Chapter Eighteen
Keith’s POV
Morning -_- Ang sakit ng katawan ko. Amp. I opened my eyes then I looked at the clock. Shocks! 11:30 na! 11:33 to be exact. Late na ko sa first period namin!
Kumuha ko ng twalya sa closet tapos paderetso na ng C.R. Wala naman si Angel e. Siguro galit na galit yun sakin kagabi -_- Sana hindi ko siya makita ngayong araw >.<
Ako na naglasing!
Nagiinarte pa kasi ako. Iyan, napapala.
Nakakahiya >.<
Bakit sarado? What’s with this? Ganito ba siya kagalit sakin at ni’lock niya sa loob yung pintuan ng C.R? Grabe naman >.<
Bumukas bigla yung pintuan.
“GoodMorning Keith”
Napalingon agad ako sa kaliwa. Eh bakit naman kasi nakatwalya lang siya?!
“Ba…bakit ka nandito?” mahinang tanong ko.
“Bahay ko to?” tapos ngumiti siya. Hindi siya galit sakin? “Dali maligo ka na. Aalis tayo” tinulak niya ko sa C.R tapos biglang sinara yung pinto.
Aalis kami? Saan kami pupunta? Di siya pumasok? So ako din di papasok?
ETO NANAMAN ANG MGA BAGAY NA HINDI KO NAIINTINDIHAN >.<
Sa madaling salita naligo at lumabas ng C.R. May bathrobe naman ako kaya wala siyang makikita sakin. And whats with his super handsome PORMA?
Pants and Shirt palang pamatay na ^____^
“Hindi ka papasok?” tanong ko. Eh hindi ba talaga kami papasok? San ba kasi pupunta?
“Obvious ba? Magbihis ka na dali”
Nagbihis ako. Pants and shirt din. Ayuko mag-short. Sasabihin nanaman niya ‘Sa susunod kasi mag-pajama ka’ Oh diba alam ko na?
Teka?
Bakit ganito si Angel? Bakit pinapansin niya ko ngayon?
Diba kahapon?
Teka. Tandang tanda ko naman na lasing ako.
Pero maliban dun,
WALA NA KONG MATANDAAN! >.<
Ano bang nangyari kagabi?
Oy hindi naman siguro! >.<
Lumabas ako ng kwarto. Papagawan ko nga ‘to ng pinto.
“Tara na” tinitigan ko lang si Angel.
“Simsi—, ay Keith, aalis nga tayo, tara na” tapos nagsimula na siyang maglakad palabas ng pinto. Sumunod ako sakanya.
Hinde talaga e!
Umupo ako dun sa dining table
Napatagil siya sa paglalakad “Oh bakit?” tapos umupo din siya.
“Angel, may nangyari ba kagabi na hindi ko alam?... May mga sinabi ba ko?”
“Oo, madaming nangyari” tapos ngumiti siya.
MADAMING NANGYARI?
Parang may question mark lang yung ulo ko. Andami kong tanong, naglo-loading nanaman..
Kinapitan niya yung kamay ko at tumayo. “Tara na nga kasi”
Ano pa bang magagawa ko? Kinapitan na yung kamay ko e. Sumunod na ko.
Napatigil siya. Kapit niya yung doorknob tapos biglang lumingon sakin.
“Sabihin mo Keith, ako ang boyfriend mo diba?”
“Huh? Ako? Ahhhh Oo”
“Ako lang diba?” Ano bang sinasabi niya! Iyan nanaman siya sa tunay at hindi!
“Ano nanaman to? Eh wala nam—“
“Alam ko! Nagtatanong lang naman ako ah!”
“Eh bakit mo kailangan sumigaw?!”
“Iyan ka nanaman e! Nagsisimula ka nanaman!”
“Ako?! Eh sino kaya?”
Huminga siya ng malalim “Tama na nga” tapos binuksan niya yung pintuan. Kapit niya parin yung kamay ko. Saan ba kami pupunta?
Habang naglalakad kami, kay Angel lang ako nakatingin. Tinitignan ko lang yung muka niya. Gustong gusto kong kiligin ngayon. Alam ba niya yun? Pero napapalitan kasi ng tanong yung mga kilig ko.
Wag na nga akong maraming tanong! Kung saan man kami pupunta. Bahala na si Angel.
Nakangiti siya. Tignan mo oh, nakangiti lang talaga siya. “Good Morning Ate” sigaw ni Angel. Bakit ang good mood niya ngayon?
Wag na nga magtanong diba?
Wag na ngang slow diba?
Sabi ko nga
“Ay GoodMorning ate” bati ko din
“Sabi ko na nga ba eh, ikaw talaga Injil, inaasar mo lagi si Kit, kayo din pala ang magkakatuluyan”
“Ang lalim mo naman Ate, parang magpapakasal na kami”—Angel
Napatingin lang naman ako ng gulat na gulat kay Angel. KASAL?
KASAL AGAD?
AGAD AGAD?
Jusme akira, uulitin ko ulit? Ilang ulit na? Wag na nga magtanong diba!
--
Di pa po tapos ang chapter na to, may bukas pa.=))
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Teen FictionPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))