Chapter Fifteen
Angela’s POV
GoodMorning Philippines! GoodMorning Friends! May chika po ako. Si Akira po nagaaral!
Hindi po yan joke! Totoo po yan!
Hindi nga ako kinakausap e. Busy sa pakikinig sa prof ang itchura ng lola mo?! Hindi din niya ko kinikibo. Somethings fishy. May naba’Vibes ako.
Eh ayoko munang magsalita. Pano naman kasi? Mamaya kung ano pang masabi sakin, takot ko lang.
Nakakapanibago lang ngayong araw. Hindi kasi masakit ang likuran ko. Hindi kasi siya nagtatago sa likod ko at natutulog. Natunghay siya ngayon! Naka’salamin pa! yung pang Korean? Amp. Na’perfect niya lang naman yung quiz kanina >.<
Bakit ba siya nag-aaral ngayon? Month ago, may ganito din siyang mood e. Nung miss niya si Angel.
So anong drama ngayon?
May problema din siya?
Baka nga?
Eh may problema nga!
Kanina ko pa pinagiisapan teh! Nahahawa na ko sa pagiging slow ni Akira -_-“
“Teh?” tapos inug-ug ko yung lamesa niya
“Akira!” at ginagalaw galaw ko yung hair niya, humahaba na ah
“Haba na ng buhok mo! Pagupit ka na”
Eh hindi naman ako pinapansin! Busy siya magsulat e. Kopya dun, kopya dito >.< Parang ako tuloy ang tamad ngayon!
“Akira, yung bangs mo humaba na” hindi talaga ko pinapansin!
“Aba anong meron? Hindi mo ko pinapansin?!” Tapos kinuha ko yung ballpen niya
Tinitigan niya lang ako saka kinuha yung ballpen sa kamay ko. ANG SUNGET >:(
“Akiraaaaaaaaaaaaaaaaa” tapos wina-wave wave ko yung kamay ko sa mukha niya. Ang laki ko namang ekesena dito at hindi ako mapansin?!
“Ms. Cruz, can you stop what your doing? Your so annoying”
“Yes sir”
Ayan na! Napagalitan pa ko! Ano daw? ANNOYING daw ako? Sino kaya! siya tong baklang prof. e!
Akira naman kasi. Ayaw akong pansinin. Nilayo ko muna yung upuan ko. Ikekwento ko pa naman sa kanya na LUMELEVEL-UP na kami ni Marco! So kami talaga? Hahahaha. Eh naman kasi! Gusto ko ng ikwento e!
Kay Janna ko nalang kaya ikwento?
Kaso parang vibes ko type siya ni Marco e T_T
T_____________T
Ang lagkit kasi ng tingin sa kanya ni Marco parang bico! Parang instant super glue! Ang dikit! Parang yema, ang tamis!
Nalasahan ko ba?
Heh! Bahala sila! Gusto ko ng kaibiganin si Janna pero bakit lahat nalang inaagaw niya?! Tama na yung isa >.<
Pangalawa na ‘to oh! Eh nakakalorki na >.<
Nandito kami ngayon sa 7-11. Tapos na ang klase syempre. Alangan naman ikwento ko pati ang mga lectures? Eh hindi naman nga ako nakinig. Nasabihan pa ko ng ANNOYING >.<
Dito ko dinala si Keith. Nagugutom daw kasi siya. Inferness, di niya bukambibig ang diet ngayon dahil gusto niya pumayat. Sexy nga niya e. Bakit gusto niya pumayat? Baliw talaga.
Kumakaen kami ngayon ng donuts. Mali. Ako lang pala yung kumakain!
Nakatitig lang kasi siya dun sa donut na nilibre ko.
“Teh? Akala ko ba gutom ka? Wag mong iyakan yang donut. Kainin mo yan!”
Tinignan niya lang ako. Ang haba pa naman ng bangs niya. Tapos ang puti pa niya. Muka na siyang si Sadako. Nagsuklay ba siya ngayon?
Kumagat siya. Tapos pinisil niya yung donut. Yung lalabas na yung stwaberry filling. Natatawa lang ako kasi nakanguso siya habang ginagawa niya yun. Eh sayang kaya!
“Akira? Wag mong sayangin yan!”
“Eh bakit naman kasi ito pa yung binili mo?”
“Eh tinatanong kasi kita kung anong gusto mo ayaw mong sumagot! Ano bang problema mo?”
“Hindi nagluto ng umagahan si Angel kanina”
“Yun lang? Yun lang dahilan ng pag’eemote mo?!”
“Hindi. Kasi kagabi pa niya ko hindi kinakausap”
“Ano bang nangyari kagabi?”
Napatigil siya. Tapos ngingiti ngiti. Yung parang may naalalang nakakilig na moment? Hinampas ko nga yung kamay! Landi!
“Ano nga!?” Tanong ko. Napaka bang kupad kasi!
“Sabe niya kasi sasaluhin niya ko.=))))” tapos ngumiti siya ng sobrang haba. Ang gulo ng babaeng to. Yung totoo? Na’mental ba si SuperFriend dati?
“Eh?! Sinabi talaga niya yun? Pano niya sinabi? Ano bang tinanong mo? Eh kung ganun, eh bakit ka naman malungkot ngayon? Saka bakit di ka niya pinapansin? At bakit di siya nagluto kanina?”
Tinitigan nanaman niya ko -__-
Yung totoo? Horror ba to?
Nakakatakot si Akira!
“Sasagutin ko ba lahat ng yan?-_-“
“Isa isa nalang” tapos ngumiti ako. Nakaramdam naman ako sa mga tanong ko. Hindi ko naman gustong magtanong sa lagay ko
“Kamay ko. Kamay ko lang ang sasaluhin niya”
“Bakit? Anong meron sa kamay mo?”
“Ang kamay ko?” tapos tinitigan niya yung kamay niya “Ito nalang ang tanging pag asa ko. Ito lang kasi ang sasaluhin niya” tapos bigla siyang tumungo dun sa lamesa.
Parang naka-drugs lang siya! Nakakainis siya magkwento!
Inangat ko yung ulo niya. “Anong kamay? Bakit? Ano bang tinanong mo? Ayusin mo kasi pag kekwento!”
“Angel… LA, ahahahahahahahaha” tapos tumungo ulit siya.
PARANG GAGA LANG TONG KAIBIGAN KO! TAWANAN DAW BA KO?!
Konting tiis nalang at masasabunutan ko na ‘to!
“ANO BA NAMAN KASI AKIRA? ANO BANG PROBLEMA?????”
Inangat niya yung ulo niya. Amp. Nakakatawa! HAHAHA pano ba naman kasi! May mga harina siya sa bibig at ilong. Natuunan niya kasi yung donut na Bavarian. HAHAHA! Gusto ko na sanang tumawa pero pinipigil ko. Kunwari galit muna.
“Sabi niya kasi may totoo akong boyfriend, sino bang boyfriend ko? Edi ba siya lang naman? Kahit ba nagpapanggap lang kami. Siya naman talaga yung boyfriend ko. Nakakainis lang kasi hindi niya ko pinapansin kagabi! Nandun pa naman si Justin. Feel na feel ko na pa naman ang pagiging girlfriend niya pero siya ganun. Masyado naman akong mukhang pretender! Sabi niya bakit naman daw ako kailangan matakot kung mahuhulog? Eh sasaluhin naman niya ko. Kung ano ano na pa naman ang naisip ko. Tapos bigla ko nalang naalala na KAMAY lang pala ang pinaguusapan namin”
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Teen FictionPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))