Chapter Five
Angel’s POV
Naasar lang pala siya. Sabagay, natutuwa naman akong asarin siya. Ipagpatuloy ang nasimulan! Hindi siya sumasabay sa paglalakad sakin. Lalo pa’t andito na kami sa hagdan ng building.
Sobrang layo niya sakin. Pagong ba ‘to?
“Hoy! Baka pwede mong bilisan?” Sigaw ko. Bagal niya e, wala pa namang ilaw.
“Angel!”
“Ano? Bilisan mo naman jan” Anak ng tokwa gutom na ko!
“Na san ka?!” At nagsisigawan kami dito sa building. Nasan din ba siya? Hindi ko siya makita
“Andito ako sa baba malamang! Bilis”
“Angel” Ang hina bigla nung boses niya pero rinig ko parin. Umakyat ako ulit patakbo pero nagiingat talaga ko kasi madilim.
“Nasan ka ba?”
At yun nakita ko siya..
Nakaupo.
Umiiyak.
“Bakit? Nadulas ka ba?” Tanong ko.
Pero di siya sumasagot. Umiiyak parin siya. Sabagay okay na ‘to kesa “Huh? Ako?” nanaman ang isagot niya. Mababadtrip lang ako.
Nilapitan ko siya.
Nakita ko yung kamay niya, nanginginig.
Tumalikod ako sa kanya tapos pinaangkas ko siya. Ayun sumakay naman siya.
Basa na yung likod ko ng luha niya. Ahahaha! Unang beses kong nabuhat ng isang babae. Ang gaan niya.
Keith’s POV
Nakaangkas ako sa likod niya ngayon. Piggyback-ride .
Para akong bata! Umiiyak sa dilim!
Nakakainis naman kasi. Nakakatakot.
Buti nalang mabait ngayon si Angel.
Nakita ko na yung Angelic side niya.
Binaba niya ko pagbaba namin dun sa hagdan.
“hahaha iyaking bata” tapos naglakad na ulit siya
Tignan mo ‘to! Pinagtatawan niya pa ko! Anyway
“Thankyou”
“Anong thankyou? Libre mo kong pagkain” Aish!
“Eh!”
“Ayaw mo?”
“San ba tayo kakain?”
“Kahit saan”
At heto kami ngayon, lakad ng lakad papunta sa hindi ko alam. Hindi naman ako sanay sa Manila kaya hindi ko alam. Pero hindi ako probinsyana. Yung hindi ko lang alam lugar dito. Sinusundan ko lang siya. Andito lang ako sa likod niya.
“Saan ba tayo pupunta?”
“Hindi ko alam”
“Ha? Eh kanina pa tayo lakad ng lakad ah!”
“Naghahanap ako ng makakainan”
“Ang dami na nating nadaan oh”
“San? Wala akong nakita”
“Ayaw mo kasing gamitin mata mo!”
“Eh sino kaya yung maliit yung mata?”
“Bakit? Atleast ako may nakita”

BINABASA MO ANG
Angel of Mine
JugendliteraturPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))