakapahiga. Tapos magkakatabi. Tapos ang ending nun. Isang babaeng natutulog. May earphones siya sa balikat. Natanggal na siguro.

Ang liit ng ilong niya. Namumula yung pisngi niya. May bangs siya. Tapos hanggang shoulders yung buhok. Umupo ako sa tapat niya. Tinititigan ko siya.

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon