Chapter 7
Angel’s POV
“Ano dre? Natext mo na yung hotbabe dun sa tourism?”
Si Marco, kaibigan ko yan mula pagkabata. Hindi ko alam kung kelan ko naging kaibigan yan -_- Nung nagkaisip ako lagi ko nalang kadikit ang asungot na yan. Ewan ko kung bakit kung nasan ako nandun din siya. Siguro nga magkaibigan talaga kami. Sira ulo din to, parehas kame. Mas gwapo nga lang ako. Uusap?!
“G^go! Di ko itetext yun!”
“Eh bakit mo pa hiningi?”
“Eh may—“
Sasabihin ko ba? Na may kasama akong sisiw sa bahay? Wala naman sigurong pakielam to? Saka alam ko paguutak nito! Hindi. Sasama ang ihip ng hangin. Wag nalang
Hindi ko naman talaga dapat hihingin number nun e, kukunin ko sana yung susi kay Simisimi kaso iyun, nakita ko, tulog siya hahahaha natatawa pa ako e hahaha. Itong mga kasama ko naman akala mo noon lang nakakita ng babae! Sakin pa pinahingi yung number nung Janna. Maganda siya. May naalala nanaman ako.
Naalala ko lang naman.
“May?”
“Hindi ko type”
“G^go ka ba? Hindi daw type! Ganyang ganyan ka kay Amaine dati!” natatawa pa siya. Tinignan ko nalang siya ng masama. Hindi ko na nga inaalala e. Badtrip!
“Hahahaha joke lang pre, dali ako nalang magte-text, kunwari ako ikaw”
“Lolo mo! Gagamitin mo pa muka ko!”
“Eh sayo binigay e!”
“Eh ano? Edi hingin mo sakanya”
“Papahirapan mo pa ko, akin na dali, sasabihin ko ako to”
“Sigurado ka lang?” Kinuha ko yung cellphone tapos sinend ko nalang sakanya yung number
“Angelito pare!”
“Sira ulo ka brad!”
Si Peter yan, Pete ang palayaw niya sa girls. Hahahaha ang baho. Brad Pit tawag namin.
“Nakita kita kahapon sa MOA ah”
“Huh?”
Bwiset! Nagagaya na ko kay Simsimi! Pahamak talaga!
“Nakita kita sa moa, kasama ko girlfriend ko e”
“Sino? Si babygirl 1? Babygirl2? O babygirl3?” eksena ni marco
“Gago pare yung bago”
“may pangapat ka na?”
“ahahaha oo, eh angel nakita kita, may kasama kang chika”
“Sira! Sisiw yun” bat ba ito nasabi ko?!
“Sisiw? !” Oh sabay pa sila-_-
“ah chicks?” Sabay bawi ni brad pit
Hindi nga chicks yun! Sisiw nga! Sisiw! Hindi nalang ako sumagot
“Hina mo pare! Ano?”
“Oo na -_-“
Anong oo na?! Wala naipit na! Ayoko naman kasi sabihin na may kasama akong babae sa isang kwarto diba? Lalaki ako, at lalaki din ang mga kausap ko. Hindi maganda pag naguusap mga lalaki. Baka kung saan pa mapunta! Ayaw ko naman na isali pa simsimi sa usapan. Kawawa naman
So I care? Di nga kami close!
Dahil sa kanya. Pakiramdam ko ang daldal ko na
“Pakilala mo naman kami jan pare” – Peter

BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Teen FictionPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))