Chapter 11
Keith’s POV
Nasa van namin kame ngayon. Si Papa yung nagda’drive. Si Okasan sa tabi niya. Likod nila si Yuichi at Ate Claud. And dun sa likod nila. Ako at si Angel *_* . Dun sa likod namin si Pete, Marco, Gela at Janna >.<
Malaki yung van kaya kasya kami. Anluwag pa nga e. Yung totoo? Bakit ang bango ni Angel? At ang ingay ingay ni Angela?! Close na ata sila ni Marco. Si Janna hindi ko pa naririnig magsalita. Bakit ba kasama siya dito? Si Yuichi kasi! Niyaya pa >.<
“Sainyo tayo pupunta?” bulong ni Angel
“Oo, namiss ko na bahay namin”
“Ako miss ko na yung bahay natin” napatingin ako sakanya, siya naman nakatitig sakin
>.<
“aaaah ahh” ngumiti nalang ako. Ang lapit naman kasi niya!
“pati yung instant luto mo”
“sabe mo nga hindi masarap e -_-”
“pareparehas lang naman ang lasa ng hotdog”
“so pinapamukha mo talaga saking hindi ako marunong magluto?”
“oo, tuturuan pa kita” Amp! Yabang >.<
“wag na, nahiya naman ako sayo! Ikaw na naman magluluto e”
“anong sabi mo?” tapos nilapit niya sakin yung muka niya, yung ilong niya tatama na sa ilong ko
“Sa..sabi” kinapitan ko yung buong muka niya tapos bigla kong nilayo, eh hindi naman kasi ako makapagsalita!
“Ara..aray!” napasigaw si Angel
“Eh sabi mo ikaw na magluluto! Anong sinasabi mo ngayon?!” ako naman lumapit sa muka niya
“Kelan ko sinabi yun? -_- Wala akong matandaan”
“Sabe mo yun kanina! Nakakainis ka talaga!”
“Hoy simsimi! Sinabi ko lang yun kasi ang slow mo! Akala mo naman talaga maglulu—“ bigla siyang tumigil at napatingin kami sa paligid :0
LAHAT SILA NAKATINGIN SAMIN >:O kami pa naman yung nasa pinakang gitna tapos lahat sila nakaharap samin -__-
“hehehehehe” tapos sabay kaming ngumiti at tumingin sa bintana >:)
“yie LQ” sabi ni marco tapos parang kinikilig kilig pa >.<
“Sabi ko naman sayo Angel e, ganyan yang kapatid ko” gatas mo yuichi! Nakakabaliw na -_-
“Ano namang sinabi mo? Ha? KUYA?!” pinagkalakasan ko talaga yung kuya, gusto niya yun e! karirin niya!
“Tinawag mo ba kong kuya bunso?”
“Opo” tapos ngumiti ako. Oh ano ka ngayon?
“Angel may sinabi ba ko sayo? Diba wala naman? Pahinga ka na bunso” tapos ngumiti si Kuya. Hahahaha yun ang weakness niya e.
Si mama at papa wala atang pakielam? Si mama may kausap sa phone si papa busy driving.
“So gaano na nga pala kayo katagal?” napaharap kaming dalawa ni Angel sa likod. Eksena talaga si Janna! Kahit kelan. Kahit kelaaaaaaaan >:)
“One month” napatingin ako kay Angel. Bigla bigla nalang kasi siyang nagsasalita. So one month na pala kami? Ngayon ko lang nalaman ah. Kelan monthsary natin???
Nanlaki yung mata ni Angela. Si Janna naman tumatango akala mo intersado talaga!
“Bago pa lang pala kayo, tapos ako agad kasama mo?” lahat kami nagulat at napatingin kay Angel. Si Angel naman napatitig sakin. Halaaaaa?
“Diba partners kayo? Saka nagpa’practice kayo kaya magkasama kayo” sabi ko tapos ngumiti. Ako bahala angel! Akala naman ni Janna masisira ka niya sakin pssh!
“We hold hands” nagulat kaming lahat sa sinabe niya. Kahit si Angel nagulat din -_-
“Nakita kaya kita! Ikaw kaya humahawak kay Angel!” Sigaw ni Gela. Go SuperFriend!
