Chapter 10
Keith’s POV
Tumabi sakin si Angel, naka’shirt na siya ngayon at naka’pants, wala na din sila Mama dun sa kinatatayuan nila kanina. Ngayon? Pwede ko na ba talaga siya makausap? After two loooooong weeks?
“Ha? Ano? Si Just—“
“Alam ko, close pala kayo nun?”
“Hi..hindi naman masyado”
“Hindi masyado? Pag kaya nagpupunta kayo sa building lagi mo kausap yun-_-“
“Pano mo nakikita yun?”
"May mata ako"
"Alam ko! Tapos sasabihin mo maliit lang yung akin? Alam ko na yan!"
“Eh kasi malamang nakatingin ako!”
“Eh?”
“Ay hinde!”
Nagsisimula nanaman siya >:)
“Tss. Yung… sa.. ano…” Nauutal ako -_-
“Sa kanina? Sa kahapon? Nung sa isang linggo? Nung isang isang linggo? Saan?”
“Angel” nagulat na pagkakasabi ko. Dami kasi niyang sinabi
“Alam ko, sorry. Kasalanan ko. Hindi kita nakakausap”
“Sabi mo kasi saki—“
“Alam ko nga! Kulit mo! Madilim ba? Gusto mong malinawan ka?”
-__??????__-
“Ha?”
“Ahahaha na’miss ko yan”
“Bwiset ka! Hindi kita naiintindihan!”
“Pati yan” tapos ngumiti siya sakin
Naiiniis ako. Tumalikod ako sakanya. Miss nya ko?! Samantalang wala nga akong alam sa mga nangyayari. Malalaman ko lang na kami na pala. Ako pa talaga magugulat. May instant boyfriend ako ha??
Akala ko instant hotdog lang ang pwede sa microwave.
Nasa MicroWave ba ko?
Psh! Tama na nga. Si Angel naman nagsisimula ng maging seryoso.
“Kung itatanong mo sakin yung hindi ko paguwi ng maaga sa bahay *humarap ako sakanya* , nagpa’practice ako nun para dito, *tumingin siya sa stage*Kung itatanong mo kung bakit hindi kita pinapansin, kasi ayaw kong sabihin sayo. Kung itatanong mo kung bakit, andami kasing sumusunod sa bahay. Ayokong malaman nila na umuuwi ako sa dorm. Malalaman nila na magkasama tayo. Sabi mo hindi maganda yun diba?*tumingin siya sakin* Kung itatanong mo kung saan saan ako nagpupunta, dito, nagpa’practice, sa school, sa bahay, umuuwi ako, napapansin mo pa ba?
*tumango lang ako*
Kung itatanong mo yung maleta ko, wala pinaglagyan ko lang ng gamit ko para dito. Kung itatanong mo kung bakit ko kasama si Janna, kasi partner ko siya. Kung itatanong mo kung bakit magka’holding hands kami, kinapitan niya yung kamay ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko binitawan. Basta naisip kita nun. Hindi ko alam. Kung itatanong mo kung ano yung sinabi na Pete……”
Natigil siya.
“Na girlfriend mo ko”
“Oo. Keith sinabi ko yun. Nakita niya kasi tayo sa MOA nun. Nung galit ako sayo, yung pinaghintay mo ko”
“Sorry”
“No, I’m sorry. Sinabi kong tayo pero hindi. Sorry. Sa tingin mo ba? Ginamit kita?”
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Novela JuvenilPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))