Chapter Thirteen

42 1 0
                                        

Chapter 13

Keith’s POV

*tok tok tok tok tok*

Kailan pa naging hobby ni Angel ang kumatok? Bigla bigla lang naman pumapasok yun. Hindi naman kasi ako nagla’lock. Sa madaling salita binuksan ko yung pintuan

O_O

“Pasok kayo”

Pito sila. Isama mo pa si Angel. Whats happening?

Si Angel nagdala ng mga kaibigan niya dito sa bahay?

Sabi niya wag daw ako magdadala ng kung sino sino dito. Eh sino sino naman tong kasama niya?

Kilala ko yung tatlo, Pete, Marco at Justin. So andito si Justin. May makakausap ako kahit papano.

Eh ano nga munang meron??? Hindi parin ako makaalis dito sa harap ng pintuan.

“Sims, nakaharang ka. Di sila makakapasok”

Sabi ko nga aalis na ko diba? Amp -_- Nagpapasok ako, tapos ako mismo yung nakaharang

“Ay sorry” tapos medyo tumabi ako. Nagpasukan na sila. Si Marco naman pinaupo sila dun sa Sofa. Eh bahay niya e!

“Kaya pala ayaw mo kami papuntahin dito, andito pala yung girlfriend mo”—Pete

“Girlfriend? Akira diba i—“ Tinakpan ko nga yung bibig niya at hinila siya sa dining table

Takang taka siya nangyayari. So ano pa ko???

Wala nga pala siya nung pinakilala ko si Angel sa mga kaibigan ko. And knowing na kaibigan ko siya. Hindi niya alam? Akala ko ba? Ay ewan!

“Bakit ka nandito? Bakit si Angel? Ay ano bang meron?? Bakit?”

“Sorry Justin, di ko kasi nasabi sayo”

“Na? Myloves? Boyfriend mo si Angel?”

Anong sasabihin ko?

“Oo pare, magkakilala pala kayo ng girlfriend ko” tapos inakbayan ako ni Angel. Eh bakit andito nalang siya bigla? Bigla bigla nalang?

“Ah haha girlfriend mo pala ang myloves ko”

Tinignan ko lang si Angel, bakit ganito yung muka niya?

Hindi ko ma-explain? Eh bakit naman kasi Myloves pa talaga ang tawag sakin ni Justin!

“Oo” tapos nginitian nalang siya ni Angel. Yung plastic na ngiti. Ganun! “Honey bakit di mo naman sinasagot yung tawag ko”

Yung totoo? Si Angel ba talaga to?

Kelan pa naging Honey ang tawag niya sakin?

Diba Sisiw, Simsimi, pag tinatamad Sims nalang at Keith lang ang tawag niya sakin? Minsan pang naging Kit hahaha.

Bawal pala tumawa ngayon

“Ha? Nasa kwarto kasi yung cellphone ko”

“Ah nasa kwarto pala NATIN yung cellphone mo kaya pala hindi mo nasagot yung tawag ko honey”

So pinaglalakasan niya talaga yung salitang NATIN at honey. Si Justin naman hindi din ma-explain yung muka. Sorry pero ako din ganun.

Siniko ko nga si Angel!

“Ano ka ba honey, ang cute mo talaga” tapos pinisil niya yung pisngi ko

Eto ba yung acting na sinasabi ko? Dito ba i-aapply yun? Sa harap ni Justin? Eh ano bang meron kay Justin? Kaibigan ko naman ‘to.

Angel of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon