Chapter Seventeen
Justin’s POV
Nasa MOA kami ngayon ni Keith, paikot ikot lang kaming dalawa. WOF dito, kain ng ice cream doon, tingin tingin ng damit diyan, at foodtrip syempre. Lagi naman namin tong ginagawa, napapadalas na. Lagi kong kasama si Keith.
Nakakatuwa lang naman kasi, hindi ko nga iniisip na may boyfriend siya. Alam kong mali, eh ano namang gagawin ko?! Ako yung lagi niyang kasama. Kahit ba sabihin mong nakikita ko siyang sinusundo si Angel. Ako naman yung kinakausap niya pag naghihintay siya.
Diba? Ewan ba! Parang kontento na kong ganito.
Pakiramdam ko tuloy kabit ako.
Kabit? Ang panget! Hahaha
Okay na yun kesa ‘Kaibigan lang pala’ ako.
Ang problema totoo ba mga pinagiisip ko? Hindi. Kasi kanina pa niya bukambibig si Angel. Kanina pa! Nakakarindi sa tenga.
Wala naman si Angela ngayon. Walang maingay -___-
“Kanina pa tayo dito ah, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko. 9:30 na din kasi, eh mga 3pm pa kami pumunta dito. Sinundo pa niya ko sa room at nagcutting pa ko para lang sa kanya.
“Maya na, ililibre mo pa ko ng ice cream”
“Myloves? Nalibre na kita ng apat na beses! Naka-dalawang ikot narin tayo dito”
“Dalawa pa lang?”
“Oo. Ang laki kaya nito”
“Mga sampung ulit pa”
“Baliw ka na, tara uwi na tayo”
“Ayoko pa, hindi pa ko uuwi” tapos tumalikod siya sakin.
Nasa parang bench kami ngayon. Yung upuan ha? Hindi yung store. Yung parang garden sa tabi ng falls. Nakaupo lang kaming dalawa dito. May mga snacks din. Kain lang siya ng kain. Nakakatuwa lang kasi bang takaw niya ngayon.
“Myloves?”
“Hmmm?” tapos lumingon siya sakin
Para siyang groge. Kung hindi ko ‘to kasama kanina pa, iisipin kong nakainom siya.
“Teka? Bakit namumula yung mata mo?”
“Sharingan yan. HAHAHAHAHAHA”
Adik talaga siya sa Naruto. Tinitigan ko lang siya. Parang may mali. Tumatawa siya ng napaka bang lakas. Teka. Pag tumatawa ng malakas may mali agad?
Ha ha ha. Korni
“Baliw ka na! Tara iuuwi na kita”
“Ayoko pa nga. Alam mo Injil, paulit ulit ka. Unli ka ba? Hahaha unli ka nga” Tapos uminom siya nung kanina pa niya iniinom. Hindi ko naman mabasa. Japanese kasi, tapos color green. Parang mountain dew tingin ko.
Teka. Ano daw? Ako daw si Injil?
Injil?
?
Tss. Angel?
Angel nanaman?
“Angel? Si Angel ba? Si Angel nanaman! Myloves, ako kasama mo. Tara nga umuwi na tayo” Tumayo ako. Nakakainis lang. Ako kasama niya, yun nanaman iniisip niya.
Tignan mo siya, tinitigan lang ako. Pero umiinom parin.
Tas ngingiti?
Natuluyan na nga ata?
“Ano ba yang iniinom mo? Kanina mo pa hindi maubos yan” tapos kinuha ko yung iniinom niya
“Jinri?” iyun yung nabasa ko dun sa label. Natatakluban pala ng kamay niya yun tatak. Tinikman ko.

BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Genç KurguPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))