Tapos si Angel naman tumatango kay Gela. Para siyang bata. Ang cute niya hahaha. Di na nakapagsalita si Janna. Asa kasi!
“Wag mo naman siyang sigawan Angela” She’s a b^tch, bakit hindi? Pinagtatanggol pa siya ni Marco. Wala ng nagsalita samin. Kahit si Gela tumahimik na din
Tapos bigla kinapitan ni Angel yung kamay ko, napatingin ako sakanya. Tapos siya biglang tumingin sa bintana. “Kasama ‘to, wag kang slow” bulong niya
Sauce. Lagi nalang akong slow. Kawawa naman ako :(
“Eh pare, nagawa mo na ba yung plano natin?”-pete
“Anong plano?” tanong ko, anong PLANO?!
“Yung bahay na ido-drawing namin” napangiti si Angel habang sinasabi niya yan. Weird niya. Alam niya ba yun?
“Akala mo naman kung ano”—Marco
“Eh kasi pag si Brad Pete ang nagsasalita akala mo talaga laging may ibig sabihin hahaha” –Angel
“Oo, puro babae kasi nasa isip niya e” –Marco
“Ilan nga ba?” – Angel
“apat?”—Marco
“Eh naka-apat ka palang?” –Janna
Makatanong naman ‘tong si Janna. Bakit? Nakailan ka na ba? Amp.
“Hindi. Apat na magkakasabay” – Marco
“Eh? Wow ha?! Kawawa naman mga babae sayo” – Gela
“Oo nga” sabat ko
“Ako nga kawawa sainyo e”—Pete
Si Angel tawa lang ng tawa, napapahigpit tuloy yung pagkapit niya sa kamay ko. Lambot *_*
“Nagtanong lang naman ako ah” Tapos nag-pout si Pete
“Para tigilan mo yan, ang sagwa hahahaha” – Angel
Maka-tawa si Angel akala mo wala ng bukas! Hahahaha nakakahawa siya
Kung idi-describe ko si Angel. Sa Physical. Hmmm. Gwapo kasi talaga siya e. Yung feeling na nakakapukaw siya ng mata. Parang Christmas Light. Ganun.
Yung ilong niya, matangos! Yung mata niya, simple lang, parang normal eyes pero ang haba ng pilik mata niya. Yung lips niya normal din. Hindi makapal di din masyadong manipis.
Normal lang naman siya. Pero bakit pag pinagsama sama ang gwapo niya? Amp. Swerte ko naman. Wag lang kaming magaway ang swerte ko na talaga.
Emotionally. Ano nga ba? Eto. Mahilig mambara, pero hindi siya snob. Yung pagkakausapin mo siya babarahin ka niya at kung ano anong sasabihin sayo. Ganun? Ganun siya. Ang harsh ng words niya. Naiinis nanaman tuloy ako! Pag may sinasabi siya binabawi niya, sasabihing wala daw siya sinabi. Ganun, ganun siya. Madaldal siya. Daldal! =)) Akala ko nung una tahimik lang siya at suplado at isnabero, pero hindi pala. Kasi in a very loooooooong waaaaaaay. Caring siya at mabait. Kaso hindi ko pa masyadong napi’feel yun ngayon. Lagi niya kasi akong inuutusan at sinisigawan. Inapply ko na nga yung Golden Rule kaso ganun parin siya.
Siya yung tipo ng tawa ng tawa. Napaka’vain at laging inaayos yung buhok niya sa salamin. Yung natutuwa pag pinagtitripan ako. Saya niya e! Hindi siya sweet na tao. Hindi talaga. Hindi din siya gentle. Tapos may mga trip siyang hindi ko naiintindihan. Wala e. Pero yung attitude niya. Pakiramdam ko, hindi niya kayang i-express yung feelings niya ng maayos. Yung kung ano nalang masabi niya, wala, yun na yun. Yan si Angel.
Tulog siya ngayon. Nakasandal sa balikat ko at kapit parin niya yung kamay ko. Kasama ba ‘to sa pagiging Great Pretenders namin? Hindi ko alam. Akala ko ba Back to normal kami? Eh hindi naman kami ganito dati ah?
Baka kasama nga ‘to.
--

BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Fiksi RemajaPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))