Chapter 13.5
Keith’s POV
After ng nakakahiyang pangyayaring yun. Asar na asar lang naman ako kay Angel! At hindi lang yun, trip na trip pa kami ng mga ka-groupmates niya. Si Angel tawa lang ng tawa samantalang ako hiyang hiya! Nakaka-imbyera -__-
Hindi naman ako maingay! Tapos ano, ano keith? Ano, aanuhin pa ko
AANUHIN? >.<
Edi ano, edi kiss. Whatever! FTW
Kanina pa ko nandito sa dining area. Konti nalang tambayan ko na ‘to. Katabi ko si Justin. Andaming shoneng ng lalaking to!
Nakauwi na lahat nandito parin siya. Sabagay, ayoko parin siyang umuwi. Naiinis ako kay Angel. Ang awkward kumilos. Kanina pa yan! Pasalamat siya friends ko na ka’groupmates niya. Lalo na si Bakla.=))
Nasa sala lang si Angel. Watching T.V of course.
“Lagot ka sa ka’grupo mo, wala ka manlang naitulong” sabi ko kay Justin
“Nasabi ko na, ako bahala sa lettering”
“Ah, hindi ka magaling mag-drawing?”
“Baliw ka talaga! Walang naga-archi na walang maibatbat sa drawing!”
“Eh? Ang galing naman, edi magaling ka pala mag-drawing?”
Tapos tinawanan lang ako ni Justin.. Tapa. Nice talking ha?
“Bakit hindi pa umuuwi si Angel?”
Ganyan siya magtanong. Alam niya kasing akin tong kwarto e. Ang sabi ko sakanya nandito si Angel kasi boyfriend ko siya. Hindi kaya siya nagtataka? Hindi ko din alam >.<
“Ah, mamaya pa uwi niyan. Kulang na nga lang dito na matulog yan e” tapos ngumiti ako. Hindi ko alam kung magaling ako magsinungaling. Sabe ni Yuichi hindi daw. Eh bahala na.
Dapat ang title ng chapter na to ‘Bahala na’ E. Eh naman kasi :(
“Myloves, mahal mo ba si Angel?”
Diba kapag boyfriend na automatic mahal mo yun? Eh bakit naman tinatanong pa ni Justin? Ganun ba kami kasaklap ni Angel at ganyan siya magtanong?
“Oo, syempre naman” sagot ko with matching tawa tawa effect pa
“Dapat kasi siya ang kasama mo ngayon hindi ako”
Tama ka Justin. Kung mahal ko siya, siya ang dapat kasama ko hindi ikaw.
Eh hindi ko naman siya mahal!
Hindi nga ba?
Hindi pa?
Aish! Di ko tuloi mapigilang titigan si Angel ngayon.
Meron siyang sexy back. Amp!^__^
Yung isang kamay niya kapit yung remote tapos yung kabilang arm niya naka-akbay sa sofa.
Napatingin siya samin. Tinitigan niya lang ako. Eh nakatitig din naman ako sakanya! Bigla siyang tumayo.
Hindi ko pa nga pala nasasagot yung tanong ni Justin.
Ano bang sasabihin ko?
Papalapit na samin si Angel
“Pare gabi na. Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Angel habang naglalakad papalapit
“Hmm osige, una na ko”
“Honey, magbbye ka na kay Justin” tapos inakbayan niya ko papalayo kay Justin
![](https://img.wattpad.com/cover/1259986-288-k396204.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Novela JuvenilPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))